MISSION #64

8.8K 299 27
                                    

Guys, mayroon po akong bagong (bxb) story. Fall For You ang title. Sana, mabasa ninyo ang story nina Robert at Conrad.😂 #Promote

_______________________________________

MISSION #64

#Stalkers

[JAKE:]

"Insan, ano ba? Kanina pa ako nahihilo sa ginagawa mo, eh," reklamo sa akin ni Jen.

Hindi ko na lang siya sinagot noon. Instead, tiningnan ko na lamang siya ng masama, saka naglakad paakyat sa kwarto ko. Tangina, kanina pa ako hindi mapakali. Paano, tumawag ako sa bahay nina Joel kanina, at sinabi sa akin ni Calvin na sinundo ni Calyx ang dahilan ng pagtawag ko roon. Alam kong napag-usapan na namin ito ni Calyx, pero wala, e. Parang ewan din itong puso ko. Labis-labis kung ma-paranoid. Pagkapanhik sa kwarto ko ay saglit kong in-open ang aking PC para malibang kahit paano, pero wala talaga. Nag-post pa ng photo nilang dalawa si Calyx. Nakaakbay pa ito sa mahal ko. Tangina talaga, malaman ko lang kung nasaan sila, hindi ako mangingiming sundan sila. In-off ko na lang noon ang PC ko dahil wala talaga ako sa mood. Naisipan ko na lang mahiga sa kama, saka in-on ang MP3 Player ko. Tama, magsa-soundtrip na lang ako, at baka sakaling ma-divert ang atensiyon ko. Wala naman sigurong gagawing masama 'yung ungas na 'yun kay Joel. Sana, dahil once na malaman ko lang na mayroon, hindi ako mangingiming hindi siya sapakin.

Dahil sa pag-iisip kong iyon, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Napamulat na lamang ako dahil sa kapatid kong kanina pa pala ako ginigising.

"Kuya, kain na raw po tayo ng lunch," mahinahon nitong anyaya sa akin.

Nakapikit man, sinagot ko naman ito na susunod na lang ako. Saka pa lang ako nagmulat noon nang isara nito ang pinto. Alas-dose na pala ng tanghali, pagkatingin ko sa orasan. Agad-agad akong nag-open ng browser sa aking phone para makakuha ng updates sa kanilang dalawa, and luckily, mayroon. Nasa Marquee Mall sila sa may bandang Angeles City. Nabuhayan ako ng loob dahil doon. Hindi naman sila siguro aalis agad, 'di ba? Susundan ko sila, pero it doesn't mean na magpapakita ako. In short, magpapaka-stalker lang ako. Kaysa naman napapraning ako rito sa bahay, e 'di sundan ko na lamang silang dalawa. Agad akong bumaba noon para kumain ng tanghalian. Wala si Mama noon dahil kinailangan niyang mag-overtime sa trabaho, kaya naging madali lang sa akin ang gagawin kong plano. Matapos kumain, dumiretso na agad ako sa kwarto para makapagpahinga saglit at nang makapagbihis na. Mga bandang 1:30 PM, umalis na ako sa amin. Hindi naman ako natagalan sa biyahe dahil Sabado naman ngayon at wala masyadong trapik.

At, kung siniswerte ka nga naman. Agad ko silang nakita sa resto sa may bungad ng mall. Pasimple lang ako noon na pum'westo sa gilid para pagmasdan sila. Gaya nga ng pinangako ko kanina, magpapaka-stalker lang ako. Wala akong balak na magpakita sa kanila. Maganda rin ang napili kong lokasyon dahil hindi ako pansin ng mga tao na naglalakad ngayon dito. Isa pa, tanaw na tanaw talaga silang dalawa mula rito. Kulang na lang siguro 'yung marinig ko ang usapan nila.

Sa kalagitnaan ng pag-oobserba ko, biglang nag-ring ang phone ko. Si Calvin lang pala. Agad ko naman iyong sinagot.

"Ano'ng problema mo?" tanong ko agad sa kanya. Wala nang hello hello sa amin. Sanay naman 'yan sa akin, e.

"Nasa Marquee Mall sina Joel," aniya.

"Alam ko." Napailing na lang tuloy ako.

"What? Paan--" tanong pa sana niya, pero inunahan ko na.

"Sa Facebook. Nag-post si Calyx," sagot ko sa kanya.

"O, ano pa'ng ginagawa mo?" tanong pa ng istorbo.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon