SPECIAL MISSION A

9.3K 222 1
                                    

NOTE:

Special chapter lang po ito ng Taming Mr. Homophobe at hindi book 2!! Ito 'yong pinangako ko sa mga loyal at avid supporter ng Team JoKe.

With regards to the 2nd book, wala pa pong concrete date kung kailan ko siya sisimulan. Pero, ang sigurado lang ay sa 2017 ko pa siya itutuloy. Kalma lang guys. Hahaha.

Lastly, regarding sa self-pub ng TMH, postponed muna siya. Kung kailan, sa takdang panahon.:)

PS: Belated happy birthday kay Joel!! Remember, August 4 ang birthday niya? HAHAHAHA.😂

______________________________________________

SPECIAL MISSION A

[JOEL:]

"Merry christmas, guys!" masaya kong untag sa mga kasama ko.

Linggo ngayon at naisipan naming magkaroon ng mini-party. Kami-kami lang naman nina Justin, Adrian, Clay, Michael, Trixie, Gabrielle, Jake at ako, siyempre. Nga pala, bago lang ang barkadahan namin. Nagsimula kasi ito noong nagyaya minsan si Justin na kumain muna kami sa kariton ni Manong sa labas ng school. Okay lang naman, although hindi ko naman kinakaligtaan sina Ciara na kaibigan ko rin. So, ito na nga: nandito kami ngayon sa bahay nina Michael dahil nga nagkayayaan nga. Kahit pagod dala ng nanood nga kami ng Ligligang Parul (Giant Lantern Festival), masaya naman kaming nandito ngayon. May mga kanya-kanya din naman kaming dala na pagkain since medyo nakakahiya kay Michael na sagot ang halos 60% ng mga kinakain namin ngayon. Share kami, actually, ni Jake sa ice cream na dala namin. At first, ayaw pa niya akong pagbayarin dahil daw sagot na niya iyon pero hindi ako pumayag dahil hindi naman siya obliged na i-shoulder ang parte ko roon.

"Merry christmas!" They exclaimed also.

Since nagbigayan na kami ng regalo noong christmas party pa lang namin last Friday, we decided na mag-movie marathon na lang kanina. We decided na panoorin 'yong One Last Chance na ni-direct ni Direk Catherine Monsanto---na nanay ni Direk B. No'ng kinwento ko sa kanila 'yong tungkol kay Direk Bridgette, aba naman, biglang nag-fangirling itong sina Clay, Trixie at Gabby! Paano, fan na raw sila ni Direk Cath mula noong napanood nila 'yong One Last Chance. Natatawa na lang sina Jake sa kaharutan ng tatlong babae. Kainis. Hindi man lang ako ipagtanggol ng kupal na 'to sa mga bruhang ito! Hindi, joke lang. Hindi naman ako pa-damsel in distress, ano. Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko.

"Hindi mo man lang ipagtanggol sa kanila si Joel, Jake," natatawang untag ni Justin dito sa boyfriend ko.

Natawa naman ang kupal. "Pare, kung alam mo lang. Ayaw na ayaw niyan na pinagtatanggol ko siya kaya moral support na lang ako."

"Imba ka talaga, Jake!" sabat naman ni Adrian saka nakipag-apir pa sa kupal.

Tinaasan ko na lang sila noon ng kilay saka sumandal kay Jake. Inakbayan naman ako ng kupal saka hinalik-halikan ang buhok ko---dahilan para magsitilian itong tatlong babaeng kasama namin.

"Gosh! Weird na ba ako kung mas kinikilig ako sa dalawang lalaki kaysa sa normal na couple?" kinikilig na tanong ni Gabby kay Trixie.

"Girl, pareho lang tayo, ano ba," ani Trixie.

"Oo nga. Gosh!" ani Clay.

Jusko. Kailan ba ako masasanay sa tatlong ito? Mula noong inamin namin ang relasyon namin ni Jake noong birthday niya, talagang todo silang tatlo sa pagpu-push! Actually, pati sina Lala, Kei, at Ciara, ganyan din. Jusko, kailan ba ako masasanay? Buti nga, parang wala namang pakialam ang mga kamag-aral namin sa aming dalawa ni Jake, e. Well, except sa may mga HD (hidden desire) sa kanya. Hindi daw nila matanggap na 'yong kilala nilang homophobe, ayun at homo na rin pala. To be honest, natatakot pa rin naman ako para sa image ni Jake sa school, pero ang lagi na lang niyang sinasabi sa akin, hayaan ko na lang daw sila't huwag nang intindihin pa. Ang intindihin ko lang daw ay siya at ang relasyon namin. Nakakatuwa kasi lalo akong naiinlove sa kanya. Kahit paano, napapawi lahat ng agony ko dhil sa kanya.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon