MISSION #09

20.8K 563 35
                                    

MISSION #09

[JOEL:]

"Kailangan kong magmadali pauwi kaya dito na lang muna kita ililibre. Tch," walang gana kong sabi kay kupal.

Nandito kami ngayon sa fishball stand, hindi kalayuan sa school. Wala na ako sa mood ngayong magtaray. Sobra na talaga akong stressed dahil sa mga nangyari kanina.

"Tss, binibiro lang kita, bakla. Masyado ka namang seryoso," mahinahon niyang sagot.

"Nandito na tayo ngayon, kaya sige na. Kain na tayo," nasabi ko na lang.

Kukuha pa lang ako ng pantusok nang bigla niya akong hilain paalis doon. Magrereklamo pa sana ako, pero sinamaan lang ako ng tingin. Ilang saglit pa'y nakita ko na lang na papasok na kami sa 7 Eleven. Hindi ito 'yung 7 Eleven na meeting place namin last Saturday, ah?

"Oy, wala akong pera," reklamo ko pa sa kanya.

Hinarap naman niya ako, habang nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin. "Ako na ang manlilibre. Sa Sabado ka na lang bumawi. Hindi ako sanay na ganyan ang mood mo. Mas lalo lang akong naiirita."

Bigla na lang tumibok noon ang puso ko. Siya lang talaga ang nakakagawa ng ganito sa akin. I mean, 'yung parang boom badoom boom boom?

"Tulala ka na naman. Tss," dagdag pa niya. Nasa tapat ko pa pala siya. Inirapan ko na lang.

Umupo na agad ako, habang siya naman ang bumili. Hindi na rin niya ako pinansin pa, at dumiretso na lang sa counter. Habang wala siya ay ni-text ko muna si Mama na may dinaanan lang ako. Mabuti na lang at wala si Papa noon. At least, hindi madadagdagan ang mga stressors ko.

Ilang saglit lang ay nasa harap ko na siya at inaayos na ang binili niyang hotdog sandwich at slurpee.

"Kumain ka, bakla para naman tumaba ka," sabi pa niya.

"Tch. Salamat."

Tahimik lang kaming kumain noon. Mabuti't hindi siya nakaangil ngayon. Baka hindi ko lang mapantayan. Nang matapos ay nag-ayos na kami para umalis.

"Kupal, salamat sa libre. 'Di bale, babawi na ako sa Sabado," sabi ko sa kanya.

"'Lul. Sige na, umalis ka na," seryoso niyang sagot. Hindi man lang makalingon sa akin. Tch.

______________________________________________________________________________

[JAKE:]

Damn. Ano ba 'tong ginagawa ko? These past few days, lagi na lang akong wala sa sarili-- to the point na hindi ko na alam kung ano ba 'tong mga ginagawa ko para sa baklang iyon.

Dumagdag pa roon ang pagiging matamlay nga niya kanina. Sa totoo lang, hindi ako sanay na gano'n siya. Ni hindi na nga ako nagawang tarayan kanina, e. Dahil ba 'to sa nangyari kanina? Gago kasing taguro (Kenneth) 'yun, e.

Nang masigurong nakasakay na siya, nag-umpisa na rin akong naglakad noon pauwi. Hindi naman ako hahanapin ni Mama. Sanay na rin 'yun na minsan ay ginagabi ako. Isa pa, nasa bahay na rin 'yun ngayon.

Nang makarating, kumakain na sila ni Kendrick ng dinner. Agad akong nagmano.

"Magbihis ka na para makasabay ka sa amin," utos ni Mama, matapos kong magmano.

"Mauna na po kayo, Ma. Magpapahinga lang po ako sandali," sagot ko.

Hindi na rin siya nagtanong noon ng marami at hinayaan na muna akong umakyat papunta sa kwarto ko. Nang makapasok ay wala sa sarili akong napahiga sa kama-- habang iniisip pa rin ang baklang iyon. Tang ina, naengkanto na yata ako ng baklang iyon. Mula pa noong pumunta iyon dito noong Sabado, lagi ko na lang nakikita ang sarili ko na iniisip siya. Fvck.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon