MISSION #65

11.2K 290 13
                                    

MISSION #65

#Stolen

[JOEL:]

Wednesday, pinatawag kami ni Jake sa Faculty Room ng teacher namin sa Social Studies dahil mayroon daw siyang sasabihin sa amin. Nagtataka man, nagtungo pa rin kaming dalawa nitong kupal na ito.

"Nakapag-review ka na ba?" tanong ni Jake sa akin, habang tinatahak namin ang daan papunta roon.

Napatango naman ako. "Ano'ng tingin mo sa akin? Siyempre naman. Ako pa," pagyayabang ko sa kanya.

Well, hindi naman sa pagmamayabang, pero kung papipiliin ako between Math and Social Studies, I would rather choose the latter. Isa pa, may edge naman kami dahil magaling din itong si Jake doon. Taas ng grade niya, e. Actually, pareho silang mataas ni JD.

Imbes na sumimangot, nangiti lang siya, saka inakbayan ako. "Mukhang kasali si Justin doon."

Nabigla naman ako roon. "What!? Nagbibiro ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Tch, balik na naman siya sa ganyang grumpy look niya.

Pero, anyways, gwapo naman siya sa gano'ng hitsura, e. Sadya lang minsan, nakakainis ‘yang mga ganyan niya. Sanayan lang siguro; since matagal na rin kaming magkakilala nito.

“E ‘di wow. Ayos lang naman sa akin kung sila ang manalo. Matalino talaga ‘yun kaya deserve nila iyon, if ever nga na sila nga ng kasama niya ang manalo,” nasagot ko na lang.

From my peripheral view, napansin ko ang pag-iling niya. “Let’s do our best, then. After the contest, mayroon din akong sasabihin sa’yo.”

“Ano naman ‘yun?” Napataas pa ako ng kilay noon. Wow lang, ha?

“Kaya nga sasabihin ko after the contest, e. Tss,” sarcastic niyang sagot sa akin.

Inunahan ko na nga siya noon, dahil nakakainis lang. Panira ng moment, e. Anyways, nang makarating sa loob ng Faculty Room, naabutan namin doon si Ma’am, na busy sa paglalaro ng kanyang Rubik’s Cube. Feeling expert pa siya roon, gayong alam ko namang hindi niya talaga kaya iyong ibalik sa original form no’n.

“Ma’am?” pang-iistorbo sa kanya ni Jake.

Agad niyang hininto noon ang ginagawa at sinalubong kami. “Hi, Joel and Jake! Looking great, huh?”

Tch, sarcastic na naman siya. Oo, simula kasi noong pagpili sa akin ni Jake as his partner sa Extra Challenge, lagi na niya kaming tinutudyo. Deep inside, gusto ko naman, e. Kaso nga lang, hindi ko naman p’wedeng ibulgar ng bonggang bongga. Duh!?

“Bakit po, Ma’am?” pag-iiba ko na lang.

Ngumisi lang siya noon, saka sinagot din naman ang tanong ko. “Mayroong orientation para sa mga participants mamaya. 2:30 PM sa auditorium.”

“Okay po, pero excuse na po ba kami no’ng sa iba pa naming mga subjects?” ani Jake.

“Yes, don’t worry. After no’n, p’wede na kayong humayo’t magpakarami,” natatawang sagot niya.

“Ma’am naman,” nahihiya kong pigil sa kanya.

“Dear, halata naman na gusto mo si Jake, and wala naman akong nakikitang problema roon. Alam mo, huwag mong isipin ang sasabihin ng iba. Bakit, sila ba ang nagdidikta ng buhay mo, at kung ano ang mga mangyayari sa’yo? Hindi naman, ‘di ba? O, sige na, bumalik na kayo sa klase ninyo, basta tandaan at i-absorb mo lahat ng sinabi ko sa’yo.”

Nabigla pa ako roon nang magseryoso si Ma’am. At the same time, biglang nag-reflect sa akin lahat ng sinabi niya. I mean, bawat kataga na binitiwan niya.  Hanggang makabalik kami ni Jake sa room, iyon pa rin ang iniisip ko.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon