SPECIAL MISSION B

6.8K 190 9
                                    

SPECIAL MISSION B

[JOEL:]

Maaga akong nagising kinabukasan. Well, siguro ay dala ng sobrang excitement sa katawan ko kaya ganito. Nag-offer muna ako ng maikling morning prayer bago ko pinagmasdan itong kupal na katabi ko ngayon. Solo kasi namin itong kwarto dahil nag-decide sina Cassie, Calvin at Jonathan na sa sala na lang sila matutulog. At first, kinontra ito ni Papa pero dahil sa pagpipilit ng tatlo, wala na rin siyang nagawa. Sinasama nga nila kami, actually pero humindi itong si Jake. Hindi ko lang alam kung ano 'yong binulong niya kay Calvin para hindi na nila kami pilitin. Nauna na akong pumasok noon sa banyo para chillax na lang ako mamaya. Hindi na rin ako nagtagal noon dahil nga may kalamigan ang tubig. Saktong pagkalabas ko ay gising na rin si Jake. Good thing, nakapagbihis na ako sa banyo kanina pa.

"Morning," mahina niyang bati sa akin habang pasuray-suray pa.

"Good morning, my love!" masaya kong bati sa kanya, saka siya nilapitan at hinalikan sa pisngi niya.

Gosh, bakit ba ang gwapo gwapo nito kahit bagong gising? Medyo nahiya naman ako sa kanya ng kaunti dahil nga mukha akong bisugo every time na bagong gising aketch.

Agad naman niya akong kinulong sa mga bisig niya. "Ba't ang sweet mo yata sa akin ngayon?" nakangisi niyang tanong sa akin.

Hinaplos ko naman ang kanyang mukha noon saka ngumiti. "Kasi po ang gwapo niyo po saka po mahal ko po kayo." O 'di ba, galawang pabebe lang? Nakakainis, nagiging ganito lang ako dahil sa kanya.

"I love you more, my love," sincere niyang tugon sa akin, saka ako niyakap ng mahigpit.

Matapos ang aming---err, sweet moment, hinayaan ko na muna siyang mag-ayos ng sarili niya roon. Agad akong bumaba noon para tulungan sina Mama sa paghahanda ng pagkain. Nabigla pa ako noon nang maabutan silang busy sa kanya-kanya nilang businesses. Sina Mama at Tita, busy sa paghahanda ng agahan at babaunin namin; sina Jonathan at Calvin, tinutulungan sina Papa na mag-ayos ng mga gamit sa van; si Cassie, inaalagaan si Kendrick habang nanonood silang dalawa ng Dora the Explorer. Kina Mama na lamang ako dumiretso noon.

"Morning, Ma. Morning, Tita," bati ko sa kanilang dalawa.

"Morning din," sabay pa nilang bati.

Dahil halos patapos na sila, ako na lamang ang nag-ayos ng hapag saka naglagay ng mga pagkain sa mga tupperware doon. Ilang saglit pa'y tinulungan ako ni Jake. Napa-tsk pa ako dahil ginaya pa ang outfit ko---'yong parang nakapambahay lang tapos mayroong suot na hoodie?

"Ayos ba?" mahina niyang sabi sa akin.

"Tch," naisagot ko lang.

"Okay lang 'yan. Ayaw mo ng couple shirt, e. E 'di at least, parehas tayo ng get up," dagdag pa niya.

Maya-maya pa'y pinatawag na sa amin ni Mama sina Papa para makakain na kami. Si Mama ang nag-volunteer na magdasal ngayon. Ewan ko lang kung bakit. Dahil halos inaantok pa sila, halos walang nagsasalita. Wala rin naman akong ganang magsalita noon dahil nga medyo inaantok din ako. Nang matapos ay si Mama na ang nag-volunteer na maghugas ng pinagkainan. Mag-vo-volunteer sana ako pero ayaw niya. Hindi pa raw kasi siya nakakapagbihis kaya siya na lang daw.

"Si Mama talaga, o," natatawang untag ni Jonathan.

"Heh! Doon na kayo at baka madumihan pa kayo rito," saway niya sa amin.

Imbes na umalis, niyakap pa namin siya. Actually, kaming apat na magkakapatid. Sinamahan kasi ni Jake si Tita sa taas para tulungan siya sa pag-aayos kay Ken. Nabigla pa kami nang lapitan kami ni Papa.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon