MISSION #59
[JOEL:]
Umuwi kami sa Pampanga isang araw bago ang araw ng mga namayapa. Ito ay para madalaw naman namin ang mga labi ng mga magulang ni Mama dito; gano'n din kina Jake. The whole vacation in Ilocos was really fun. Masaya ako kasi pinapatunayan talaga ni Jake na seryoso siya sa akin. I mean, hindi siya vocal sa pagsasabi na mahal niya ako at gagawin niya ang lahat para sa akin, pero naipapakita niya iyon through his actions. Basta, mahirap ipaliwanag. Tanging ako lang at siya ang nakakaramdam niyon.
"Iniisip mo ako, 'no?" Napapitlag ako ng bigla niya akong kausapin. Naantala tuloy ang pagdi-day dream ko.
"Asa," palusot ko.
"Tss, in denial pa, e halata naman," sabi pa niya.
Saglit ko ngang nilingon, at nakumpirma ko ngang nakangisi ang ungas. Nakakainis, bakit ba ang gwapo gwapo nitong kupal na 'to. Isa siyang malaking distraction, e.
"Fine, oo na," I surrendered.
"Jake, Joel, matulog muna kayo at mahaba pa ang biyahe," biglang saway ni Mama sa amin.
"Opo, Mama. Sorry po," paghingi ko ng paumanhin.
Hindi ko na muna kinibo noon si Jake. Sa totoo lang, medyo inaantok pa rin ako. Paano, naisipan ng mga lalaking ito na mag-movie marathon. Worst is, Cannibal Holocaust ang naisipan nilang panoorin! Kadiri kaya 'yun! Ang nangyari tuloy, lutang ako dala ng nai-imagine ko pa rin ang mga eksena sa naturang pelikula. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagsandal ng ulo ni Jake sa balikat ko. Teka, namimihasa 'to, ah? Hindi, biro lang. Hindi naman iyon big deal sa akin, kahit na medyo mabigat ulo niya. Dahil doon ay napasandal na rin ako sa ulo niya't nakatulog na rin.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, pero nagising na lang ako na nakahiga sa lap nitong si Jake. I mean, nakahiga na ang ulo ko. Huwag kayong ano riyan. Napabalikwas tuloy ako noon. Tapos alam niyo ba? Nakangisi pa ang kupal no'ng nilingon ko siya!
"Ako nahirapan sa p'westo mo kanina, kaya inihiga ko na lang 'yung ulo mo sa lap ko," aniya.
Bigla namang sumabat si Calvin na nasa tabi niya. "Jake's right, bro."
"Sorry," nasabi ko na lang.
"Don't be. Ayos lang iyon sa akin," sagot pa nito.
Ilang oras din ang lumipas nang makarating din kami sa Pampanga. Papa decided na sa bahay na magpalipas ng All Saints Day at All Souls' Day sina Tita. Tutal, same cemetery lang naman daw nakalagak ang mga puntod ng dadalawin namin. Lihim namang natuwa noon si Jake. Sus, kahit hindi naman niya sabihin sa akin, halata ko naman iyon. At, natutuwa ako dahil parang ilang araw pa lang no'ng umamin siya ng nararamdaman niya sa akin, yet ang dami ko nang nalaman tungkol sa kanya. Oo, alam ko na rin ang punu't dulo ng lahat kung bakit siya may hindi malamang galit sa nga gays na katulad ko; at dahil iyon sa ama niya na kauri ko pala. Nakita daw kasi niya kung gaano nasaktan ang Mama niya noong umamin iyon sa kanya at tuluyan silang iwan para sa karelasyon niyon na lalaki. Doon ko lang din naunawaan na lahat pala ng bagay, mayroong malalim na dahila. You cannot judge someone because you barely know them and their life stories. Mangiyak ngiyak pa siya noong kinwento iyon sa akin habang nasa dalampasigan kami. For the first time, nakita ko ang mga luha na iyon sa mata niya. Iba talaga kapag lalaki ang umiiyak. Worst is, mahal mo pa. Anyways, kaming dalawa lang ang magshi-share sa kwarto dahil Calvin decided na sa kwarto na muna siya ni Jonathan makikitulog, while Cassie will be sleeping in our parent's room. Laki pa ng ngisi ng ungas.
"Paano ba 'yan? Masosolo kita mamayang gabi?" ani Jake, na tila inalihan ng masamang ispiritu.
"Heh! Magtigil ka, Jake!" saway ko na lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)