MISSION #21

13.6K 429 50
                                    

MISSION #21

[JOEL:]

Hindi ko alam kung paano kami papasok ni Jake sa loob. Panigurado, nagtataka na si Papa ngayon kung bakit may motor sa labas ng bahay namin. Letsugas na 'yan. Akala ko, next week pa siya uuwi dito sa amin. To be honest, natatakot ako sa sasabihin ni Papa. Kilala ko siya, lahat, ginagawan niya ng malisya.

"Bakit ka napahinto? May problema ba?" biglang tanong sa akin ni Jake. Mukhang nagtataka na sa paghinto ko .

"Malaki, Jake. Malaking problema," nasabi ko na lang. "Nandiyan sa loob si Papa."

Akala ko noon, kakabahan din siya, pero mukhang nagkamali ako.

"Ano namang problema doon? Natatakot ka ba kasi baka akala niya, syota mo ako?" nakangisi niyang sabi.

"O-Oy! Pinagsasasabi mo!?" depensa ko naman. Letsugas na lalaki 'to. Kita na ngang kinakabahan na ako, kung anu-ano pang katangahan ang sinasabi.

"Kalma lang. Kaya ko ang sarili ko. Isa pa, huwag kang matakot. Bakit, may ginawa ka bang mali?" tanong niya sa akin.

Napailing ako roon-- na siyang ikinangiti niya.

"O, 'yun naman pala, e. Alam mo, huwag kang mabuhay sa takot," dagdag pa niya.

"Ang dami mong satsat. Tara na nga," nasabi ko na lang.

"Tss, magpasalamat ka na lang," sagot niya sa akin, saka sumunod na rin.

Agad kaming kumatok noon. Sakto at si Calvin ang nagbukas ng pinto.

"Si Papa?" pabulong kong tanong.

"Nasa living area," pabulong niya ring sagot.

Agad kaming pumasok ni Jake sa loob. Tama nga si Calvin. Nandoon sa sala si Papa habang nanonood ng evening news.

"Good evening po, Pa," kinakabahan kong bati sa kanya saka nagmano. "Pa, kasama ko po pala 'yung kaklase ko. Siya po 'yung may-ari ng motor diyan sa garahe."

Agad namang bumati si Jake. "Good evening, Sir."

Napalunok ako noon nang biglang tumayo si Papa, saka hinarap si Jake. "Boyfriend ka ba ng anak ko?" deretsahan niyang tanong kay Jake.

Hindi ko makuhang sumagot noon. Aba, sino bang makakasagot sa mga ganoong instances? Natatakot lalo ako sa mga posibleng mangyari.

"P-Pa, h-hindi--"

Nabigla ako nang biglang sumabat si Jake. "Nanliligaw pa lang po ako, Sir. Pero, don't worry po, hindi pa naman po iyon ang pina-prioritize namin."

Letsugas, ano ba'ng pinagsasasabi ng kupal na 'to!? Anong nanliligaw siya sa akin!? Tanga ba siya? Ugh! Nakukunsumi ako sa kanya! Bwisit! Tumaas naman ang kilay ni Papa doon. Hindi naman makuhang lumapit ni Mama sa amin, lalo't busy din siya sa pagluluto ng hapunan.

"Nanliligaw? Aware ka ba na hindi babae ang anak ko?" tanong pa ni Papa sa kanya.

Gustuhin ko mang kumontra kay kupal, hindi ko magawa. Aba, pinangungunahan lang naman ako ng takot! Totoo iyon. Hindi mo kasi alam kung kailan good mood si Papa, at kung kailan siya galit.

Again, ngiti lang din ang sinagot ni Jake sa kanya. "Sir, noong una pa po ako aware sa sexual orientation ng anak ninyo. Isa pa po, hindi naman po isip ang nagmamahal, kung hindi ang puso."

Ang sarap sanang pakinggan ng mga katagang iyon  pero alam ko namang sobrang layo niyon sa katotohanan. Sooooooooobrang layo. Nagpapaka-realistic lang ako, dahil sa panahon ngayon, mahirap magtiwala. Isa pa, sa hitsura pa lang ni Jake, alam kong kailangan kong mag-ingat sa kanya, especially ang puso ko. Hindi p'wedeng mahulog nang tuluyan ang loob ko sa kanya, dahil alam kong hindi naman niya ako sasaluhin.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon