MISSION #29

12.4K 416 21
                                    

MISSION #29

[JAKE:]

Nakakainis lang itong baklang ito. Hindi na nag-reply sa text ko. Tss. Hindi ba niya naiisip na naghahanap ako ng kausap? Oo na, kanina pa ako nabuburyo rito sa bahay. Paano, wala naman akong ginawa rito kung hindi ang humilata at magpahinga. Sa kalagitnaan ng pagtingin ko sa phone ay may biglang kumatok.

"Oy, Jake! Baba na raw, sabi ni Tita. Kakain na tayo." Tss, si Jen lang pala.

"Tss, susunod na!" sigaw ko mula sa pwesto ko.

Tumayo na rin ako noon para lumabas. Ngunit, napahinto rin ako dahil biglang nag-ring ulit ang phone ko. Agad ko iyon kinuha at binasa ang bagong dating na mensahe.

From: Joel Mari Ballesteros
P'wede ba akong makitulog sa inyo ngayon? Please.:'(

Saglit akong napahinto habang binabasa iyon ng paulit-ulit. Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng tuwa dahil doon. Ayos lang naman kung dito siya makitulog sa amin. Malaki naman ang kwarto ko. Idagdag pa na nakasama ko na rin siya sa isang kama. Wala na rin sigurong malisya iyon, 'di ba? Agad akong nag-reply doon.

To: Joel Mari Ballesteros
Ge. Sunduin kita sa palengke. 7Eleven

Dali-dali akong bumaba noon para pumunta sa 7Eleven. Naabutan ko pa noon sina Mama na naghahain na ng hapunan.

"Ma, dito makikitulog si Joel. Susunduin ko lang siya," paalam ko kay Mama.

Nabigla naman siya roon. "Ha? E-Eh 'di sige. Dumaan na rin kayo sa store doon at bumili ka ng 1.5 softdrink."

Tumango na lang ako at lumabas na noon. Lakad takbo na ang ginawa ko noon para agad makarating sa 7 Eleven. Tss, ang weird lang nitong kinikilos ko. Isa pa, nag-aalala din ako sa kanya dahil baka napaano siya. Sabi nga niya, nasa party sila ngayon. Wala pa siya noong nakarating ako sa 7Eleven, kaya ni-text ko siya.

To: Joel Mari Ballesteros
Nandito na ako sa 7Eleven. Hihintayin kita.

Bumili muna ako roon ng makakain para sabihin naman ng mga nagtatrabaho roon na hindi lang ako tambay doon. Mga sampung minuto pa siguro ang lumipas nang matanaw ko na sa hindi kalayuan si Joel. Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala noon sa kanya. Maluha-luha pa kasi ang mata niya noon. Ano kayang nangyari? May kinalaman kaya ito sa Papa niya?

"Ano'ng nangyari?" agad kong tanong sa kanya nang makapasok siya.

"W-Wala. Tara na, please?" naluluha pa rin niyang sagot.

Hindi ko na siya pinilit pa at naglakad na rin kami pauwi. Nakaramdam naman ako ng awa kaya in-offer ko sa kanya ang panyo ko.

"Salamat," tipid niyang sagot.

Mukhang nahimasmasan naman na siya noong nakarating na kami sa bahay. Mukhang ayaw niyang ipakita kina Mama. Mamaya ko na lang siya siguro pipilitin na magkwento. Tss, umiiral na naman itong weakness ko na 'to -- ang maging concern sa kahit kanino, kahit na wala akong nakukuhang kapalit. Tss.

"H-Hello po, Tita!" nakangiti niyang bati kay Mama, saka nagmano. Magaling sa pag-arte. Tss.

"Hello, Joel!" Sabay baling sa akin. "Jake, samahan mo muna siya sa taas para makapagbihis na siya. Pahiramin mo muna siya ng susuotin."

"Tss, Ma, mukha bang magkaparehas ang built namin?"

"Punyeta. Huwag mo akong tinatangang pastilan ka. Dali na," sabi pa ni Mama.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon