Guys, hindi ako galit sa sinabi ko last update. Sinasabi ko lang na hindi sa lahat ng pagkakataon, hindi ako busy at nakakagawa ako ng UD. Mahirap pong maging author, right? HAHA.:)
PS: Talagang hindi muna ako gumawa ng UD nitong mga nakaraang araw para hindi kayo mag-expect nang marami sa akin. Pero eto - as long as kaya ko, TWO UDs PER WEEK AKO.:)
PPS: Short UD lang ito kaya enjoy lang.:)
_________________________________
MISSION #27
[JAKE:]
Dahil wala naman akong gagawin kinabukasan, nagpaalam ako kay Mama kung p'wede akong pumunta sa bahay ng pinsan kong si Gino. Hindi naman kalayuan ang bahay nila. Ang kaso nga lang, hindi naman kami makadalaw ng madalas sa kanila dahil nga sa busy din kami sa kanya-kanyang buhay. Isa pa, may hihiramin din akong mga libro sa pinsan ko na 'yun. Doon na rin ako makikitulog ngayong gabi.
"Ma, alis na ako," paalam ko kay Mama na nasa gate ng bahay namin. Mukhang may hinihintay.
"Sige, Jake. Mag-ingat sa daan. Saka, pakikamusta na lang kami sa mga Tito at Tita mo doon," bilin naman niya sa akin.
Tumango na lang ako noon saka lumabas na. Hindi pa naman gaanong madilim noon. Bigla ko tuloy naalala 'yung baklang iyon. Kahit sa paglalakad sa kalye na ito, ang ingay pa rin. Nakalunok yata 'yun ng megaphone, e. Nang makarating sa palengke ay naisipan ko munang mag-food trip. Kapag ganitong mga oras pa naman, ang dami nang nakalatag na paninda sa kalye. 'Yun nga lang, mas masaya sana ito kung may kasama ka. Tss, kahit papaano, nakaka-miss din pala 'yung baklang payatot na 'yun.
Hindi naman naging matagal ang biyahe ko papunta sa kanila. Mga 25 minutes siguro. Tss, dapat pala, dinala ko na lang 'yung motor ko. Agad naman akong sinalubong ng pinsan kong iyon. As expected, kasama na naman niya 'yung syota niyang bading (kahit lalaking-lalaki ang porma).
"Pare, ang bilis mo naman?" natatawa niyang tanong sa akin nang makapasok ako sa gate nila.
"Hindi trapik. Tss." Umiwas ako ng tingin doon sa syota niya. Kung hindi ako nagkakamali, Tom ang pangalan nito.
"Mauna ka na sa loob. Ihahatid ko lang itong myloves ko," nakangisi niyang sabi, na tila nang-aasar pa. Alam niyang naiilang pa rin ako sa gano'ng set up.
Hindi naman makuhang lumingon sa akin ng syota niya. Kung sabagay, alam pala nito na masama ang impression ko sa mga katulad niya. Agad naman akong pumasok sa loob. Doon ay naabutan ko sina Tita na naghahain na ng hapunan. Kasama niya noon ang nakababatang kapatid ni Gino na si Chloe.
"Magandang gabi po, Tita!" nakangiti kong bati sa kanila. Nagmano rin agad ako noon.
"Kaawaan ka ng Diyos, hijo. Maupo ka na rito at kakain na tayo. Mahuhuli raw ng uwi ang Tito Raul mo dahil marami silang tinatapos na reports sa opisina," nakangiti niyang sabi.
"Si Gino po?" tanong ko.
"Mauna na tayo. Hayaan mo na lang siyang sumunod sa atin dito. Hinatid pa niya si Tom, eh," sagot pa niya.
Patapos na kaming kumain noon nang dumating si Gino. Agad naman itong pumunta sa kusina nila para maghugas ng kamay, saka tumabi na rin sa akin.
"Napatagal yata ang paghatid mo kay Tom?" tanong ng Mama niya.
"Nagpa-load pa po ako, Ma," sagot naman ng gago kahit may laman pa ang bibig. Bastos talaga.
Si Chloe naman ang sumabat. "Baka sabihin mo, overprotective ka lang."
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)