MISSION #07
[JOEL:]
Badtrip na badtrip na nga ako sa school, badtrip pa ako sa bahay. Paano ba naman, hindi ko naman expected na gagabihin ako, tapos napagalitan na naman ako ni Papa. Akala niya yata, katulad pa rin noong Third Year ang oras ng uwi namin. Pinipigilan ko na nga lang noon na magsalita, e. Kahit paano naman, nirerespeto ko pa rin siya. Ang nangyari tuloy, hindi na ako bumaba noong dinner time. Alam kong mapapagalitan ako, pero kung maaari, ayaw ko muna siyang harapin. Baka kasi bigla akong mag-burst out, at masabi ko ang mga frustrations ko.
Napaayos ako ng higa nang bigla akong makarinig ng mga yabag mula sa labas ng kwarto. Naririnig ko rin noon ang boses ni Calvin na parang pagalit. Kaysa naman tumayo ay nagpanggap na lang akong tulog.
"Kuya, gising. Dinala ko na rito ang pagkain mo. Don't worry, sinabi ko kay Papa na may sakit ka kaya hindi ka na niya pinatawag sa akin," ani Jonathan.
Tumayo na rin ako noon para kumain na. Magsisinungaling pa ba ako na hindi nagugutom, samantalang kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko?
"'Tol, pasara ng pinto," utos ko sa kanya, na agad naman niyang sinunod. "Salamat."
Bumalik naman siya sa tabi ko. "Kuya, huwag kang nag-alala, bukas, aalis na ulit si Papa. Baka sa Sabado na siya bumalik para roon sa party na sinasabi niya."
"Hindi na yata ako sasama roon," malungkot kong pahayag.
"Ha? Bakit naman?"
"Nagtaka ka pa, e alam mo naman ang rason," sagot ko sa kanya.
"Kuya naman, e. Kung gano'n, hindi na rin ako sasama," aniya.
"Na alam mong hindi ko papayagan, Jonathan."
"Kuya, paano ka?" tila nagtataka naman niyang tanong.
"Kaya ko na ang sarili ko, 'Tol. Isa pa, alam mo namang ikaw ang paborito ni Papa, 'di ba? Bakit hindi ka sasama?" paliwanag ko sa kanya.
Matapos kumain ay inutusan ko muna siya na iligpit ang pinagkainan ko. Mabuti na lang talaga at mayroon akong kapatid na sobrang bait. Kahit paano ay s'werte pa rin ako. Habang wala pa siya, naisipan ko nang mag-ayos ng sarili. Sakto at patapos na ako nang nakabalik na siya roon.
"Kuya, nag-check ka na ba ng FB mo?" tanong niya sa akin.
Saglit ko siyang nilingon. "Hindi pa. Bakit?"
"Wala naman. May nagkumento kasi doon sa isa mong status. Jake Pangilinan yata ang pangalan."
Awtomatiko ako noong napamura sa sinabi niya. The heck? Ano na naman kayang problema ng kupal na 'yun?
"Check ko ngayon, saglit," ani ko.
Agad kong kinuha ang phone ko saka nag-open ng FB. Una agad bumungad sa akin ang friend request niya. Since kaklase ko naman siya at mutual friend naman ng kambal, in-accept ko na. Agad ko namang tinungo noon ang notifications na kung saan, puro flood likes niya. What the heck lang. Ano naman kayang kalokohan nitong kupal na 'to. Laking pagkabigla ko naman nang makita ko na ang kumento ng kupal.
Jake Pangilinan: Hindi lahat, may pakialam sa mga pinagsasasabi mo. Tss.
Agad ko namang ni-reply-an iyon.
Joel Ballesteros: May karapatan akong ipost ang gusto kong ipost, as long as wala akong sinasaktan na iba. Hindi mo ako katulad, kupal ka.-_-
Dala ng curiosity, binisita ko ang profile niya. Puro mga random thoughts lang naman ang nandoon. In fairness sa kupal, hindi rin papahuli sa dami ng likers at stalkers. Napadako naman ang paningin ko noon sa isa sa mga status niya roon-- na dahilan kung bakit ang kanina'y kalmado kong mood ay biglang nag-iba na naman!
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)