Last part na po ito ng Joel-Calyx conflict. HAHAHA. Masyado na siyang mahaba.xD Again, short UD lang po ito.
Merry christmas!! :)
______________________________________________________________________________
MISSION #30
[JAKE:]
Nagising ako nang maramdaman ko ang mga kamay na nakayakap sa akin. Alam ko naman kung kanino 'yun galing. Ewan ko ba pero napangiti ako. Hinayaan ko na muna na nasa ganoon kaming posisyon. Mga kalahating oras pa ang lumipas noon at tuluyan na siyang nagising tila nabigla pa siya dahil nakayakap siya sa akin-- dahilan para mapabalikwas siya.
"S-Sorry, Jake! Hindi ko sinasadya!" tila nahihiya niyang depensa.
Imbes na sumagot ay hinila ko ulit siya pahiga, saka niyakap. "Ayos lang. Matulog pa tayo," sabi ko pa. Nang-aasar lang ako.
"A-Ah, kasi--"
"Wala nang pero-pero."
Gano'n na nga ang nangyari. Nakahiga lang kami roon habang nagkukwentuhan.
Tamang kwentuhan lang. Hindi naman niya inalis ang pagkakayakap niya sa akin-- dahilan para mas mapangiti pa ako. Tss, nawi-weirduhan na talaga ako sa sarili ko.
"Jake, bangon na tayo. Gusto kong tulungan si Tita sa paghahanda ng agahan," mahina niyang sabi sa akin.
Tumango naman ako, saka bumangon na rin. Naabutan namin noon si Mama na mukhang kakagising lang din.
"Good morning po, Tita!" masiglang bati ni Joel sa kanya.
Nangiti naman si Mama. "Ang aga niyo namang nagising?"
"Uhm, gusto ko po kayong tulungang maghanda ng agahan, kung ayos lang po," ani pa niya.
"Sure!" Iniwan ko muna sila noon para maghilamos muna. Paakyat na sana ako noon nang mapansin ko si Kendrick noon na bihis na bihis na. Oo nga pala. Aalis silang tatlo ngayon. Bale, kaming dalawa lang ng baklang iyon ang maiiwan dito.
"Kuya!" masiglang bati ng kapatid ko sa akin. Agad ko naman siyang binuhat at kiniliti. Ang cute lang kasi nito, e. Batang-bata pa ang dating kahit 4 years old na. Binitawan ko na rin siya noon nang lumabas si Jen. Agad akong pumasok noon sa kwarto para magbihis. Doon, napansin ko ang cellphone ni Joel. Ewan ko ba, pero kinuha ko iyon para i-text ang Papa niya na ihahatid ko siya sa kanila mamaya. Hindi naman kami magtatagal siguro sa paggawa ng project namin sa Trigonometry. Isa pa, hindi naman maghapon ang lakad nina Mama.
______________________________________________________________________________
"Jake, Joel, aalis na kami. Magluto na lang kayo ng tanghalian ninyo dahil hindi na kami kakain dito," paalam ni Mama sa amin.
"Sure po, Tita. Salamat po!" sagot naman nitong katabi ko. Nang makaalis sila ay saka pa lang kami kumain ng agahan.
"Ihahatid kita sa inyo mamaya," sabi ko sa kanya sa kalagitnaan ng pagkain namin. Tila nabigla naman siya roon.
"Ha? Naku, huwag na. Hindi naman na ako bata."
"May sinabi ba akong bata ka? Tss, pupunta ako sa inyo para kausapin ang Papa mo. 'Di ba, alam niyang nililigawan kita? Malay mo, mapigilan pa natin 'yung plano nila?" suhestiyon ko. Ito kasi 'yung naisip ko kagabi.
"Naku, nakakahiya naman sa'yo!" Hindi ko alam kung sincere o sarcastic siya roon.
"Tss, huwag ka nang mag-inarte. Hindi ka babae," nasabi ko na lang.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)