MISSION #14
STEP 3: Know your target's weaknesses.
[JOEL:]
Maaga akong nagising kinabukasan. Paano, ginugulo ako ng mga pangyayari kahapon-- to the point na nahihiya na ako kay Cielo. Hindi ko man sinadya 'yun, alam kong nakakahiya pa rin na gano'n ang nangyari.
Ganito kasi 'yun..
•~•~•~•
[Flashback:]
"Guys, ano'ng gusto ninyong lunch?" tanong ko sa kambal na prenteng nanonood ng anime sa sala. Nalaman ko kasi na hindi sila gaanong nanonood ng TV sa bahay nila. Well, hindi ko lang alam kung bakit.
"Uh, kahit ano. Hindi naman kami pihikan." Si Ciara ang sumagot. Nakatutok pa rin ito sa pinapanood. Tch, napapailing na lamang tuloy ako sa kanila.
Tumango na lang ako pagkatapos, saka bumalik na rin sa kusina. Agad kong in-scan ang refrigerator namin. Bigla ko tuloy naisip na magluto na lang ng ginisang munggo. Agad ko namang pinakulo ang mga buto ng munggo para agad na ring lumambot.
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanda ng mga ingredients nang biglang maupo sa tapat ko si Cielo.
"Gusto mong tulungan kita?" tanong niya.
Hindi ko alam pero na-mesmerize ako sa ngiti niya. Mas gwapo pala siya kapag gano'n? Shet, ito na naman ako sa kaharutan ko! Hindi bale, sa utak lang naman ako gano'n.
"Uh, hindi na. Tingnan mo, iniwan mo kambal mo roon," natatawa kong sabi sa kanya. Saglit ko pang sinilip doon si Ciara na talagang nakatutok pa rin sa pinapanood.
Nginitian naman ako ni Cielo pabalik. "Okay lang 'yun. Isa pa, nakakahiya naman kung nakaupo lang kami roon."
"Sure ka ba riyan? Teka, marunong ka bang magluto?" Bigla ko tuloy naalala 'yung nangyari kahapon sa bahay nina Jake. Tinanong ko rin siya ng ganyan, e.
Natawa naman siya saka napakamot sa batok. "'Yun lang."
This time, pareho na kaming natawa. Pero hindi ko naman siya tinawanan dahil hindi siya marunong magluto. Natawa lang ako kasi kahit paano ay magaan lang kasama at kausap itong tao na ito. I mean, napaka-unusual kasi ng ganito. Tingnan niyo na lang si Jake. Wala yatang araw na hindi 'yun nakaangil sa akin, e. Dinaig pa ang may buwanang red days! Hindi ko tuloy alam kung kanino 'yun nagmana. Magkaibang magkaiba naman sila ng Mama niya. Teka.. hindi kaya sa tatay niya siya nagmana? Tch, ano ba 'tong mga pinag-iisip ko.
"Okay lang 'yan, pero kung willing ka talagang tumulong sa akin, ayos lang." Tumayo ako noon para i-check ang pinapakuluan kong munggo.
"Talaga?" tila excited niyang sabi. Abnormal talaga. Kakasabi ko lang, e.
"Adik, oo nga. Tara at tuturuan kita." Niyaya ko talaga siya para makita niya ang ginagawa ko.
Mabilis pa sa alas-kwatro siyang tumayo at nilapitan ako. Tinuro ko muna sa kanya kung paano maghiwa ng bawang at sibuyas. Natawa naman ako dahil halos naluluha pa siya habang hinihiwa ang sibuyas, kaya tinuro ko sa kanya ang technique na natutuhan ko sa internet.
"Ito, kagatin mo ito, pero huwag mong isusubo lahat.." Sabay abot sa kanya ng mini-buns na nandoon. "Natutuhan ko 'yan sa net, and so far, effective naman siya."
Nag-hesitate man ay sinunod pa rin niya ako. Natuwa naman siya dahil hindi na nga siya naluluha noon. Na-a-absorb kasi ng buns 'yung parang enzyme na dahilan kung bakit naluluha ang naghihiwa ng sibuyas. Agad na rin niyang sinunod noon ang bawang. Nang matapos ay iginisa ko na iyon. Nandoon lang siya sa gilid at talagang pinagmamasdan ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)