MISSION #68
LAST MISSION: Keep inspiring other people.
[JOEL:]
December 4, 2008
Noon, isa lang akong simpleng bakla na walang ibang hiniling kung hindi ang tanggapin ako ng mga tao sa paligid ko for who and what I am. Alam kong napakasimple lang nito para sa iba, pero.. hindi. Hindi para sa aming mga nasa third sex, lalo na sa akin na halos isuka na ng ama ko. Wala naman akong magawa kung hindi ang maluha na lamang ng palihim at itago ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagngiti at pagiging masayahin. Martir? Alam ko. Dinaig ko pa yata ang mga battered wives sa mga palabas sa telebisyon, e. Naging dahilan iyon para magbago ang paningin ko sa mga kagaya ko—na hanggang pangarap na lang ang pagkakaroon ng tinatawag nilang “happy ending”. Hindi ako nagpapaka-pessimistic; nagpapaka-realistic lang. Mahirap umasa sa mga bagay na alam mong hindi naman talaga inilaan para sa’yo.Naging subject ako for bullying. Oo, isa pa ito sa kinakaharap naming mga nasa third sex. Naging masalimuot ang aking unang dalawang taon sa high school—dahilan para ilipat ako sa ibang school. I never expected na dito ko matatagpuan ang mga taong tatanggap sa akin kung ano man ako. For the first time in my life, nakaranas ako ng saya na hindi ko mahanap sa bahay. Dito, natutuhan kong maging care free lang—iyong walang iniisip na iba dahil lang sa bakla ako. Nakakatuwa dahil hindi lahat ng lalaki, bastos at walang-galang. Dito ko nakilala ang best friend –slash- older brother ko. Nakakatuwa dahil tinanggap niya ako at hindi kinahiya bilang kaibigan niya. Hindi tuloy naiwasan na hindi ako mamangha sa kanya. PERO, hindi ko iyon hinayaang maging dahilan para iwasan niya ako. Sa pagdaan ng panahon, natutuhan ko ring mas masaya pala kung maging magkabigan lang kami.
Well, nagsimula ang mala-roller coaster ride ng buhay ko nang tumuntong ako ng fourth year—kung saan ko nahanap si “destiny”. Unang pagtatagpo pa lang ng mga mata namin, sa kanya ko na naramdaman ang “boom badoom boom boom” feeling na ito—only to find out na isa pala siyang HOMOPHOBE. Oo, mayroon siyang galit sa mga kauri ko. Lahat na yata ng masasakit na salita, narinig ko na sa kanya. Masakit, oo, pero pinili ko na lamang magpakatatag. Akala ko, hanggang doon lang iyon. Unti-unti, natutunan na rin niya akong tanggapin. Ang kulit ng tadhana, ano? Lagi na lang kaming pinaglalapit. Ang nakakainis pa, kahit anong iwas ko, tila ayaw sumunod nitong letsugas kong puso. Mukhang tinamaan na yata sa “kupal” na ito.
Pero, hindi. Natatakot ako sa sasabihin ng iba sa akin. Natatakot ako na baka pati siya, madamay sa mga masasakit nilang sinasabi laban sa akin, kaya pinilit ko siyang iniwasan. Pero wala, e. Kahit pala siya, natutuhan na rin akong mahalin. At ang tumatak sa akin? Iyong sinabi niya sa akin. “Hindi sila [ibang tao] ang magdidikta ng iyong desisyon; kung hindi tayo mismo.” Dahil sa sinabi niyang iyon, nag-take ako ng risk. Sinagot ko siya.
Masasabi kong hindi kami perpekto, dahil may mga times na nag-aaway din kami. Pareho kaming nagkakamali at nakakagawa ng kasalanan sa isa’t isa. Pero, hindi. Pinangako namin sa isa’t isa na hindi kami bibitaw. Wala sa aming susuko. Kung may problema man, aayusin namin pareho.
Hanggang dito na lang muna siguro. Basta ang masasabi ko lang: Huwag tayong matakot sa sasabihin ng iba kung alam naman nating wala tayong ginagawang mali. Ang mali ay iyong pinapatulan pa natin ang mga iyon. Sana, kahit paano, na-inspire ko kayo sa blog entry ko na ito.
@JMB_0704PS: I love you, “kupal” FOREVER AND ALWAYS.:)
ENTER.
Napabuntong hininga na lamang ako habang hinihintay na mag-send itong simpleng confession ko sa blog site na TheBlogger. Actually, last week ko lang siya nadiskubre. Si Justin ang nagsabi ng tungkol dito, kaya sinubukan ko. So far, nakakatuwa dahil p’wede kang mag-share ng iyong experiences or confession nga, habang anonymous ka sa ibang users. At ang ni-send ko? I just want to inspire other gays out there, at patunayan sa kanila na makakahanap din sila ng lalaking makakapagbigay sa kanila ng pagmamahal na katumbas ng ibinibigay nila. Sa loob ng ilang linggo, marami nang nagbago.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)