MISSION #51
[JAKE:]
"Class, we all know that October is the month for United Nations, right?" paunang anunsiyo ni Sir. "So, as part of that of celebration, magkakaroon ng Mr. and Ms. United Nations. I need a pair for that contest. Any suggestion?"
Walang pag-aalinlangan akong nagtaas ng kamay. Naalala ko kasi na hindi natuloy 'yung hamon sa akin ni Cielo. Gusto ko lang ipakita sa kanya na marunong akong tumanggap ng challenge. Isa pa, hindi kasi natuloy 'yung isang pageant na sana ay sasalihan ko. I also guess na this is the right time to make an impression. Kanino pa ba? Siyempre, doon sa baklang payatot na 'yun.
"Is that final, Jake?" nakangising tanong sa akin ni Sir. Nang-aasar pa. Alam kasi niya 'yung tungkol sa plano ko para kay Joel, e.
"Oo, Sir."
"Well then, wala nang bawian, Mr. Pangilinan. Sa babae, sino'ng gust-- uh, wait. I want Ms. Lala for the girl."
Naghiyawan naman lahat doon. To be honest, maganda naman kasi si Lala. Sadya lang kasing kalog at boyish, kaya hindi napapansin. Pero, I assure you, kung magpapakatino lang itong babaeng ito, for sure na ligawin ito.
"Sir naman, e!" reklamo pa ni Lala. Marahil ay hindi siya kumportable sa naging desisyon ni Sir.
"Lala, magandang activity 'to, especially kasali si Ronnie ng IV - SSS (Special Section for Sports)," makahulugang sabi pa ni Sir.
Naghiyawan pa lalo noon ang mga kaklase namin. Well, nakisali naman ako. Paano ba naman, si Ronnie lang naman ang nakakapagpaamo sa kanya. Well, ang alam ko, mayroong past sa pagitan nilang dalawa. Hindi ko lang alam kung ano 'yun.
"Sige na, Lala. Sumali ka na. Malay mo, tuluyan ka nang mahalin ni Ronnie!" narinig kong asar sa kanya ni JD.
Hindi na nakasagot noon si Lala. Mukhang nahiya sa mga pinagsasasabi nitong mga ito. Hanggang lunch time yata, gano'n ka-gloomy ang aura niya. Sa sobrang pagka-gloomy, hindi na niya napansin na magkakabungguan sila ni Ronnie. Huli na rin para bigyan namin siya ng babala.
"Shi-- Lalaine!?" gulat na gulat na sabi ni Ronnie.
"R-Ronnie. Uy, sorry, ah?"
Ngumiti naman si Ronnie, saka inalalayan niya si Lala na tumayo. "Okay lang. Ikaw naman, parang hindi tayo magkakilala. Anyways, be careful. Alam mo namang nasa daanan ka."
"Salamat," nahihiyang sabi nitong si Lala. Sabi ko sa inyo, e. Nagiging demure ang kilos niya.
"Kumain ka na ba? Sabay na tayo," anyaya sa kanya nito.
"Huwag na, Ronnie. May mga kasama kasi ako, eh. Bye na!"
Napakamot na lamang siya. "Bye din."
Pagkaalis ng lalaki ay agad naman siyang nilapitan nina Keisha, Ciara at Joel.
"Girl! Mygosh! Ang pogi ng love of your life mo!" kinikilig na sabi nitong baklang payatot na 'to. Tss, mas pogi ako roon, Joel.
____________________________________________________________________________________________
Kinabukasan, pinatawag kaming mga kasali sa pageant dahil kailangan na raw kaming i-orient, saka para malaman na raw namin ang bansang iri-represent namin. Mabuti na lamang at hindi na gaanong nagrereklamo si Lala. Mukhang nagkaroon talaga ng epekto sa kanya 'yung eksena nila ni Ronnie kahapon.
"Kaya mo na ba, Lala?" tanong ko sa kanya, habang tinatahak namin ang daanan papunta sa bulwagan.
"Oo, Jake. Medyo kinakabahan lang, pero okay naman ako," sagot naman nito.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)