MISSION #25

15K 416 18
                                    

MISSION #25

[JOEL:]

Sabado. As usual, magkikita na naman kami ni Jake. Nagbalik na naman kasi ang lecheng weekend project namin sa Trigonometry. This time, sa kanila kami gagawa. Hindi kasi p'wede sa amin ngayon dahil mayroon daw bisita 'yung gago kong kapatid-- aka, Jonathan. Ay! Nga pala, sasama sa akin ngayon si Calvin. As usual din, ayaw niya ring mag-stay sa bahay, lalo't may sarili ring lakad sina Mama at Cassie. Nang makaayos ay umalis na agad kami.

"Ma, alis na kami," ani ko. Nasa labas na rin kami noon kaya hindi na namin narinig ang sagot ni Mama.

Nasalubong pa namin noon ni Calvin ang mga kaklase ni Jonathan. Sa mga hitsura at tingin pa lang nila, alam ko nang may sinabi si Jonathan sa kanila. Mukhang napansin din ito ni Calvin. Akma pa niya itong bubulyawan, pero pinigilan ko na lang.

"Hayaan mo na. At least, alam natin ang totoo," malumanay kong sabi sa kanya.

"Okay. Okay. I just want to protect you from them," seryoso rin niyang sagot.

"Loko ka talaga. Dalian na lang natin," natatawa kong sabi.

Hindi naman trapik noon kaya mga 20 minutes lang ay nakarating din kami sa palengke. Since hindi na namin nakuhang mag-agahan kanina sa bahay, naisipan namin humanap noon ng makakainan. Napangiti naman ako nang matanaw ko sa 'di kalayuan 'yung nagtitinda ng mami at goto. Agad ko siyang hinila papunta doon. I guess, isa ito sa dapat niyang subukan ngayong nasa 'Pinas siya.

"Wow, it smells delicious," kumento niya. Tch. Umiral na naman ang pagiging childish niya.

"I know, right!?" Nakipag-apir pa ako sa kanya noon.

Nag-order kami noon ng goto. Nagtaka pa siya noon kung ano 'yung laman doon sa goto. Noong sinabi ko na lamang-loob 'yun ng baboy, aba, biglang tumanggi ang loko!?

"Hey, masarap 'yan," natatawa kong sabi sa kanya.

"Yuck! Hindi ko 'yan kakainin," suyang-suya niyang sabi.

Pati si Manong na nagtitinda noon ay natatawa na rin sa kanya. Ang OA naman kasi ng reaksiyon niya. Akala mo naman, cannibalism na itong ginagawa namin.

After 48 years of persuading, napapayag ko rin siya. Mukhang nagustuhan naman niya, dahil talagang um-order pa siya ng isa noon. Well, kahit ako rin naman. Patapos na kami noon nang may biglang tumapik sa likod ko. Sino pa ba?

"Bakit kumain na kayo? Hindi niyo man lang ako sinabihan," nakasimangot niyang sabi. As usual, tch.

Tinaasan ko nga ng kilay. "Aba, nag-text ka ba?"

"Tss," sagot lang niya.

Nag-take out na lamang siya noon, saka namin tinahak ang daan papunta sa kanila. Naabutan namin noon si Tita na nagdidilig ng halaman sa mini-garden nila. Kasama niya noon si Kendrick na mukhang nag-e-enjoy sa panonood sa Mama niya. Nginitian naman kami ni Tita nang matanaw niya kami.

"Good morning po, Tita!" masaya kong bati sa kanya. "Nga po pala, si Calvin. Kapatid ko po."

Bumati rin noon si Calvin. "Good morning, Ma'am!"

"Hala ka!? Baka ma-nose bleed ako sa kapatid mo, Joel," natatawang biro ni Tita. "Hindi, joke lang. Nice to meet you, Calvin. Feel at home lang kayo."

Pumasok na kami noon sa loob. Mukhang all-set na rin noon ang mga gamit sa kwarto ni Jake.

"P'wedeng makitulog muna? Pretty please?" pakiusap ni Calvin sa amin.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon