SPECIAL CHAPTER C
[JOEL:]
Sa buong biyahe namin papunta sa Ilocos, kapansin-pansin ang pagiging tahimik ni Jake. Naku, obviously, dahil ito doon sa ginawa ko para ma-provoke siya. Tila wala namang pakialam ang iba sa nangyari sa kanya. Isa pa, hindi naman kasi halata, e. Sweet pa rin naman ang gestures niya sa akin. Well, sa kilos lang talaga. Kainis, bakit naman kasi napakapakialamero ko! Hindi ko na dapat inungkat pa ang tungkol doon, e. Hindi sana magiging ganito ang mood niya.
Hapon na nang makarating kami sa rest house namin. Napanatag naman ako kahit papaano dahil medyo naging alive na si Jake. Pinilit ko na lang din ang sarili kong huwag nang ungkatin iyon. Kahit naman walang taguan ng sikreto, siyempre there's an exception in every rule. Hihintayin ko na lang siguro 'yong pagkakataon na siya na mismo ang magko-confess ng bagay na iyon sa akin---kung saan alam kong kumportable na siyang ikwento iyon sa akin. Mas magaan siguro iyon sa kalooban namin pareho kaysa naman pinilit ko nga siya pero nagtalo lang kami afterwards. Bawal muna ang pabebe ngayon.
"Same rooms tayo!" Jonathan exclaimed. Dali-dali naman kaming tumungo sa naging kwarto namin the last time we've been here.
Tahimik namang sumunod sa akin si Jake. Doon ko lang naalala na hindi pala kami ang magkatabi the last time.
"Okay lang bang magkatabi tayo?" tanong ko sa kanya. Weird. Bigla akong nailang sa kanya.
Imbes na sagutin, bigla ako nitong inakbayan saka sabay naming tinahak ang hagdanan papunta sa kwarto.
"Huy," pagtawag ko pa ulit sa kanya.
"Tinatanong mo pa, e alam mo naman ang sagot. Tss." Ugh. That same old expression.
"Nagtatanong lang po baka kasi ayaw mo akong katabi ngayon. Ayaw ko namang mag-expect. Tch." Ginantihan ko rin siya with my favorite expression.
"Ah, gano'n?" Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin. Halos yakapin na nga ako, e.
Pero tatanggi pa ba ako?
Nang makarating sa kwarto, nabungaran namin sa katapat na kwarto sina Jonathan at Calvin nasa kanya-kanya na nilang p'westo noon. Kinawayan lang nila kami noon, bago kami tuluyang pumasok sa katapat na kwarto. Napangiti naman ako. Kaming dalawa lang talaga rito. At least, solo ko siya ngayon. Wait, hindi ba parang ang perv lang ng statement ko? Anyways, I don't mind. If ever man na may mangyari sa amin, at least, hinanda ko na ang isip ko sa mga gano'ng bagay. Isa pa, kilala ko naman itong kupal na 'to. Hindi naman siya gano'ng klaseng tao. Hindi siya gagawa ng bagay na ayaw ko at ayaw ko pa.
"Mauna ka nang magbihis para ma-relax ka na," utos niya sa akin nang mailapag niya ang mga gamit namin.
"Paano ka?" tanong ko pa.
"Ano'ng paano ako? P'wede naman akong magbihis dito. Saka isa pa, ilang beses mo naman nang nakita abs at ito.." sabay turo sa bandang crotch area niya. "I don't mind, my love."
"Perv!" Tang ina, namumula na ako panigurado sa sobrang pagka-blush. Bakit kasi kailangan pa niyang ipaalala iyon, e!
Again, natawa lang siya. Agad akong pumasok sa loob ng banyo, saka iyon ni-lock. Mahirap na. Hindi na rin ako nagtagal noon kaya pagkalabas ko, nakahinga ako nang maluwag. Bakit? Tapos na rin siyang magbihis at nakahiga lang ito sa may kama habang nakatingin sa kisame. Iniisip niya siguro 'yong nangyari kanina. Sigh, ano pa nga bang gagawin ko? E 'di humingi ng tawag.
Agad ko siyang tinabihan noon sa kama. Awtomatiko naman niyang in-stretch ang kaliwang kamay niya para maging unan ko. Pagkahiga roon, agad niya iyong iniyakap sa akin habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kisame. Napabuntong-hininga naman ako bago magsalita.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)