MISSION #60

11.1K 317 33
                                    

MISSION #60

#FatherAndSon

[JAKE:]

"Bakit ang tagal niyo naman yata?" tanong sa amin ni Calvin nang makababa kami.

Napatingin tuloy ako sa wall clock namin. 10:51 AM na pala noon. So, mahigit isang oras pala kami sa taas ni Joel noon?  Grabe. Nga pala, we decided na manood ng movie. Alam niyo naman siguro 'yung movie na Cannibal Holocaust, 'di ba? Iyon nga lang, mukhang hindi magandang ideya iyon dahil I found out na may takot pala sa mga gano'ng eksena si Joel. Hindi na tuloy namin tinapos dahil ayaw ko namang mapaano siya roon. Iyon nga lang, naging tahimik lamg ito hanggang sa makababa kami.

Napaigtad ako noon nang marahan akong kurutin ni Joel sa tagiliran. Alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig. Malamang, magpapalusot kami. Ayaw naman naming sabihin sa kanila na nanood pa kami ng movie noon. Mamaya, mainggit pa itong dalawang ito. Mahirap na Lilinawin ko lang, para na rin iyon sa kabutihan namin dahil magagalit itong dalawang ito kapag nalaman nila iyon. Alam ko namang may pagkainggetero itong dalawa, e.

"Uh, natagalan pa kasi kami dahil wala 'yung damit na hinahanap ni Mama. Isa pa, nagpahinga pa kami saglit noon," palusot ko. Sana, kumagat ka, Calvin.

"I see. Kung sabagay, nakaidlip din naman kami, kaya okay lang iyon. So, ano? Tara na ba?" yaya niya sa amin.

"Pahinga muna tayo. Teka, mayroong coke sa ref." Dumiretso ako sa ref noon para tingnan ulit ang naiwan na 1.5 L na softdrink doon, saka ko ulit binalingan si Calvin. "Favor, Calvin, bili kayo ni Nathan ng yelo sa labas."

"Sure thing," aniya, saka tinapik sa balikat si Nathan.

Napaupo naman sa upuan sa dining area namin si Joel. Mukhang shocked pa rin sa mga napanood namin. Mukhang hindi sanay manood ng mga cannibal-themed na movies. Lihim tuloy akong napangiti.

"Nauuhaw ka?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya. "Biglang nanghina ang tuhod ko."

"Malamang," nasagot ko na lang. "Ikaw kasi, e. Akala mo naman, hindi ganoon ka-terrifying 'yung movie na 'yun," napapailing na asar ko sa kanya. Ewan ko ba, parang ang sarap niyang biruin ngayon, lalo na't alam ko na ang phobia niya.

"Napaka mo!" sigaw nito sa akin, sabay hagis ng papel na nasa ibabaw ng mesa.

Natatawa na lamang ako habang isa-isa iyong pinupulot. Hay! Ang sarap talaga niyang asarin. Asar talo din kasi, e. Hininto lamang namin iyon nang makita mo mula sa gate sa labas sina Calvin na dala na ang yelo na pinabili ko. Nabigla pa ako dahil mayroon pa silang biniling tsitsirya.

"'Yung sukli, pinambili na lang namin nito, Jake," ani Nathan.

"Okay lang, so upo na kayo para makakain na tayo't makabalik," sagot ko sa kanila habang hinahanda ang softdrink.

Ten minutes before lunch time kami nakabalik sa bahay nina Joel noon. Sakto naman at nakahanda na ang tanghalian. Kahit kasi nakakain kami kanina ng snacks, nagugutom pa rin kami. Dala na rin siguro ng init ng panahon at bigat nitong dala namin.

"Napatay niyo naman 'yung mga ilaw sa bahay, Jake?" tanong ni Mama sa akin.

"Opo, Ma. Don't worry," sagot ko sa kanya. Nagpaalam muna ako noon na magpalit ng sando.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon