MISSION #28

13.7K 405 38
                                    

MISSION #28

[JOEL:]

Maaga kaming nagising kinabukasan. Wala palang necktie at coat na matino si Calvin. Kung bibili naman kami, mas magastos. Isa pa, isang event lang naman niya gagamitin. Ni-suggest ni Mama kagabi na kung p'wede ko raw ba siyang ipagahiram kay Justin, since medyo same built lang naman silang dalawa. Good thing is, mayroon daw si Michael at willing naman siyang pahiramin kami. So, ngayon nga ay pupunta kami doon para mamili. Oo, mamili talaga. Mayroon daw kasi siyang tatlo roon. E 'di wow lang. Siya na ang rich kid.

"Ma, Pa, alis na po kami," paalam namin sa kanila. Kasalukuyan silang nasa kusina noon at kumakain pa ng agahan.

"Bumalik kayo before 2 PM," sabi naman ni Papa.

"Yes, Sir!" Umakto pa noon na parang sundalo si Calvin. Loko talaga.

Nang makasakay sa jeep ay ni-text ko na si Justin noon na papunta na kami sa kanila. Oo, sa kanila muna kami pupunta dahil niyaya niya kami na doon na rin mag-agahan. Nakakahiya nga, e, pero pumayag na rin kami. Ang nangyari tuloy, hindi na kami kumain ng agahan kanina. Buti na lang at may Skyflakes ako sa bag. Pampawi lang ng gutom.

"Pahingi," anang kapatid ko.

"O." Agad naman siyang kumuha.

In no time ay nakarating na rin kami sa junction -- kung saan naka-locate ang subdivision nina Justin at Michael. Agad naman naming tinahak ang daan papasok sa kalye nila.

"Ang ganda dito, bro," kumento ni Calvin habang nagmamasid sa paligid.

"I know, right!?" natatawa ko na lang na sagot.

Agad naman namin siyang nakita doon sa may tindahan malapit sa kanto nila. Mukhang hinintay niya talaga kami.

"Mabuti naman at nandiyan na kayo," natatawa niyang salubong sa amin.

I just rolled my eyes. "Wala pa. Aparisyon pa lang ito."

"Isa." Bigla siyang nag-poker face.

Natawa naman sa amin si Calvin. Ang cute daw naming magkaibigan. Nag-peace sign na lang ako kay dong. "Tara na, dong. Gutom na kami."

Mainit naman kaming sinalubong nina Tita at Tito -- parents ni Justin, at Kuya Julius -- panganay na kapatid nina Justin. Kyaaaah! Bigla akong kinilig. Paano, crush ko kasi si Kuya Julius. I mean, ang gwapo niya kasi. Mas light ang hitsura niya kaysa kay Justin. Alam mong bubbly siyang tao. Pero siyempre, crush lang naman iyon. Alam ko namang mas malinaw pa sa sikat ng araw na never niya akong magugustuhan. As in butata. Duh.

Bigla akong inakbayan ni Kuya. "Tulala ka na naman, Joel. Haha!"

Nag-init ang pisngi ko noong mga oras na iyon. "Kuya Julius naman, e."

"Joke lang. Ito naman, hindi mabiro. O, ito ba si Calvin?" bigla niyang usisa.

"Oo, Kuya. Uh, Calvin, si Kuya Julius pala, kapatid ni Justin."

"Kumain na tayo. Julius, lubayan mo nga 'yang si Joel. Ang tanda mo na nga, isip-bata ka pa rin," biglang suway sa kanya ni Tita.

Napakamot naman ng ulo si Kuya. "Ma naman. Masyado kang seryoso."

Natawa na lang kami sa kanila, lalo na noong kurutin ni Tita ang tagiliran ni Kuya. Aww, ang cute lang nila. Agad naman kaming naupo na noon sa hapag. Si Tito Jacob ang nag-lead ng prayer. In fairness lang, dahil kahit abogado siya, napaka-religious pa rin niya. Well, hindi naman 'yung banal na banal. 'Yung tama lang. And.. as expected, masarap na naman ang luto ni Tita. Nakakahiya mang sanihin, pero nakailang ulit kami ni Calvin.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon