MISSION #42
#Surprise!!
[JOEL:]
Ako na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo dahil finally, nairaos na namin ang aming First Periodical Examination. Jusko, halos maubos ang aking mga brain cells kakaaral sa mga lecture na 'yan! Anyways, sa mga nakalipas na araw, ang dami kong hinarap na mga problema. Minsan nga, naisip ko nang sumuko, e. Pero hindi. Kaya ko pa. Hindi madaling matibag ang isang Joel Ballesteros. Si Calvin? Ayun, at napilit ko ring bumalik na sa bahay. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya, baka ganoon din ang ginawa ko. Punyemas naman kasi si Jonathan. Napaka-insensitive ng gago. Alam na nga niyang hindi pa rin masyadong nakaka-move on itong isa sa pagkawala ng nanay niya, gano'n pa ang sinabi. Seriously, nakumpronta ko siya that time. Well, hindi na ako nakapagpigil, e. Parang hindi na siya 'yung Jonathan na kapatid ko. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Pero, wala naman akong magawa. Lahat ng bagay sa mundo, nagbabago as time passes by.
And speaking of pagbabago, ito, ha? Hindi ko alam kung ako lang, pero sa mga nakalipas na araw, nakikita ko ang mga pagbabago sa kilos ni Jake. Kaloka, ngayon ngayon ko lang siya nakitang ganoon ka-alive. Seryoso, iba ang aura ng kupal na 'yun ngayon. Masyado nga siyang hyper, e. Kahit ako, inaasar asar na niya ngayon-- na napakabihira niya lang gawin. What I mean is, iba itong mga pang-aasar niya sa akin, e.
At doon ako naloka ng bongga!
Aba, iasar ba naman sa akin na may crush ako sa kanya!? The heck lang, 'di ba!? Ang kapal lang ng mukha!
Pero, secret lang ito, ah? Oo, may crush ako sa kanya. Aba, crush lang naman! Saka, sa kanya lang naman ako nakakaramdam ng boom badoom boom boom na feeling, e. Kaloka. Sasapakin ko magpakalat niyan! Pero, seryoso. Ayaw ko munang malaman niya. Bakit? Sasaluhin ba niya ako if (and only if) ever na aminin ko iyon sa kanya? Hindi naman, 'di ba? Sa huli, ako pa rin ang agrabiyado. Ako pa rin ang pinakamasasaktan. Isa pa, nagpapaka-realistic lang ako. Rare scenario lang kasi 'yung mayroong isang tao na magkakagusto sa baklang katulad ko. Isa na sa rare scenario na iyon si Cielo. Tch, jusko. Isa pa siyang problema ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya?
"Huy, bakla!"
Napapitlag ako nang bigla akong hampasin ni Lala sa balikat-- dahilan para bumalik ako sa ulirat. Masyado na pala akong naki-carried away sa mga pinag-iisip ko. Pero, kingina lang! Ang sakit ng pagkakahampas ni Lala!
"Problema mong babaita ka!?" paanas kong tanong sa kanya. Kainis. Panira ng moment.
"Hoy, ikaw ang may problema!" Pumangewang pa noon ang bruha. Gagang ito!? "Kanina pa kita tinatawag, tulaley ka pa rin diyan!"
Agad akong napatingin sa paligid ng room. Kami na lang pala ang tao rito. Ay, tanga! Minsan talaga, Joel, o.
"Ay, sorry! Taralets?" sabi ko sa kanya habang nag-aayos ng mga gamit.
"Gagang 'to. Samahan mo muna ako. Don't worry, malapit lang naman sa inyo 'yun. Hindi natin kailangang lumayo," sabi ko sa kanya.
Napakunot naman ang noo ko noon. Abnormal na Lala 'to. Pero, 'di bale. Inanyaya naman niya ako, e. Isa pa, 'yung effort niya pa lang na hintayin ako rito. Wala namang masama kung sasamahan ko siya.
Agad na kaming naglakad noon palabas sa school. Wala na rin halos estudyante na pakalat-kalat. Kung sabagay, Friday ngayon. Idagdag pa na malapit na ring mag-DST, kung saan iri-reduce ang oras ng klase since mabilis na ngang magdilim ang kalangitan sa mga panahong ito. Nang makasakay kami sa jeep ay napansin ko ang panay na pagdutdot ni Lala sa phone niya. Marahil ay 'yung sa pupuntahan namin ngayon. Since wala namang balak na makipagdaldalan ng bruha sa akin, nag-soundtrip na lang ako. At least, hindi ako nabuburyo sa biyahe.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)