MISSION #24

14.2K 423 19
                                    

Please, huwag niyo sanang i-skip ang side story nina Calvin at Ciara. HAHA.:D Saka half lang ng part na 'to sila, then balik POV na ni Joel. Well, bakit ko nga ba ito sinaaabi? Napansin ko kasi ito doon sa unang part ng SS nila (Mission #13). Parang nilagpasan ng iba. Malaki rin ang participation nila sa structure ng story, kaya ko ito sinasabi. Lol.:D

____________________________________

MISSION #24

[CIARA:]

"Okay, I'm sorry for what I did. You know, it's unintentional. Don't be so over--"

Inunahan ko na siya. "Shut up, Calvin. Kilala ko 'yung mga tipo mo. Magaling lang sa salita, pero kapag napasubo na, saka mang-iiwan!"

Nanggagalaiti ako ngayon. Paano ba naman, talagang inungkat pa ng bwisit na lalaki na 'to 'yung ginawa niya sa akin dati. Geez, hinding-hindi ko 'yun makakalimutan! Tapos, ano? Sasabihin niya na masyado akong overacting? Utot niya, oy! Dalagang pilipina kaya ako. Conservative. Hindi ako 'yung kerengkeng na babae.

"Hindi 'yan totoo, Ciara. I really don't know kung saan mo nakuha ang concept na 'yan na basta lumaki sa ibang bansa, liberated na," seryoso niyang sabi.

Medyo napahinto ako roon dahil ilang beses ko lang nakita na gano'n ang hitsura niya. Medyo nakakatakot kasi siya kapag gano'n ang expression ng mukha niya. Mukhang napasobra yata ako ng sinabi.

"Ciara, I know, mali 'yung nagawa ko last time, pero I think I deserve a second chance. like everybody else. Please, I'm more than willing to do everything para patawarin mo na ako," pagmamakaawa pa niya sa akin.

Napabuntong-hininga na lamang ako noong mga oras ns iyon. I really don't know how to respond. Wala na akong maisip na sasabihin sa kanya.

"Calvin, mahuhuli na tayo sa klase. Remember, exam natin ngayon?" biglang sabat ng kasama niya.

Wala naman na siyang magawa noon kung hindi ang sumama sa kasama paalis. Hindi na niya nagawa pang magpaalam sa akin. Understandable naman iyon, lalo't exam iyon. Knowing him, mas priority no'n ang pag-aaral. Bumalik na rin ako noon sa room dahil late na rin ako panigurado. Ayos lang naman iyon dahil hindi naman masungit si Ma'am.

"Girl!" Biglang may kumalabit sa likod ko. Si Lala pala. "Ang bilis mo namang maglakad," natatawa niyang sabi.

Nakitawa na rin ako kahit pilit. "Mabagal ka lang, girl."

"Gaga ka, ang pogi talaga ng kapatid ni Joel. Minsan nga, nagtataka ako kung magkapatid ba talaga sila," natatawa niyang kwento sa akin.

Geez, ano ba itong babaitang ito!? Iniiwasan ko na ngang isipin 'yung lalaking iyon, pero gusto pa niyang pag-usapan. Hindi na lang ako nag-react noon dahil kapag naisip ko rin na kapag nagsalita pa ako, baka mas lumala pa ang issue. Good thing is, hindi na rin niya ako pinilit pang magsalita.

Kinahapunan naman, pinagbantay lang kami sa bakery ng school. Per sched kasi rito, eh. Nagkataon na kaming tatlo nina Kuya at Joel ang naka-sched ngayon.

"Ang tahimik ni Cia," narinig kong sabi ni Joel. Sa iba kasi ang focus ko ngayon, pero it doesn't mean na lumilipad ang isip ko.

"Nagkausap kasi sila ng half-brother mo kanina."

"Ha? Ano'ng nangyari?"

"Ewan ko. Mukhang seryoso yata."

Leche 'tong mga 'to!? Talagang pinaparinig pa sa akin ang usapan nila. Hinarap ko na rin sila noon.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon