MISSION #63
#MomentOfTruth
[JAKE:]
"Head or tail?" tanong sa akin ni Calyx habang nandito kami sa Amphitheater.
Napapailing na lang ako ng ulo noon dahil sa kung anu-ano'ng naiisip ng ungas na ito. Ako naman itong uto-uto na sumunod naman sa kanya. Vacant namin ngayon, at sa kanya ako sumama. Tss, sayang ang oras ko nito.
"Tss, para saan ba kasi 'yan?" nakakunot-noo kong tanong sa kanya. Kanina pa niya ako ini-ignore kapag iyan ang tanong ko. Tangina lang, 'di ba?
Napangisi siya. "Kung ano ang lumabas, ang pumili no'n ang unang magko-confess ng nararamdaman niya kay Joel."
Nanlaki ang mata ko noon, dahil what the heck? Bakit humantong itong lalaking ito sa ganitong desisyon? Hindi kaya, desidido na siyang maging vocal sa nararamdaman niya para kay Joel? Hindi maaari! Dahil doon, nagkaroon ako ng urge para ituloy ang katangahan na kanyang inunpisahan. Bahala na, ang mahalaga, hindi siya makaungos sa akin.
"Gago. Alam na niya 'yung nararamdaman ko sa kanya," sabi ko pa rito sa ungas na ito, baka sakaling magbago pa isip niya't hindi na ito ituloy.
Ngumisi naman siya. "O, ano ngayon? Kayo na ba? Jake naman, huwag gano'n."
"Puro ka salita. Head," nasabi ko na lang, since medyo napahiya ako roon.
"Okay," sagot lang niya, saka ni-flip ang coin paitaas.
Kabado din ako noong mga oras na iyon. Paano kung tail ang lumabas? E 'di siya ang mauuna. Parang hindi ko yata kaya iyon. Sana.. Sana, head ang lumabas.
"Ready?" tanong niya sa akin nang masalo na niya ang coin.
"Tss," nasagot ko na lang.
Nanlumo ako noon sa naging resulta ng tossed coin na iyon -- tail. Meaning, siya ang mauuna. Hindi ako p'wedeng gumawa ng moves ko para ligawan si Joel. Makakaya ko kaya iyon? Parang hindi yata, e. Pero, wala na. Nakipagsundo na ako sa ungas na ito, kaya kailangan kong irespeto iyon.
"Paano ba 'yan?" nakangising sabi ni Calyx sa akin.
"Tss, bahala ka sa buhay mo. Basta, huwag na huwag kang gagawa ng masama sa kanya kung ayaw mong matikman ito.." Sabay taas ng aking kamao.
"Gago. Huwag mo akong itulad kay Cielo. Kung hindi man niya ako piliin, tatanggapin ko iyon ng buong puso. Tsk." Napapailing pa ito noong mga oras na iyon.
"Mabuti na 'yung nagkakalinawan tayo."
Nauna na akong lumabas noon. Nakasalubong ko pa noon si Trixie, 'yung kaklase ni Joel. Napangiti pa ito noong napansin ako.
"Hi, Jake," bati nito sa akin. "Nakita mo ba si Joel? Wala yatang load ang bruha."
"Hello din," bati ko rin sa kanya. "Nope. Humiwalay ako sa kanya, e."
Napagdesisyunan tuloy naming dalawa na sabay nang hanapin ang baklang payatot na iyon. Habang naglalakad, panay ang tanong sa akin ni Trixie tungkol sa kung paano nagsimula ang pagtingin ko sa kaibigan niya, and such. Kahit paano naman, sinasagot ko naman ito. Mabait din naman ito sa akin, at talagang nagkukwento pa ng kung anu-anong naging misadventures daw nila dati. Bigla ko tuloy naalala 'yung gusto kong itanong sa kanya.
"Trix, may gusto ba si Joel kay Justin?" tanong ko rito.
Nabigla pa ang babae sa tanong ko, pero natawa din afterwards.
"To be honest, crush ni Joel si Justin. Sino ba namang hindi? I mean, matalino, gwapo, mabait na kaibigan? 'Di ba, total package na? Pero, don't worry, crush lang naman iyon, and nothing serious. Saka si Justin? Gano'n lang 'yun. Marunong siyang rumespeto, especially sa mga LGBT. Saka, ito pa, ha? Nakikita ko naman sa bruhang iyon na mahal ka rin niya. Ayaw niya lang sigurong maamin dahil natatakot siya sa sasabihin ng iba sa kanya. Alam mo naman siguro na hanggang ngayon, masama pa rin ang tingin sa kanya ng tatay niya," paliwanag niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)