MISSION #43
#ItsADate!?
[JOEL:]
Kainis! Hanggang ngayon, iniisip—or should I say, ginugulo ako ng mga thoughts na obviously, sinabi sa akin ni Jake. 'Yung kupal na 'yun!? Masyadong maraming lihim. Kakainis. Tapos, kahapon, kahit ano'ng pangungulit ko sa kanya, wala pa rin. Grabe lang. Ni hindi pa nga ako sumasang-ayon sa date proposal niya sa akin, e. It's not like, ayaw ko. Choosy pa ba ako? Pero kasi, natatakot lang ako nab aka tuluyan nang mag-level two itong nararamdaman ko sa kanya. Baka mamaya, pagkagising ko, hindi na lang basta "crush" itong nararamdaman ko. Baka mas higit pa roon.
Iyon ang pinakaayaw kong mangyari. Seryoso.
Anyways, ito na nga. Dahil sa kupal na 'yun, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatulog. Parang ewan lang. Kaninang hindi pa ako natutulog, napapapikit na ako. Ngayon naming nakahiga na ako, puro kakornihan na ang naiisip ko. At kasalanan ito ng kupal na 'yun. Buti nga, hindi nagigising itong katabi ko sa pagiging malikot ko rito sa kama, e. baka mamaya, gulpihin pa ako nito. Hindi, biro lang.
Para hindi maburyo, nag-isip na lang ako ng magandang thoughts, aside sa kupal na 'yun. Ugh, nakakaewan. Wala talagang pumapasok sa isip ko. Puro mukha ni kupal ang nakikita o nai-imagine ko. 'Yung totoo? Kinulam ba ako ng kupal na 'yun?
Maya-maya lang ay tuluyan na akong napapikit.
*Kriiiiiiing!*
Agad akong napabalikwas noon. Ugh, sino naman kayang balasubas iyon na walang magawa kung hindi ang sirain ang tulog ko!? For goodness' sake, madaling araw na ako nakatulog!
"Gising na, bakla."
Boses pa lang ng balasubas na iyon, kilala ko na. What the heck? Ano na naming problema ng kupal na 'to!?
"Ugh! What's your problem ba!?" urat na urat kong tanoong—sigaw sa kanya. Kapag ganitong kulang ang tulog ko, ah!?
"Problema ko? Ikaw. Hangga't hindi ka bumabangon diyan, hindi kita titigilan," mahina niyang sabi. Aba naman, kung makapag-demand, akala mo, siya si Hitler.
"Ten minutes, please! Kulang ako sa tulog dahil sa'yong kupal ka!" untag ko sa kanya, saka nagtakip ng unan. Bahala siya sa buhay niya.
"Tss, pasalamat ka't malakas ka sa akin," sagot lang niya.
O? E 'di wow.
______________________________________________________________________________
[JAKE:]
"Ten minutes, please! Kulang ako sa tulog dahil sa'yong kupal ka!"
Napahinto ako noon sa sinabi niya. Actually, pareho lang kaming iniisip ang isa't-isa kagabi. Kulang ako sa tulog, pero pinilit kong bumangon talaga ng maaga para sa date naming nitong baklang payatot na 'to. Kung para sa kanya, simpleng gala lang ang gagawin namin, ako hindi. Marami akong plano para sa araw na ito. Sa totoo lang, pissed off talaga ako nang malaman ko na 4th of August pala ang birthday niya. Worst is, si CJ pa ang unang nakaalam. Nakakainis. Hindi ko man lang napaghandaan. Pero hindi bale, sisiguraduhin ko ngayon na magiging memorable ang araw na ito. Hindi ako papayag na maungusan ako ng CJ na iyon—lalo na ni Cielo. Hindi ko alam ang plano ng huli, pero kailangan ko nang ibigay ang lahat para sa pesteng pagmamahal na ito. Hindi ako papayag na mahuli na naman ako.
Humiga na rin ako noon sa tabi niya. Inilabas ko muna ang cellphone ko noon para mag-browse sa Facebook. Buti na lang at may WiFi connection ditto kina Joel. Pagka-open, una kong nakita ang litrato nina Joel, kasama si Justin na First Runner Up sa nakaraang Lakan at Mutya. Ginawang DP kasi nitong katabi ko. Hindi naman ako nakaramdam ng selos dahil alam ko namang magkaibigan lang talaga sila. Isa pa, mukhang pinopormahan nitong si Justin ang kaklase niyang First Runner up din. Tss, oo na. Nagpaka-stalker ako nitong mga nakaraang araw. Masama ba? Tss.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)