MISSION #04

21.5K 601 60
                                    

MISSION #04

STEP 2: Conduct a research about your target-- Mr. Homophobe.

[JOEL:]

Friday, naisipan ko munang hindi sumabay sa kambal, dahil naisipan ni Justin na sabay-sabay daw kaming tatlo nina Trixie na mag-lunch. Well, magandang chance na rin iyon para tanungin ko sila, especially si Justin kung ano ang dapat kong gawin kay Jake at sa treatment niya sa akin.

"Joel, saan kayo kakain?" tanong ni Ciara sa akin. Nag-aayos na kasi ako noon ng mga gamit, since lunch break na.

Nangiti muna ako bago sumagot. "Sa caf kami, Cia. Doon kasi kami madalas kumain ng mga kasama ko noong Third Year pa lang kami, e."

"Doon na rin kami kakain! Please?" Nag-puppy eyes pa ito, pero hindi pa rin effective.

Bigla namang sumabat si Cielo. "Cia, sa canteen na tayo. Isa pa, kasabay natin si Calvin."

"So?" mataray namang tugon ni Ciara sa kambal niya.

"Magka-text kayo no'n?" usisa ko. Hindi ko naman kasi natatanong si Calvin sa mga ganoong bagay.

Ngumiti naman si Cielo. "Yep."

Nagpaalam na rin ako sa kanila noon dahil nasa caf na raw silang dalawa. Naku, nahuli ako ngayon. Usually kasi, ako lagi ang pinakamaaga roon. Ako pa! Good thing is, hindi naman kalayuan ang canteen sa home room namin, at agad ko rin silang natanaw doon. Todo-ngiti ko naman silang nilapitan.

"Nahuli ka yata ngayon, Joel?" natatawang asar sa akin ni Trixie. Ha! Akala naman niya, papatibag ako.

"Gaga, siyempre, vacant ninyo kanina tapos nataon pa na wala kayong Values Education ngayong time," sagot ko naman.

"Tama na 'yan. Oorder na ako." Tumayo na noon ang tagasaway sa amin ni Trixie para bumili. Tumayo rin ako noon para dagdagan pa ang bibilhin niya. Panigurado kasi, libre na naman niya.

Masaya naman kaming tatlo noon habang kumakain. Para nga kaming bumalik noon sa Third Year, e. Grabe, na-miss ko talaga silang dalawa. Hay! Sana, naging kaklase ko na lang sila ngayon.

"Bakla, bakit tulala ka? Ang weird mo, ah? Hindi ka naman ganyan, except kung napagsabihan ka ng iyong fadir," anang Trixie.

Napabuntong-hininga muna ako noon bago magkwento. "Guys, medyo nahihirapan kasi akong mag-adjust sa new section ko. I mean, oo, mababait naman sila. In fact, may dalawa akong ka-close."

"'Yung kasama mo noong isang araw?" sabat ni Justin.

"Yep. Pero ayun nga, may isa kasi akong kaklase na parang homophobe? Uhh, ewan. Hindi ko sure, pero minsan kasi, hindi ko maiwasang hindi ma-butthurt sa mga binibitawan niyang mga salita," malungkot kong pahayag. "Ano ba'ng dapat kong gawin?"

Napahinto naman silang dalawa sa sinabi ko. Mabuti na nga lang, medyo mahina lang ang boses namin, kaya hindi kami nakakaistorbo sa mga kalapit naming mga kumakain din.

"Uso pa pala ang mga homophobe ngayon?" nagtatakang untag ni Trixie.

"Gaga. Hindi naman 'yun nalalaos," sagot ko sa kanya.

"Sorry naman, ano?" nakairap niyang sabi. Tsk.

Sumabat naman si Justin. "Hayaan mo na lang siya, Joel. Iyon kasi siya, e. Isa pa, hindi naman lahat, mapi-please mo. Basta, ang gawin mo lang ay 'yung alam mong tama," aniya.

Iba talaga 'tong si Fafa Justin! Hindi lang gwapo, matalino pa. May punto naman siya. Hindi lahat, gusto ako. May iba riyan, may lihim pang galit sa akin.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon