MISSION #62

9.8K 313 16
                                    


MISSION #62


[JOEL:]


I decided na huwag nang pumasok sa afternoon class ko since pinayuhan naman ako ng nurse na bantayan ko na lang noon si Justin at magpahinga na rin muna. Siya na raw ang bahala sa mga teachers ko roon. Maiintindihan naman ako ng mga iyon siguro, ano. Isa pa, hindi ko rin kayang iwan dito ang best friend ko, lalo na't wala pa rin kaming ideya kung sino ba talaga ang gumawa niyon sa kanya. Papikit na sana ako noon nang biglang may kumatok. Agad tuloy akong tumayo mula sa kama katabi ng kay Justin para buksan iyon. Napakunot ang noo ko noon dahil hindi ko kilala kung sino ito. Marahil ay kaklase ni Justin.


"H-Hi," nauutal nitong bati sa akin. Teka, parang pamilyar ang hitsura nito sa akin? Uh, nevermind.


"Hi din. Ano 'yun?" nakangiti kong tanong sa kanya. Cute din naman itong isang ito, pero hindi ko type. Bagay sila ni Trixie, since pareho silang singkit.


"Pakibigay naman ito sa kaibigan mo. Mukhang nasira ang salamin niya, e.." Sabay abot sa akin ng bagong salamin. Halatang sinadya pa ito sa mall, since bagong bili pa lang ito.


"Oh, okay." Kinuha ko naman iyon, saka nilagay sa ibabaw ng mesa. "Ayaw mo ba siyang lapitan?" alok ko sa kanya.


"Nah, huwag na. Baka makaistorbo lang ako sa kanya, e," untag nito, saka nagpaalam nang umalis.


Agad akong bumalik noon sa p'westo, but sad to aay, hindi ko na makuha pa ulit 'yung antok ko. I decided instead to review my notes in Math since Lala informed me that we will be having a quiz tomorrow. Mukhang wala yata ngayon si Ma'am, e. Anyways, patapos na ako noon nang biglang gumalaw si Justin—dahilan para tumalima ako agad. Eventually, nahinto rin ito, kaya napabuntong-hininga na lamang ako, kaya binaling ko na lang ang focus ko sa pagdutdot sa aking phone.


Maya-maya pa, bumalik ang nurse, kasama ang doktor na sumuri kay Justin kanina. Mukhang ichi-check ulit nila ang kalagayan ni dong.


"Kamusta na siya?" tanong ng doktor sa akin, habang hinahanda ang kanyang ballpen at papel. Marahil ay para i-record ang mga naging obserbasyon ko.


"Ayos naman po, dok. Nga po pala, gumalaw na po siya kanina," inform ko sa kanya.


Napansin ko naman ang pagngiti niya, so I grab the chance to ask her. "Okay na po ba siya?"


"Yup. Nabigla lang marahil ang kanyang katawan that's why nawalan siya ng malay. Wala rin naman kaming nakitang fracture sa kanyang katawan. Teka, wala ka ba talagang ideya kung sino'ng p'wedeng gumawa niyan sa kanya?" usisa pa ni Dok sa akin. Mukhang serious scenario nga ito, since wala naman akong nababalitaang fraternity dito sa school.


"Naku.." Napapakamot ako ng sentido noong mga oras na iyon. "Hindi ko po alam, Dok. Tinext lang po niya kasi ako kanina na nandoon daw po siya sa greenhouse, e," paliwanag ko sa kanya.


"Gano'n ba?" Napapatango noon si Dok, tila sinusuri kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo. "Kailangang makarating ito sa Guidance Office para managot ang sinuman na gumawa nito. Na-inform na rin namin ang mga magulang niya. Maiwan muna namin kayo rito," paliwanag nito sa akin, bago lumabas sa loob ng room na iyon.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon