MISSION #36

12K 363 28
                                    

MISSION #36


[JAKE:]


Huwebes nang ipatawag ako ni Sir Andrada sa Faculty Room. Pabor iyon sa akin dahil medyo nabuburyo ako sa subject namin ngayon -- Values Education. Isa pa, wala namang ginagawa 'yung teacher namin dito kung hindi ang mangonsensya, na kesyo dapat daw pairalin ang katapatan sa lahat ng oras. Tss, hindi ko lang alam kung mataas ba siyang magbigay ng grades, since after ng play pa ang First Periodical Examination namin. Oo, talagang huli 'yung para sa amin, dahil alam nilang busy din kami sa play.


Sa paglalakad ko ay nasalubong ko pa si Calvin. Pa-cool ang gago. Tila wala pang pakialam sa paligid niya dahil naka-headset pa ito. Napapailing na lamang ako, saka nag-focus na lamang sa daan. Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa Faculty Room. Tatlong katok muna ang ginawa ko bago ko iyon buksan. Mukhang mag-isa lang si Sir doon at mukhang gumagawa ng lesson plan niya.


"Sir.." tawag ko sa kanya.


"O, Jake! Maupo ka rito at may mga ibibilin ako sa iyo," aniya. Hindi man lang ako nagawang tingnan. Tss.


"Ano po ba iyon, Sir?" tanong ko rito.


Saglit siyang huminto sa ginagawa niya sa computer niya, saka ako tiningnan. "Paki-inform ang mga kaklase mo na excuse na kayo sa buong klase ninyo bukas saka sa Lunes. Naibigay na namin ni Direk Bridgette ang mga letters sa mga teachers ninyo. Pero, paki-inform din sila na mag-review ng maigi pagkatapos ng play ninyo para hindi magalit ang mga guro ninyo."


Nagtaka naman ako roon. "Bakit po ba, Sir?"


"Dahil wala ako bukas, hanggang sa Lunes. Bale, kayo-kayo lang sa klase ninyo ang magpapraktis bukas. Sa Lunes naman, titingnan ulit ni Direk Bridgette ang performance ninyo, kaya galingan ninyo," paliwanag naman niya.


"Okay po, Sir," nasabi ko na lang. Tss, ito ang mahirap kapag ikaw ang Class President, e. Ikaw dapat ang mag-inform sa mga kaklase mo kung anu-ano ang mga dapat gawin.


Paalis na sana ako noon nang biglang magsalita ulit si Sir Andrada.


"Jake, isa pang katanungan. Well, I hope you don't mind. Ano ba'ng real score between you and Joel?" diretsahan niyang sabi.


Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya noon. Bakit? Dahil kahit ako mismo, hindi ko pa alam kung ano itong nararamdaman ko para sa baklang payatot na 'yun. Kung maaari, ayaw ko munang mag-conclude dahil 'pag nagkataon, maaaring pareho pa kaming masaktan. Iniiwasan ko ang bagay na iyon dahil hindi naman ako ang pinakamasasaktan, e. Kung hindi si Joel.Gusto ko, tanggap ko na siya totally-- iyon bang wala nang takot at what if's na rumerehistro sa utak ko. Tss, punyeta. Nadali na yata ako ng lintik na pag-ibig na 'yan.


"Mr. Pangilinan?" tawag pang muli ni Sir. Mukhang napansin ang pananahimik ko.


Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Sir, actually, hindi ko po alam."


Napakunot naman siya ng noo noon. "Ha? Paanong hindi mo alam?"


"Mahaba pong k'wento, Sir," palusot ko pa.


"O, siya. Suko na ako. Pero keep this in mind: Walang masama kung maiinlove ka man sa kanya, as long as wala kayong tinatapakang iba. Huwag mong buhayin ang sarili mo sa pagdududa, Jake," piece of advice pa niya.


Somehow, naapektuhan ako sa mga sinabi niya. Paanong hindi, e na-pin point niya 'yung gusto kong marinig, e. Tangina, hindi ko pa rin alam kung ano'ng gagawin ko.


Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon