MISSION #50

10.7K 347 37
                                    

MISSION #50

#FamilyBonding

[JOEL:]

Nagising ako kinabukasan na ako na lamang ang naiwan sa kama. Agad kong tiningnan noon ang oras. Alas-otso pa lang pala ng umaga. Ayos lang iyon, since linggo naman ngayon. Agad sumagi sa isip ko noon si Jake. Oo nga pala, dito siya nakitulog kagabi. To make that thing worst, katabi ko siya. Medyo nakakailang din iyon sa part ko, ano. Hindi naman kasi ako 'yung tipo na nagti-take advantage sa isang sitwasyon na magbe-benefit ako. I always think the consequences of my actions. Psh, oo na. Ako na ang praning. Chos! Anyways, mukhang ako na lang yata ang tulog, kaya umayos na rin ako. Hindi naman ako nagtagal noon sa paghihilamos, since ayaw ko ring maging paimportante. Naabutan ko sa baba noon si Jonathan, saka si Cassie. Pareho silang nanonood noon ng TV.

"Cass, sina Mama? Saka napansin mo ba sina Calvin at Jake?" tanong ko sa nakababata naming kapatid. Duh, obviously, siya ang tatanungin ko, since hindi pa naman kami nagkakaayos ni Jonathan-- although, I'm hoping for that.

"Sina Papa, Calvin at Mama, hinatid si Jake sa kanila. Susunduin daw nila 'yung Mama saka si Kendrick," sagot nito.

Napakunot agad noo ko roon. "Ano'ng mayro'n?"

"Magkakaroon daw tayo mamaya ng kaunting salu-salo, sabi ni Papa. Para raw sa inyong dalawa," sagot pa nito. "Grabe ka, Kuya, ah? Ang haba ng hair mo!?"

"Heh! Magtigil kang bata ka," saway ko rito.

Nyeta, umagang-umaga, nagba-blush ako ng wala sa oras. Paano naman kasi, bigla ko na namang naalala 'yung mga pangyayari sa birthday ni Calyx. Tama bang pagkamalan si Jake na boyfriend ko!? Kung sa malanding imahinasyon ko naman, ayos na ayos 'yun, iba naman ang reality. Sa totoo lang, mayroon na akong what ifs doon. What if, iba ang isipin ni Jake? What if, napipilitan lang siya roon? 'Di ba nga, homophobic ang kupal na 'yun? Hindi naman kasi gano'n kadali 'yun, e. Remember, hindi ito fairy tale na happily ever after agad. Duh, nasa realidad kaya tayo! Matagal ko nang alam na mahirap para sa isang baklang katulad ko ang magkaroon ng maayos at ideal na relasyon. Well, bakit ko nga ba iyon iniisip? Dahil doon, hindi ko na namalayan na nasa hapag na ako't nakatunganga lang. I decided na kumain na lamang ng breakfast. Since mukhang matatagalan pa sina Mama noon, according to Cassie, the three of us-- yes, including Jonathan-- decided to clean the whole house. Since kami lang naman ni Cassie ang nag-uusap moat of the time, kami na ang naglinis dito sa baba. Jonathan, on the other hand, volunteered to clean the comfort rooms, and our house' second floor. Nag-enjoy naman kami, at least, sa paglilinis. In fact, kakatapos lang namin nang magbusina sina Papa sa labas. Naulinigan ko na rin noon sina Tita-- Jake's mom and Kendrick. Agad akong lumabas noon para salubungin sila.

"Good morning po, Tita. Good morning, Ken! Sakto lang po at kakalinis lang po namin," masigla kong sabi sa kanila.

"Good morning din, Joel. Naku, nag-abala ka pa," sagot naman nito.

"Si Ate Jen po pala?" usisa ko pa.

"Naku, may date daw, kaya pinayagan ko na," aniya.

Inanyaya naman sila ni Mama na pumasok sa loob. Actually, nauna pa sila noon na pumasok. Doon ko rin nakita si Jake. Mukhang uneasy ang hitsura nito.

"Oy," tawag ko sa kanya. Astig, 'no?

"Tss, oy ka rin," walang gana niyang sagot.

"Anong problema mo't ba't ganyan ang mukha mo?" Talagang nilapit ko pa ang mukha ko noon sa mukha niya.

"Wala. Kulang lang ako sa tulog. Saka, p'wede ba, umakto ka na parang magkarelasyon tayo. 'Yun ang alam nila," aniya.

Nanlaki ang mata ko noon. "The heck? Iyon ba ang dahilan kaya nandito sina Tita?"

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon