MISSION #52

10.4K 316 46
                                    

MISSION #52

#HATETHATILOVEYOU

[JOEL:]

"Ano, nagdala ka ba ng damit mo? Wala akong maipapahiram sa'yo, since hindi naman tayo magka-body built," seryosong untag ni Jake sa akin.

Vacant ngayon, at nandito kaming dalawa sa garden ng school. Actually, hinila lang pala niya ako rito. Walanghiya kasi itong kupal na 'to, e. Kita na nga niyang kausap ko noon sina Lala at Ciara, manghihila na lang bigla. Kabastusan lang talaga niya. Ugh. Anyways, nagpapatulong pa rin siya sa akin hanggang ngayon sa speeches niya saka porma niya. Ayos lang naman sa akin, e. After all, para naman ito sa section namin. At, oo nga pala, sa kanila ako makikitulog mamaya. Ang hindi ko lang maintindihan ay, paano niya napasang-ayon si Papa? Si Papa kasi, ayaw talaga niya 'yung nakiki-sleep over kami sa ibang bahay. Nakakahiya daw 'yung gano'n. Pero, iba 'tong si Jake, e. Parang ang laki ng tiwala sa kanya ni Papa.

"Uy! Tinatanong kita, hindi ka na sumagot diyan," aniya.

"Wala, may naiisip lang," nasagot ko na lang.

"Ako ba 'yan? Sabi ko na nga ba't crush mo ako, e," pang-aasar na naman niya. Oo! Na naman! Paano, simula noong gabing nag-text siya sa akin, hindi na siya huminto. Minsan, hindi ko na alam kung dapat pa ba akong kiligin o mainis sa kanya, e.

Sinimangutan ko nga. "Utot mo!"

Bago pa mapunta sa asaran ito, inayos na namin ang speech niya. Mabuti naman at mukhang nakukuha na rin niya 'yung suggestion ko na gumamit ng Nipongo sa pagbati at pag-introduce ng sarili niya. Actually, same sila ni Lala. Nag-usap na kami ni Ciara sa bagay na iyon. Nang matapos, tinupad na rin ni Jake ang pinangako niya sa aking mashed potato. Hindi lang iyon, may kung anong hangin ang dumampi sa kanya't nag-volunteer na buhatin ang bag ko. Marahil ay naawa sa akin.

"Ang liit liit mo, pero ang bigat ng bag mo!" reklamo niya sa akin habang tinatahak namin ang daan pabalik sa room.

Kahit sarap na sarap ako noon sa kinakain ko, nagawa ko pa rin siyang sagutin. "Wala kang pakialam."

"Tss."

Agad akong lumapit noon kina Lala nang makabalik kami sa room.

"Ang galing talaga ng suggestion mo, Joel," ani Lala.

"Jusko, nakuha ko lang din 'yang idea na 'yan kay Calvin," pabiro kong sagot naman.

Bago mag-uwian, nagpaalam muna ako sandali kay Jake na magsi-CR muna. Gusto pang sumama ng kupal, pero hindi ko pinayagan. Duh, mang-aasar lang naman siya, e. Na kesyo raw open daw siyang bosohan, na p’wede daw kaming mag-ano roon, at kung anu-ano pang non-sense na bagay. Hindi naman kasi ako gano’ng klase ng bakla, e. Hindi ako lumaki sa mga gano’ng mga explicit o intimate na bagay. Siguro, nagkaka-crush, pero hanggang do’n lang iyon, e. Nothing more, nothing less. Ay! Oo na, idagdag na natin ‘yung love, if ever man. Pinaiwan ko na rin muna ang bag ko sa kanya. After all, hindi naman ako magtatagal dito. Agad akong pumasok sa isa sa mga cubicles doob at inilabas na ang tubig sa katawan ko. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto ng cubicle, halos manlaki ang mata ko sa pagkabigla. Nandoon si Cielo, nakatayo at mukhang hinintay akong lumabas. Hindi ko siya magawang titigan noon sa mata. Marahil ay nakokonsensya pa rin ako sa mga nangyari.

“C-Cielo, ikaw pala,” bati ko sa kanya.

“Oo, ako nga, Joel,” seryoso niyang sabi—na nagbigay ng goosebumps sa akin. Hindi ko alam kung bakit.

“G-gagamit ka ba?” tanong ko pa rin sa kanya.

“Hindi,” seryoso pa ring niyang sagot.

Jusko, mukhang ito na naman tayo, e.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon