IMPORTANTENG MABASA ANG LAST PART. SASAPAKIN KO HINDI MAGBASA NIYON. K? K.
___________________________________________________
MISSION #44
[JAKE:]
Nang maihatid ko siya sa bahay nila-- gaya nga ng ipinangako ko kay Tita Alicia-- naglakad na rin ako pabalik sa main road. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis dahil hindi ko na naman naamin itong pesteng nararamdaman ko para sa baklang iyon, o matuwa dahil alam kong nagawa kong pasayahin ang araw niya. Ginabi na rin kami sa paggagala. Doon na nga rin kami nag-dinner, e. Siyempre, ako na talaga ang nanlibre. At, this time, ako na rin ang nasunod. Naaalala ko pa rin kung paano ko siya napasaya noon sa ambiance ng bagong bukas na resto sa gilid ng Skyranch. Italian-inspired iyon, na mayroon pa ring pinoy touch. Namangha pa kami dahil ang ayos ng loob-- bagay pa ang music. Perfect timing na rin iyon para sana masabi ko na ang intensiyon ko sa kanya.
"Libre mo ba talaga ito, Jake? Naku, nakakahiya naman. Mukhang pang-rich kid lang itong resto n--"
Inunahan ko na siya. "Hindi kita dadalhin dito kung wala rin akong pera. Tss. Mag-isip ka nga."
"Tch, sorry! Sorry! Tao lang. Hindi na ba ako entitled na magkamali?" mataray niyang sagot sa akin. Tss, pasalamat talaga siya't mahal ko siya. Ako ang nahihiya sa pagsigaw-sigaw niya, e.
"Tss, tara na. Mayroon ditong magandang p'westo. At, huwag ka nang mag-alala dahil kakilala ko 'yung manager nito," pag-a-assure ko sa kanya-- na totoo naman.
Kaibigan iyon ni Mama. Actually, alam ni Mama itong pakulo kong ito. Tss, aksidente niya kasing nabasa 'yung mga pesteng notes na naiwan ko sa study table ko noong nakaraan-- kung saan ko pinagsusulat 'yung mga plano ko. Siya na rin ang kumontak dito sa kaibigan niya dahil gusto nga niya na maging memorable itong araw-- gabi na ito. Tss, tanghali dapat ito, e. Pasaway lang talaga itong kasama ko dahil ang dami niyang concerns sa buhay. Akala mo naman, iiwan ko siya sa ere. Agad naman kaming nakita ng waiter doon, at hinatid kami sa desired seat namin. Lalo pa kaming namangha nang may maabutan kaming mga violinists doon. Canon in D ang pinapatugtog nila, na lalo pang kinamangha ko.
"Ang ganda naman dito, kahit hindi appropriate 'yung porma natin. Hihi," kumento pa niya noong nakaupo na kami.
"Hindi naman bawal ang ayos natin dito, don't worry," ssgot ko na lang.
Agad naman kaming inasikaso ng waiter namin. Sakto pa noon at lumabas ang kaibigan ni Mama para kamustahin ako at si Mama. Dagdag pa nito, siya na raw ang bahala sa mg in-order namin. Aalma pa sana ako dahil mayroon naman akong pambayad, pero tinawag na siya ng isa sa mga staff niya't iniwan na kami roon.
"Wow! Kaya pala ang lakas ng loob mong dito tayo kumain, ah?" May pangisi-ngisi psng nalalaman itong kaharap ko. Akala naman niya, wala akong pera.
"'Lul. May pambayad ako kahit hindi iyon nag-offer," nakakunot-noo kong sagot sa kanya noon.
Agad na ring dumating ang appetizer namin. Soup lang naman iyon saka bread sticks. Ito namang kasama ko, hindi pa nakuntento't naisipang manguha ng litrato kasama ako. Mema lang. Memaipagyabang sa Facebook. Tss. Pero, on the other hand, magandang opportunity na rin iyon para naman magkaroon kami ng remembrance dalawa. Sa pagkakaalam ko, wala pa kaming litrato na kaming dalawa lang. Ayaw ko namang mag-initiate dahil.. alam niyo na. Kaya, kahit okay sa akin ay umakto na lang ako na parang napipilitan. Doon naman ako magaling, e-- magpanggap.
Tuwing nadadagdagan ang mga pagkain ay panay din ang kuha namin ng litrato. Tila hindi na rin namin alintana kung may mga pumuna sa akin. Nahawa na rin ako rito sa kasama ko't ako pa ang nagpupumilit sa kanya. Natapos lang siguro iyon noong natapos kaming kumain. Kasabay niyon ay ang paglapit ulit sa amin ng kaibigan ni Mama.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)