MISSION #11

19.2K 529 52
                                    

MISSION #11

[JAKE:]

"Ako na ang magdadala sa kanya," bigla kong naibulalas. Damn, ito na naman ako. Nagiging lutang na naman ako.

"No, ako na," biglang sabat ni Vice President, habang pilit na hinahatak papunta sa kanya ang walang malay na si bakla-- este, J-Joel. Paano kasi, ako 'yung nakasalo sa kanya noong nawalan siya ng malay.

"Ako na. Plano ko ring pumunta sa clinic dahil masakit ang ulo ko. Okay lang po ba, Sir?" Sabay baling kay Sir.

Tumango naman ito. "Mr. Buenaventura, si Mr. Pangilinan na lang ang maghahatid kay Mr. Ballesteros."

Binuhat ko na noon si bakla ng pa-bridal style. Hindi ako aware sa naging action ko, pero tang ina, puro tilian ang mga kaklase namin, lalo na 'yung mga babae. Tss, parang 'yun lang, e. Ginagawa pa nilang big deal.

"Saan ang honeymoon?" sigaw pa ni Lala. Sinamaan ko nga ng tingin. Numero uno itong nang-aasar sa akin, e. Tss.

Pero, kahit si Sir, nakiki-ride in din. "Huwag munang mag-honeymoon, Mr. Pangilinan. Bata pa kayo."

Napapailing na lamang akong lumabas sa room. Mabuti na lamang at wala nang mga nakatambay na estudyante sa hallway. Agaw-atensiyon nga naman ako. Habang papunta sa clinic, napagmasdan ko ang mukha nitong buhat ko. Mahaba pala ang pilik-mata niya. Idagdag pa roon ang mga labi niya na mapula-- what the fvck? Ano ba itong mga naiisip ko? Ito na naman, e.

Nang makarating sa clinic ay pinaliwanag ko sa nurse ang nangyari. Aniya, overfatigue daw ang nangyari kay bakla. Kailangan lang daw ng pahinga, at mamaya lang ay magigising na siya. Ako rin ay nahiga muna sa isa sa mga kama roon. Para sabihin ko sa inyo, nagkahiwalay kami. Hindi pa ako nahihibang para tumabi sa kanya. Nakatingala lang ako noon sa kisame habang nagpapaantok. Bigla ko tuloy naisip lahat ng mga pangyayari mula nang makilala ko itong kasama ko rito.

Hindi ko alam, pero kahit papaano ay nagbago ang pananaw ko sa mga katulad niya. Bakit ko nga ba sila nilalahat? Bakit ko nga ba iniisip na lahat sila, manggagamit? At, bakit ko nga ba naisip na katawan lang ng lalaki ang gusto nila? Hindi ko alam kung ano ba itong tumatakbo sa isip ko. Masyado pala akong nagpadala sa galit sa Papa ko. Hindi ko naisip na may damdamin din pala sila, para masaktan. Damn, dahil sa baklang ito, unti-unti ko nang natatanggap ang mga katulad niya.

Hindi ko namalayan noon na nakaidlip na pala ako. Nang magising ay gising na rin si bakla habang nagdudutdot sa cellphone niya.

"O, buti gising ka na?" seryoso niyang sabi.

"Alangang tulog? Tss," pa-sarcastic kong sagot.

"Tch, punta tayong cafeteria. Treat ko," sabi pa niya. Mukhang bumalik na nga ang lakas niya.

"Pinayagan ka na ba ng nurse na lumabas?" usisa ko pa. Ang lakas ng loob, e.

"Hindi naman kita yayayain kung hindi pa p'wede, 'di ba?" mataray na naman niyang sabi.

"Tss."

Tumango na lang ako at tumayo na rin. Nang makasuot ng sapatos ay lumabas na kami pareho. Hindi naman kami nag-iimikan habang binabagtas ang daan papunta sa cafeteria. Alam niya sigurong nakakahiya nang bumalik sa klase, lalo't 20 minutes na ang lumipas nang magsimula ang Social Studies namin. Nang makarating sa cafeteria ay sinabihan niya ako na maghanap ng uupuan namin. Tumango na lang ako para iwas-gulo na rin. Pasalamat siya at special treatment siya sa akin.

Nang maka-order ay naupo na rin siya. Pasta lang saka Iced Tea ang in-order niya. Sabagay, meryenda lang naman.

"S-Salamat," tila nahihiya kong sabi.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon