A/N: Short UD lang po ito, para matapos ko na yung birthday part ni Calyx, at saka para makapag-jump na ako ng mas malayo. Hehe. - SHNMTC
__________________________________________
MISSION #49
[JAKE:]
"Jake, p'wede ba tayong mag-usap?"
Napahinto ako noon nang marinig ko iyon-- na obviously, galing kay CJ. Mukhang may idea na ako kung ano ang pag-uusap namin. Actually, kanina ko pa ito in-anticipate. Agad ko siyang nilong noon. Seryoso nga siya, although kalmado naman ang ayos niya. Hanga rin ako sa isang ito, e. Hindi katulad ni Cielo na masama na agad ang tingin sa'yo.
"Iihi muna ako, bago tayo mag-usap. Ayos lang ba?" seryoso ko ring sagot.
Tumango naman siya, kaya agad na akong pumasok sa loob. Hindi naman ako nagtagal noon. Hindi ako pa-VIP para paghintayin ng matagal ang isang iyon. Inaalala ko rin na nasa teritoryo nila ako. Marapat lamang na makisama.
"Ano'ng pag-uusapan natin?" Umakto ako noon na walang ideya.
Ngumisi naman siya. "Alam kong alam mo ang pag-uusapan natin."
"Tungkol sa kanina, I guess," pa-sarcastic kong sabi.
"Gusto ko lang linawin mo ang mga pinagsasasabi roon ni Papa," seryoso niyang sabi.
Bilib din ako sa isang ito, e. Kanina ko pa kasi hinihintay na sapakin niya ako-- initial reaction ng mga lalaking akala nila, inagawan sila ng isang napakaimportanteng bagay. Pero, iba talaga siya. Nahahalata ko na kanina pa siya nagtitimpi. Alam niyang ilugar ang sarili niya sa mga ganitong sitwasyon.
"Na-misunderstood lang iyon ng Papa mo," sagot ko. "Hindi iyon totoo. Kinailangan lang naming magpanggap-- o ako, rather, dahil iniisip ko si Joel. Kilala mo naman tatay niya, 'di ba?"
"Magpanggap? Gago ka ba, Jake? Mas pinapalala mo lang ang sitwasyon, e!" Alam kong naapektuhan siya roon. Kahit sino naman, e. Oo na, mali na ako.
"Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, iisipin mo pa ba ang sarili mo kaysa sa mahal mo? Calyx, mahal mo si Joel, 'di ba? E 'di, hindi mo siya hahayaang mapahamak," nasabi ko na lang.
Hindi ko alam kung bakit ba ako nagpapaliwanag sa kanya. Tss, dapat, pinanindigan ko na lang 'yung mga sinabi ng tatay niya kanina. Minsan talaga, bobo ako, e.
""Paano naman siya mapapahamak, e tatay niya 'yun?" Kalmado na ulit siya noon.
"Alam mo naman na hindi tanggap ng taty niya 'yung pagiging bakla niya, 'di ba?" Ngumisi pa ako noon. Pang-asar lang.
Napabuntong-hininga muna siya noon. "Sabagay. Sige, hahayaan kita sa kahibangan mong iyan, pero hindi mo rin ako mapipigilan sa panliligaw sa kanya."
"Deal," sagot ko sa kanya, bago tuluyang naglakad pabalik sa p'westo namin.
______________________________________________________________________________________________
Alas nuebe na ng gabi natapos ang party. Nauna nang umuwi noon sina Lala, Keisha at Ciara, since susunduin daw sila sa main road ni Cielo. Nagpaiwan naman si JD doon, since kakilala naman siya ng parents ni Calyx, at mukhang doon na raw siya makikitulog. Ako naman? Heto at kasabay ang Ballesteros family pauwi sa kanila. Mukhang maganda naman ang mood ni Tito, na may pakanta-kanta pa habang nagmamaneho. Katabi ko noon si Joel, na mukhang napagod din.
"May masakit ba sa likod mo?" tanong ko sa kanya, since napansin ko ang paghilot niya doon.
"Ugh, oo, e. Hindi ko nga alam kung bakit, e," uneasy niyang sagot.
Dahil na rin sa awa ay pinatalikod ko siya sa akin, saka ko minasahe ang likuran niya. Somehow, nakikita ko naman na na-relieve siya roon. Hanggang makarating siguro sa kanila, minamasahe ko ang likod niya.
"Okay na ako, Jake. Salamat," aniya, bago tuluyang bumaba.
"Jake, ayos lang ba kung kina Joel ka na matulog? Katulad ng nakaraan?" tanong sa akin ni Tito.
Tumango naman ako. "Ayos lang po. Salamat po ulit."
"Sige na, umakyat na kayo. Teka, wala namang nagugutom sa inyo, 'di ba?" tanong naman ni Tita Alicia.
Halos sabay-sabay naman kaming umiling. Nag-kiss pa ang magkakapatid noon sa magulang nila, bago tuluyang pumanhik. Nauna na noong pumasok sa banyo si Calvin.
"Joel," tawag ko sa kanya. "P'wede ba akong manghiram ng tuwalya? Parang gusto kong maligo, e."
"Wait lang. Kukunin ko lang 'yung extra towel ko," sagot naman niya.
"What if, sabay na lang tayong maligo?" biro ko sa kanya.
"Lul. Mauna ka nang maligo," nakasimangot niyang sabi.
"Ito naman, nagbibiro lang, e," hirit ko pa. Tss, wala talaga akong sense of humor.
"Mas mukha pa 'yung sarcasm kaysa joke."
"Highblood."
"Ano'ng sabi mo!?"
"Wala! Ang bingi ng ilong mo. Tss."
Katulad noong unang beses kong makitulog dito, nasa gitna namin si Joel. Ayaw pa niya noong una, since medyo maalinsangan daw ang panahon. Nahiya naman din ako noon, kaya nagprisinta ako na sa sahig na lang ako. Pero, hindi pumayag si Calvin. Tangina lang. Bahala silang magkapatid. Tss.
"Joel, magagalit si Papa kung sa sahig matutulog si Jake. Isa pa, ayaw mo ba soyang katabi? Crush mo naman siya, e," biro pa nito kay Joel.
Kahit ako noon ay napangisi na lang. Imba talaga itong si Calvin. Napansin ko naman ang pamumula ng mukha ni Joel noon dahil sa sinabi ni Calvin.
"O-Oy, pinagsasasabi mo!?" nakaangil niyang sabi sa kapatid.
"Wala. In denial kayo pareho. Mahiga na nga tayo. Inaantok na ako." Nauna na itong nahiga noon sa p'westo niya-- dahilan para mahiga na rin kami.
Hindi ako dalawin ng antok noong mga oras na iyon. Hindi naman ako namamahay, since medyo nasanay na rin ako sa environment nila. Ang lakas ng tibok ng puso ko, tang ina. Ramdam ko rin noon ang paghinga nitong katabi ko.
"Gising ka pa?" mahina kong tanong sa kanya.
"O-Oo, e," mahina rin niyang sagot.
Hindi ko alam kung paano mag-o-open ng conversation noon. Masyadong awkward ang atmosphere para sa aming dalawa. Alam ko ring gano'n din siya.
"Ang tahimik, 'no?" bigla niyang tanong sa akin. Tss.
"Malamang. Gabi, e," walang gana kong sagot. Ang lame ng tanong niya, e.
"Wow, ha?"
Katahimikan ulit ang namayani noon. Hinihintay ko siyang magsalita noon, pero wala talaga. Akma ko siyang lilingunin noon, nang aksidenteng magtama ang mga labi namin. Doon ko lang na-realized na nakatagilid nga pala siya't nakaharap sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal naparalisa ang katawan ko noon, pero, iba, e. Mayroon talagang ibang pakiramdam everytime na nagtatama ang mga labi namin. Animo'y nasa isa akong paraiso. Mayroong peace of mind na namamayani sa akin noong mga oras na iyon. Ayaw ko na sanang umandar noon ang oras, pero siya na mismo ang nagtanggal noon.
"Bakit mo tinanggal?" nagtataka ko pang tanong.
"Malamang, hindi naman tama iyon, e," sagot lang niya, bago tuluyang humarap sa direksiyon ni Calvin.
Napabuntong hininga na lamang ako noon sa sinabi niya. Kahit kailan talaga, o. Napakamanhid niya. Hindi bale, in no time, masasabi ko rin ito sa kanya. At, sisiguraduhin kong magiging memorable ang araw na iyon para sa aming dalawa. Hindi na ako umayos ng higa noon. Wala lang, gusto ko lang na masilayan siya bago ko ipikit ang mga mata ko. Tangina, talaga nang nagiging korni ang isang tao kapag mayroon siyang minamahal. Tangina talaga.
[Itutuloy..]
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)