MISSION #20

16.6K 430 31
                                    

MISSION #20

[JOEL:]

Nagising ako sa ingay ng alarm clock. Shit, inaantok pa ako, e. Idagdag pa sa paghihirap kong bumangon ang pagiging kumportable ko sa posisiyon ngayon. May kayakap kasi ako-- the eff!? Agad akong napabalikwas noon. Bigla ko kasing naalala na katabi ko nga pala si Jake! Doon ay napansin ko rin na nakataas ang T-shirt niya-- dahilan para makita ko ang pinakatatago niyang abs. Shet, umagang-umaga, ang dumi na ng isip ko! Tumayo na ako noon bago pa may mangyaring hindi maganda. Mahirap na, at baka paratangan pa niya ako sa walang katotohanang bagay. Itinaas ko naman ang kumot para matakpan ang.. err, abs niya. Agad akong uminom ng tubig, bago dumiretso sa banyo. Dinala ko na rin doon ang mga damit ko para wala nang bosohang maganap mamaya. Saglit lang din ako sa banyo, kaya wala pang 15 minutes ay tapos na ako. Tulog pa rin noon si Jake. Jusmiyo, katabi na nga niya 'yung mini-cabinet kung saan nakalapag 'yung alarm clock, hindi pa rin siya nagising.

"Jake, gising na. Mahuhuli tayo niyan," sabi ko.

Pupungas-pungas siya noong bumangon. Grabe, isa siyang malaking temptasyon, sa totoo lang. Agad ako noong umiwas ng tingin para iwas-malisya na rin. If you know what I mean, guys. Morning erection. Tch.

"Bababa na ako para makapagluto ng baon natin. Sumunod ka na lang," pabulong kong sabi, dahil baka magising si Calvin. Istorbo pa, lalo't wala naman itong pasok o pupuntahan ngayon.

Tumango naman siya, kaya bumaba na ako agad. Jusmiyo, hindi ba niya napapansin 'yung ano niya?! Jusmiyo, kahit anong pag-iwas kong mapatingin doon, talagang kapansin-pansin! Take note: vulnerable ako sa mga ganyan! After all, hindi naman ako manhid o tanga, 'no! Tao lang ako!

Nang makababa ay agad ko nang hinanda ang mga gagamitin ko sa pagluluto. Adobo lang naman ang iluluto ko, para hindi na hassle sa time. Isa pa, naihanda ko na 'yung mga ingredients kagabi matapos naming kumain. Kasabay niyon, nagsaing na rin ako ng kanin gamit ang rice cooker sa gilid. Naupo muna ako noon habang hinihintay kumulo ang niluluto ko.

"Bak-- Joel." Napapitlag ako nang bigla akong tawagin ni Jake. Kakababa lang nito. Obviously, agad itong pumunta sa kinaroroonan ko.

"Bakit?" tanong ko.

Naupo muna ito sa tapat ko. "P'wede ba akong makihiram ng boxers kay Calvin?"

"Hindi ko alam, pero sige. Mamaya, pagkatapos ko rito, kukuhanan kita," sabi ko na lang. Hindi ko siya nilingon noon, dahil paniguradong mamumula ako niyan kapag tiningnan ko siya. Maisip ko pa lang 'yung mga nakita ko kanina unintentionally, nag-iiba ang pakiramdam ko. Brr!

"Tss, hindi ka magkaka-sore eyes sa pagtingin sa akin," sabi pa niya.

"Lul."

Matapos magluto ay tinulungan na niya ako sa paghahanda niyon. Siya ang naglagay ng kanin sa baunan, habang 'yung ulam naman ang inatupag ko. Matapos niyon ay pumanhik ulit kami pataas para kunin ang mga bag namin at para makapagbihis na siya. I mean, ng pantalon. Naka-short pants kasi siya ngayon. Ito 'yung kagabi niyang ginamit. Agad ko siyang pinanghanap ng boxers sa drawer ni Calvin. Agad ko naman siyang nahanapan, kaya agad ko itong binigay sa kanya.

"Magpalit ka na," ani ko.

Ngunit, akma na niya sanang tatanggalin ang butones ng short pants niya! Huwag niyong sabihing dito siya magpapalit?! Aba, hindi naman ako makapapayag!

"Doon ka sa banyo!" Halos paimpit lang ang sigaw ko noon para hindi maistorbo si Calvin.

"Tss, wala ka namang makikita dahil naka-brief ako," natatawa niyang sabi.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon