MISSION #18
[JOEL:]
July 3, 2008, Thusday
Marami na ring nangyari sa mga nakalipas na araw. Ilan na rito ang pagiging mas malapit namin ng mga kaklase ko. Sa paglipas kasi ng isang buwan, mas nakilala na namin ang isa't-isa. Although hindi naman araw-araw na smooth-sailing ang buhay namin, still na gagaea pa rin naming maka-jive sa mga ugali ng isa't-isa.
At, alam niyo ba? Siyempre, hindi! Tanga lang ng tanong ko. Hindi, joke lang. Ito na nga, sa mga nakalipas na araw kasi, napapansin ko na hindi na ako masyadong sinusungitan ni kupal. I mean, hindi na siya 'yung tipong parang napipilitan na lang na pakisamahan ako? Halimbawa na nga roon 'yung reporting namin sa Physics. Naging maayos ang presentation namin nito-- dahilan para bigyan kami ni Ma'am ng additional points. Idagdag pa roon na finally, tapos na rin ang execution ng Project Proposal namin na Burglar Alarm. Timapos na namin noong nakaraang linggo dahil aware kami na sa mga susunod na Sabado, mas magiging busy na kami para sa play namin sa August.
At ngayong araw nga na ito ay wala kami halos klase. Paano, puro faculty meeting ang ganap sa school. Nagyayaya nga si Trixie na gumala, e. Ang kaso nga lang, hindi ko naman siya masamahan dahil may pupuntahan kami ni Jake. Tch, hanggang ngayon, hindi ko pa rin tanggap na natalo ako sa punyemas na bet na 'yun.
•~•~•~•
[Flashback:]
"Bakla," tawag sa akin ni kupal. Nandito kami ngayon sa Amphitheater para sa practice ng play.
Awtomatiko noon na napataas ako ng kilay. "Ano na naman?"
"Libre mo akong tubig," presko niyang sabi. Naupo pa ito sa upuan sa tabi ko.
"Nyemas, wala akong pera," sagot ko sa kanya. Kaurat, e. Hanggang ngayon, bakla pa rin ang tawag sa akin.
Ngumisi pa siya lalo. "Huwag ka nang mag-inarte riyan. Kung sana, babae ka, e. Tara na!"
Bigla naman niyang hinila ang kamay ko, dahilan para mapatayo ako. Wala na akong nagawa noon kung hindi ang ilibre siya. Joke lang naman 'yung wala akong pera. Duh, e sa palaipon lang ako, e. Nang makarating sa canteen ay agad na siyang kumuha ng dalawang bottled water. Para sa amin siguro. Imposible namang para sa kanya 'yun, 'di ba?
"Thanks!" Akma ko nang hahablutin 'yung isa nang bigla niya iyong ilayo.
"Hep, akin 'tong dalawang ito. Kuha ka ng iyo," natatawa niyang sabi. Bwisit lang, o.
"You mean, 'yang dalawang 'yan ang ililibre ko sa'yo?"
Tumango naman siya. "Mukha ba akong nagbibiro?"
Gusto ko sana siyang sagutin noon ng 'Ay! Oo! Hindi mo ba halatang depungal ka?', pero pinigilan ko na lang. Tch, ang sarap niyang ipatapon sa Bermuda Triangle! Hindi na lang tuloy ako bumili ng para sa akin, at niyaya ko na siya sa counter para bayaran iyon.
"24php," pa-cute na sabi ng kahera, habang nakatingin pa kay kupal.
Padabog ko ngang inilapag ang saktong pambayad. Nabubwisit ako kapag ganitong eksena naaabutan ko, e. Nauna na ako noong lumabas sa canteen pabalik sa Amphi. Bahala si kupal sa buhay niya.
Ngunit, nabigla na lamang ako noon nang biglang may humila sa kamay ko-- dahil para harapin kung sino man iyon.
"Binibiro lang kita. Para sa'yo 'to. Hindi naman ako nauuhaw masyado," aniya, sabay abot sa akin ng isang bottled water.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)