MISSION #16
[JOEL:]
Halos mag-cram ako kinabukasan. Paano, na-late ako ng gising! Letsugas kasi si Calvin, e. Natripan niyang manood ng Primetime shows. Gusto raw niyang makita ang mga drama sa Philippine television. Then, mukhang na-hook pa ang gago sa Lobo ni Angel Locsin. Well, hindi ko naman siya masisisi, dahil nga magaling naman talagang aktres ang bida doon. Anyways, naka-civilian attire lang ako noon, since wala namang pasok ngayon. Natripan ko rin noon na magsuot ng bonnet. Nitong mga nakaraang araw kasi, hindi ako gumagamit. Nataon pa ngayon na medyo gloomy ang kalangitan.
"Ma, una na po ako!" sigaw ko kay Mama na naghahanda pa noon ng agahan para sa tatlo kong kapatid.
Hindi ko na siya hinintay pa noon na sumagot dahil nga kailangan ko na talagang makaalis. Isa pa, kinukulit na rin ako ng lecheng kupal na 'yun. Paano, may gusto raw siyang sabihin regarding sa project namin sa Physics.
Mga two minutes na lang before 9 AM na ako nakarating sa Theater Room. Nandoon na rin si Sir Andrada, kasama ang isang sophisticated na babae. Naka-leather jacket pa ito, kaya kahit akong girlaloo, nabibighani sa kanya.
"Good morning, Sir, Ma'am. Sorry, I'm late po," bati ko sa kanilang dalawa.
Tipid naman akong nginitian ng babae, habang binati naman ako ni Sir pabalik. Busy ang lahat noong mga oras na iyon sa pagbabasa ng kani-kanilang mga script. Ang mga na-assign naman sa Technical Team ay may kany-kanya ring businesses. Agad naman akong naupo noon sa gitna ng kambal. Hindi na rin nila ako nakuhang batiin dahil busy din sila sa pagbabasa. Buti na lang talaga at nabasa ko na ang script ko at kabisado ko na rin. Siguro, sa tamang execution ng feelings na lang ako mahihirapan.
Maya-maya pa ay nagsimula nang magsalita si Sir.
"Class, this is Ms. Bridgette Louise Monsanto, ang magiging direktor sa mga gagawin ninyong play sa buong taon," pagpapakilala ni Sir sa kasama.
Ngumiti naman si Direk saka nagsalita. "Hello, guys! Kanina ko pa kayo pinagmamasdan, at I hope, talagang binuhos ninyo ang dedication ninyo para sa play na 'to."
Binigyan muna nila kami ng ilang minuto para makapaghanda kami. After that, agad kaming pinadiretso sa Amphitheater, katabi ng Theater Room. Doon daw kasi kami magpapraktis. Isa pa, para maramdaman na raw namin ang ambiance ng venue.
"Goodluck talaga sa akin nito. Hoo!" Ciara exclaimed. Oo nga pala, marami rin pala siyang part sa play. Silang dalawa, actually, ni Jake.
"Kaya mo 'yan, Cia!" pag-cheer namin sa kanya ni Lala.
"Huwag na kayong maingay. Papasok na rin sina Sir at Direk," saway naman sa amin ni Cielo.
Alam niyo ba ang nagyari habang nagpapraktis? Katakut-takot na sermon lang naman ang inabot nami kay Direk B. Pinakakawawa noon si Ciara dahil hindi daw satisfied si Direk sa akting niya. Mas lalo tuloy kaming kinabahan.
"Girl, pabebe ka masyado! Take note, malaki ang pagkakaiba ng pabebe sa mahinhin! Ayusin mo 'yan!" sabi pa ni Direk kay Ciara.
Awang-awa kami ni Lala sa kanya noong mga oras na iyon. Paano kasi, kung kami ang nasa kalagayan niya, baka kanina pa kami na-butthurt.
"Jake, nag-agahan ka ba? Bakit ang lamya mong umarte? Ayusin mo rin 'yan!" sigaw naman ni Direk kay kupal.
Tila wala namang pakialam si kupal doon. Pero, in fairness naman sa kanya, nag-improve ang akting niya ngayon, kaysa noong unang salang niya.
Dumaan ang mga oras na puro sermon ang inabot namin kay Direk. Wala namang magawa noon si Sir Andrada kung hindi ang mangiti na lang o kaya mapailing sa mga nangyayari. Ang nangyari tuloy, lahat ng casts ay nagkaroon ng impromptu monologue sa harap. No'ng turn ko na..
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)