MISSION #37

13.2K 354 4
                                    

MISSION #37

[JOEL:]

Umuwi ako sa bahay ng wala sa sarili. Paano, kasalanan ito ng kupal na si Jake. Sino kayang hindi maiinis sa kanya, e kung anu-ano ang pinagsasasabi kay Sir Andrada. Idagdag pa ang panggagatong ni Sir sa amin. Naaasar pa rin ako, kahit pa sabihin na biro lang iyon. For goodness' sake, wala pa sa isip ko ang mga bagay na pinagsasabi niya!

"Oy, what's with that face?" Napapitlag ako nang may tumapik sa balikat ko.

Doon ko lang napansin na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Nasa gilid ko na ngayon si Calvin na kararating lang din. Hindi ko lang alam kung saan siya nanggaling. Mas una pa 'tong umuuwi sa akin, e.

"Uh, wala. Wala. Ba't ngayon ka lang? 'Di ba, kanina ka pa dapat nakauwi?" usisa ko rito. Paglilihis lang sa iniisip ko kanina. Baka asarin na naman ako nito. Feeling match maker, e. Bagay daw kami ni Jake. Sus ginoo!

Nagkibit-balikat lang siya. "Uh, sa school. Tambay sa Library. Kanina pa kita tinatawag pero ang layo ng iniisip mo."

Sinapok ko nga sa ulo. "Kung kanina mo pa ako tinatawag, dapat nilapitan mo na ako. Loko ka rin, e."

"Sorry na," aniya, habang hinihilot ang sentido.

Sabay na kaming pumasok noon sa loob. Doon ay naabutan namin si Jonathan na nasa mesa at kumakain. Tiningnan pa kami nito na para bang nabigla sa presensya namin. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kanya, although nakikita ko na hindi na siya nakasimangot sa akin o kahit kay Calvin.

"Uhh, hello, bro," nahihiya pang bati ni Calvin sa kanya. Marahil ay nahiya rin. Bigla tuloy akong  kinabahan. Ba't pa kasi pinansin nitong si Calvin, e.

Ngunit, gayon na lamang ang pagkabigla namin nang ngumiti siya saka binaling muli ang atensiyon sa pagkain. Kitang-kita iyon ng dalawang mata ko! Hindi ko alam kung ano ang iri-react ko noong mga oras na iyon. I'm totally speechless. Bumalik lang marahil ang atensiyon ko nang hilain na ako ni Calvin paakyat.

"You saw that!?" mahina niyang tanong sa akin nang makapasok kami sa kwarto.

Tango lang ang naisagot ko, saka ako napangiti. Magkakaayos na ba kami ng kapatid ko? Ugh, alam kong imposible pa iyon sa ngayon, pero malay natin, 'di ba? Siya lang naman ang hinihintay ko, e. Ako kasi, kahit naiinis ako sa kanya, kaya ko naman siyang patawarin. After all, kapatid ko siya. Agad na dumiretso noon si Calvin sa CR para magbihis. Ako naman ay naupo muna sa kama para i-check ang message na natanggap ko kanina habang nasa jeep. Hindi ko na nabasa, dala ng pagkalutang ko dahil sa mga nangyari kanina.

From: Justin Rodriguez
Dong, salamat daw sa pagpo-promote sabi ni Clay.:)

Kahit paano ay napangiti ako roon. Talaga kasing todo-promote ako para sa kanila. Aba, dapat lang! Best friend ko kaya 'yung kasali doon! Mabuti na lang kamo, wala kaming representative doon.

To: Justin Rodriguez
You're welcome, dong. Kailangan mong manalo kaya aja lang! HAHAHA.

Nagbihis na rin ako matapos niyon. Marami pa pala akong dapat asikasuhin. Tch.

______________________________________________________________________________

[CIARA:]

Agad kaming sinalubong ni Mama nang makarating kami sa bahay. Ang laki ng ngiti nito na akala mo'y may nangyaring maganda. Hmm? Bakit nga kaya?

"Hi, Ma!" masayang bati sa kanya ni Cielo, saka nagmano rito. Gano'n din naman ang ginawa ko.

"Dear, napaka-sweet talaga ng manliligaw mo!" tila kinikilig na sambit niya sa akin.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon