MISSION #40
#Realizations
[JAKE:]
Ramdam ko pa rin ang pagiging matamlay ni Joel kahit na ngayong araw na ito na gaganapin ang play namin. Kahit sina Lala at Ciara, nagtataka rin. Panay pa nga ang kulit ng dalawang ito sa kanya. Ayaw ko na rin sanang mangialam, pero the fvck lang? Nakokonsensya na rin ako. Ganito pala kapag mahal mo 'yung nakakaramdam ng misery. Nararamdaman mo rin. Worst, pakiramdam mo, ikaw 'yung mismong nakakaramdam niyon. Nagi-guilty ako ng wala sa oras. Ano kayang p'wede kong gawin para mapasaya 'tong baklang payatot na 'to?
"Jake, tawag ka ni Direk B." Napapitlag ako nang may kumalabit sa akin. Si Lala pala.
Nasa may auditorium kami ngayon. Tamang handa lang kami pars sa play. 'Yung iba, natutulog. 'Yung iba, kinakabisado pa for the nth time ang kani-kanilang mga scripts, habang 'yung mgs iba naman ay may kanya-kanyang business. Parang ako lang-- heto't nag-iisip ng p'wede kong gawin para makabawi sa nangyari kahapon.
"Nasaan si Direk?" usisa ko rito.
"Nasa labas. Dalian mo daw dahil mahalaga ang sasabihin niya." Naglakad na ito palayo matapos magsalita. Tss, bastos na babae 'yun. Hindi man lang nagawang magpaalam sa akin.
Naglakad na ako noon papunta sa labas. Nandoon nga si Direk. Hindi naman ito tensed. In fact, she seems so happy. Puta, napapa-ingles ako ng wala sa oras.
"Direk," tawag ko rito.
"Jake, just inform your classmate na huwag munang aalis after ng play. Mamayang gabi pa naman 'yung pageant kaya makakahabol pa kayo sa panonood. Basta mamaya, stay lang kayo sa auditorium," paliwanag niya.
Akala ko pa naman kung ano na. "Yes po. Ako nang bahala."
Tumango lang ito at nagpasalamat, saka bumalik na sa Faculty Room. Agad ko na rin iyong pinaalam. Puro bulungan ang sunod na namayani.
"Mukhang magti-treat si Direk," ani JD.
"Mukha nga, Dylan. Sana, may pizza," sagot naman ni Calyx.
Tss, basta pagkain, nangunguna itong dalawang ito. Agad na rin akong bumalik noon sa upuan ko. Napanatag pa rin ako dahil hindi naman dinadaldal ni Cielo si Joel. Baka hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko, lalo't ganito nga ang sitwasyon. Puro pressure.
____________________________________________________________________________________
Saktong ala-una ng hapon nang mapuno ang buong amphitheater. Hindi namin inaasahan na ganito karami ang manonood. Tss, malamang, pinag-require ng mga teachers ang mga 'yan. Gano'n naman lagi, e. All set na rin kaming lahat. Ako? Kalmado lang. Bakit naman ako kakabahan? Sanay na rin ako sa ganito, e. Simula pa noong third year, gumagawa na kami ng ganito. Dalawang beses na rin. Ewan ko lang rito sa mga transferees kung sanay na sila. Pero, sa ngayon, bawal munang kabahan. Malaking kahihiyan iyon, kung nagkataon.
"Jake, halika rito. Prayer muna raw tayo?" tawag sa akin ni Ciara. Oo nga pala, siya ang Maria Clara sa play namin.
Don't get me wrong. Nagagandahan ako sa kanya, pero hindi ko siya gusto. Abnormal puso ko, e. Tumango naman ako, saka sinundan siya. Nandoon na pala lahat ng cast. Ako na lang pala hinihintay. Una kong hinanap si Joel, na hindi naman ako nahirapang hanapin. Siya lang naman kasi ang tahimik lang doon. Naku, baka hindi niya ma-execute ng maayos ang role niya. Huwag naman sana. Tss, ito na naman ako, e. Abnormal nga talaga itong isip saka puso ko.
"Dear Lord Jesus, guide us in our play today.." panimula ni Lala, na siyang nag-lead ng prayer.
Matapos niyon ay nag-ayos na kami. Nasa harap na rin noon si CJ-- na siyang napili na magbigay ng background information tungkol sa play, at mag-i-introduce sa aming mga casts. Umayos na ako noon, dahil nasa unang scene ako, kasama si JD at Keisha. Ito 'yung scene na mayroong piging, at naanyayahan si Ibarra. Si JD ang gaganap na Padre Damaso, habang si Dominic naman si Padre Salvi.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)