MISSION #19

17.5K 444 66
                                    

MISSION #19

[JOEL:]

"Class, magkakaroon tayo ng field trip this coming Saturday," masayang bati sa amin ni Sir Andrada.

Lahat kami noon ay nagsipag-yehey. Aba, sino bang hindi? Minsan lang kaya magkaroon ng gano'n dito sa school! Mahigpit kasi in terms of security itong school namin, e. Last year nga, walang field trip, e.

"Para saan po ito, Sir?" masayang tanong ni Lala kay Sir. Oo nga naman, parang biglaan kasi itong field trip na 'to, e. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero siyempre, medyo gloomy ang kalangitan sa mga panahon na ito.

"Good question, Ms. Madrigal. Ang field trip na ito ay para sa inyong upcoming play. Pupunta tayo sa ABS-CBN para sa isang seminar at studio tour. Doon, makikilala natin ang ilan sa mga mgagaling na theater actors and actresses, and of course, si Direk Catherine Monsanto," masaya pa rin niyang anunsiyo.

"Y-You mean, Sir--"

"Yes! Director ng blockbuster film na One Last Chance."

Ako? Shocked at that moment. Favorite movie ko kaya 'yung One Last Chance! Ang galing ng mga artistang nagsipagganap doon. Tapos, ibang klase ang mga hugot at batuhan ng linya ng dalawang bida. Basta, ang ganda ng movie na 'yun!

"Magkano naman po ang fee?" tanong naman ni JD. Tch, tikoy talaga itong lalaking ito.

"Free siya, JD. Sponsored by Direk Bridgette," nakangiti pa ring sagot ni Sir. "At, kung nagtataka pa rin kayo, Mother ni Direk Bridgette si Direk Catherine."

Ayun, sobrang saya ng buong IV - SSA-T dahil doon. Hanggang Physics yata, hindi na nawala 'yung hype, e. At, sad to say, katabi ko na naman itong si kupal.

"Pagluto mo ako ng pagkain sa Sabado," kaswal niyang utos sa akin.

"Aba, namimihasa ka na, ah?" reklamo ko rito. Ano'ng tingin niya sa akin, personal chef niya? Lul niya.

"Tss, makikitulog ako sa inyo sa Biyernes. Okay ba?" kaswal pa rin niyang sabi. Ni hindi man lang ako malingon. Tch. Kabastusan.

"Ayoko."

"Tss, hahalikan kita kapag hindi ka pumayag," banta pa niya sa akin.

Napangisi ako roon. 100% sure naman akong hindi niya magagawa 'yun, 'no! Homophobe nga siya, 'di ba? Meaning, ayaw niyang magkaroon ng direct contact sa kagaya ko. Patawa lang talaga itong kupal na 'to.

"If I know, hindi mo k--"

Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. As in, wala na akong marinig noon kundi ang malakas na tibok ng puso ko. Shit, tinotoo nga ni kupal! Hinalikan niya ako sa labi! Mga three seconds lang iyon, pero feeling ko that time, ang tagal niyon. Ang tagal, to the point na hindi ko na napansin na kanina pa nagsisigawan ang mga kaklase namin.

"Sabi ko naman sa'yo, magagawa ko. Wala kang choice kundi ang ipagluto ako sa Sabado," nakangising sabi sa akin ni kupal, saka humarap na ulit sa harap.

Hindi ko alam, pero bigla na lang akong lumabas noon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, hanggang dalhin ako ng dalawa kong paa sa CR malapit sa canteen. Agad akong napaharap noon sa salamin para tingnan ang sarili ko. Shit, 'yung first kiss ko, nawala lang ng gano'n gano'n lang! Worst is, kay kupal pa! Hindi naman sa hindi ko matanggap, pero kasi.. ugh! Hindi ko maintindihan ang sarili ko! Bago pa may makakita sa kabaliwan ko roon, naisipan ko nang bumalik sa room. Panigurado, nandoon na si Ma'am.

Pagkarating, mukhang mayroong nagaganap na activity. Agad akong nag-excuse at humingi ng paumanhin kay Ma'am. Good thing is, wala namang nagtangkang magbukas ng nangyari kanina. Agad na rin akong naupo sa tabi ng lecheng kupal na 'to.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon