MISSION #22
[JOEL:]
Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang makitulog sa amin si Jake. Ang hindi ko lang alam, paano niya napaamo si Papa? Grabe, parang mas anak pa nga ang turing niya roon, e. Well, hindi naman ako nagtatampo. That's none sense. Isa pa, matagal ko na ring tinanggap na hindi ako kayang tanggapin ni Papa. Sayang effort, 'no.
Maaga kaming pumasok ngayon ni Calvin. Pareho pa kaming inaantok noong mga oras na iyon. Paano, mayroong seminar daw ngayon. Isa pa, late na ring na-send ni Jake ang anunsiyo. As usual, late magbigay ng announcements ang school admin.
"May idea ka ba sa mangyayari mamaya?" tanong ni Calvin sa akin. Kakasakay lang namin sa jeep ngayon.
Umiling ako. "Wala, e."
Nang makarating sa school ay sabay na naming tinahak ang daan papunta sa auditorium. Nasalubong pa namin noon si Justin, kasama ang kaklase niyang babae.
"Dong, meet Clay. Kaklase ko siya," pagpapakilala niya rito. "Clay, si Joel. Siya 'yung kinikwento ko na kaibigan ko."
Nginitian naman ako ni Clay. "Hello, Joel! Nice to meet you!"
"Hello, Clay! Same here. Nga pala, si Calvin, kapatid ko," pagpapakilala ko naman sa kapatid ko. Nagngitian naman sila.
Agad kaming humanap noon ng mauupuan. We also decided na kami na lang apat ang magkasama.
"Justin, hindi mo ba nakita 'yung bruhang Trixie?" tanong ko sa kanya.
"Hindi daw siya papasok ngayon dahil may family matters daw sila ngayon," sagot naman nito.
Maya-maya pa ay may biglang tumabi kay Calvin. Hindi ko na pinagtuunan ng pansin dahil inaantok pa talaga ako. Parang lumilipad ang isip ko noong mga oras na iyon. Hanggang sa namalayan ko na lang na parang matutumba ako.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakaidlip. Basta, parang tinatamad pa ako noon na dumilat. Paano, ang kumportable lang ng p'westo ko. Idagdag pa na ang bango nito. Saka ko lang naisipan dumilat nang medyo gising na ang diwa ko. Doon ko lang napansin na nasa clinic pala ako. Doon ko pa lang din napansin na nakayakap pala ako kay-- kupal!? Paanong-- okay, ang OA ko lang mag-react. Mukhang nakaidlip din ito. Akma ko na sanang tatanggalin ang kamay niya na nakayakap sa akin, ngunit lalo lang niya itong hinigpitan. Jusmiyo, bakit nandito ba itong kupal na ito!?
"Kanina mo pa ako niyayakap. Ni ayaw mo nga akong hiwalayan kanina, e. Bumabawi lang ako," bulong niya sa akin.
Hindi ako nakaimik doon. Hala ka!? Siguro, no'ng dinala ako rito, kanina pa ako nakayakap sa kanya.
"At, kung nagtataka ka pa, ako ang nagdala sa'yo rito. P'wede, umidlip muna tayo? Nilalamig ako, e," dagdag pa niya.
"Oo na lang," sagot ko sa kanya.
So, gano'n na nga ang nangyari sa aming dalawa. Naidlip muna kami habang nakayakap siya sa akin. Oo! Sa akin! Heck no!? Hindi ko siya niyakap! Wala naman kasi ako sa ulirat kanina, kaya hindi 'yun counted. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na gano'n ang posisyon, pero ako na rin ang unang bumitaw.
"Bakit?" tanong niya sa akin no'ng tumayo ako.
"Mag-a-alas dose na. Bibili lang ako ng pagkain natin. Nasaan ba 'yung nurse?" tanong ko sa kanya.
"Nakipag-meeting regarding Nutrition Month," halos pabulong niyang sagot.
Bago lumabas, ni-check ko muna ang temperature niya. 37.5℃. Medyo nakakaalarma nga.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)