MISSION #53
STEP 5: In case of failure, start again with your mission. Do some corrective actions, if needed.
[JOEL:]
It's been three week since that incident happened. To be honest, nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon, but I think, I made the right choice. I just saved myself from danger of totally falling in love with a homophobe. Tawagin niyo na akong masama, o any similar terms, pero I guess, tama na. Ayaw ko nang mag-ilusyon na mayroong Prince Charming na handang saluhin ako. Dahil sa totoong buhay, walang gano'n. Sa nakalipas na isang buwan, tuluyan akong naging distant sa lahat, to the point na nagkaroon na ng wall sa pagitan ko at ng mga taong malalapit sa akin. Ang tanging naging kasangga ko? Sina Justin, Trixie, Michael at Calvin. Sila lang naman ang nakakaintindi sa sitwasyon ko, e.
"Joel, tutunganga ka na lang ba riyan panghabambuhay o sasabunutan pa kita para malaman mong nandito kami ngayon?" mataray na sambit ni Trixie sa akin.
Si Justin naman ang nagsalita. "Trixie, intindihin mo na lang si Joel. Alam mo naman, 'di ba?" saway niya rito. Buti pa 'tong si Justin, hindi man siya ma-in love sa akin, alam ko namang handa pa rin siyang dumamay sa akin, at magsilbing kuya ko.
"Sorry na, Justin," natatawang sagot naman nitong babaeng ito. "Pero, Joel. Nandito tayo kina Michael ngayon para mag-reunite; hindi para dumistansya ka sa amin."
Nakonsensya naman ako, kaya.. "Sorry sa inyo, guys, ah? Hindi ko pa kasi kayang ibalik 'yung energy ko katulad ng dati, e. Sana hindi kayo mapagod na intindihin ako."
Inakbayan naman ako nina Michael at Justin. "Joel, tandaan mo lagi na kaibigan ka namin. Ano ba ang role natin sa isa't isa? 'Di ba, p'wede ka namang humingi sa amin ng tulong?" ani Justin.
"Saka Joel, hindi man tayo nagkikita madalas, tandaan mo lagi na nandito lang kami sa tabi mo. Keep that in mind," dagdag pa ni Michael.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaluha noong mga sandaling iyon. Pakiramdam ko, nakahanap ako ng totoong mga tao na makakaintindi sa akin at sa nararamdaman ko. Ito ang kailangan ko sa mga oras na ito -- mga taong masasandalan. Iyon bang, kaya akong unawain at intindihin kahit pa masyadong kumplikado ang sitwasyon. Sabi nga ni Marilyn Monroe, if they can't handle your worst, they are not deserving to see what's best in you. I guess, these guys deserve the best in me. Tama na muna ang ang pagpapaka-kill joy. I need to be happy, for them.
"Guys, salamat, ah? Uh, mamayang hapon, mag-mall tayo? My treat," nakangiti kong alok sa kanila.
Agad naman akong niyakap ng tatlong ito.
"Aww, you're back, Joel!" Trixie commented.
"Salamat, girl. Kung hindi dahil sa bunganga mo, baka nagdadrama pa rin ako rito," natatawa kong biro sa kanya.
"Hmpf!" Inirapan lang ako ng bruha?
Sabay-sabay kaming nag-lunch noon dito sa bahay pa rin nina Michael. As usual, masarap pa ring magluto si Yaya Maria, guardian ni Michael, since nasa Cebu nga ang parents niya para sa business nila roon.
"Ang sarap niyo po talagang magluto, Yaya Maria!" I exclaimed. No doubt naman kasi, e.
"Naku, salamat naman at nagustuhan mo, Joel. Sa totoo lang, ni-request iyan ni Michael para sa'yo," anang matanda.
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano. "Aww, ang sweet mo talaga, Fafa Michael," biro ko sa kanya. Well, masarap lang kasing biruin si Michael. Since third year pa kami, talagang nagba-blush siya. Katulad na lang ngayon.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)