MISSION #08
[JOEL:]
Wednesday. Hindi ko alam kung may conspiracy bang nagaganap, pero kami pa rin ni kupal ang partner sa dalawa pa naming subjects-- MAPEH, at Physics. The fvck lang. Bakit ba lagi na lang kaming pinagpa-partner?!
"Ma'am, please, makikipagpalit na lang po ako ng partner, basta payagan niyo lang po ako," pakiusap ni Jake.
"Opo, Ma'am. Ako rin po!" sabat ko rin. Aba, alangang ako ang nagmukhang kawawa. Hindi naman tama sa part ko 'yun. Isa pa, kilala ko 'tong kupal na 'to. Mag-a-assume na naman ito na baka gusto ko siyang ka-partner!
Hay! Oo na! May 1% naman na pagkagusto, pero mas mangingibabaw pa rin ang 99% na pagka-urat ko sa kanya!
Nabigla na lamang kami nang biglang sumabat si Cielo.
"Willing po akong maging ka-partner ni Joel, Ma'am. I think, willing din naman si JD na maging ka-partner ni Jake," aniya.
Nahinto na lang kami sa argumento nang magsalita si Ma'am. "Ang gulo ninyong apat! Para walang away, wala nang magpapalit ng partner! Ang lumabag, gagawin kong 65 sa Class Standing. Maliwanag?" Pumangewang pa siya noon.
Wala na akong nagawa noon kung hindi ang mapabuntong-hininga na lamang. Nakakapanlumo. Mukhang sumpa na 'yata ang pagtatagpo ng landas namin ni Kupal. Lagi na lang akong minamalas. Isa pa, parang sobra akong na-stress sa mga nangyayari. Wala na akong magawa. Nakakainis!
Bago matapos ang period namin sa Physics, isa-isa nang binigay ni Ma'am ang magiging report namin. Dispersion of light rays ang nakuha namin ni kupal. Napanatag naman ako dahil more on spectrum lang iyon. Pero, ang isa pang kina-badtrip ko ay ang katotohanang seatmate kami ng ungas na 'to. Paano kasi, ang in-arrange ni Ma'am ang seat plan namin. Ginawa niyang by partner ang magkatabi. O, 'di ba? Sobrang malas na ng araw ko?
"Bakla," bulong niya sa akin. "Paano ba 'yan. Tinodo na ng kalangitan ang kamalasan natin."
"Ulol!" nasabi ko na lang. Bumalik na rin kami noon sa kanya-kanya naming mga upuan para sa next subject-- Acting Workshop.
Since ngayon nga ay simula ng workshop namin, nawala na rin sa isip ko ang mga nangyari. No'ng Lunes pa kaya ako excited dito. Una na ngang na-discuss ang plot ng Theater Play namin para sa Buwan ng Wika-- na Noli Me Tangere. Ngayon na namin malalaman kung sino ang makakakuha ng lead characters.
"Class, makinig," ani Mr. Andrada. "For the character of Maria Clara, napili ng direktor na si Ms. Ciara Buenaventura ang gaganap."
Napatayo noon si Ciara sa sobrang pagkabigla. Natuwa rin naman ako dahil bagay sa kanya ang role. Lahat din naman, e. Filipinang filipina kasi ang dating ng skin color niya.
"For Crisostomo Ibarra, Mr. Jake Pangilinan," anunsyo pa ni Sir. Agad namang tumayo si Kupal papunta sa harap. "To be honest, kay Mr. Buenaventura dapat ito ibibigay, pero ang pangit namang tingnan kung magkapatid ang ilalagay natin doon, 'di ba? Another thing, baka ma-issue tayo."
Sayang naman pala. Bagay naman kasi sa kanya ang role. 'Yun nga lang, magkapatid sila ni Ciara, kaya parang ang imoral lang tingnan. Gayumpaman, masaya naman si Cielo roon. Dagdag pa niya, mas ayos na siya kahit sa technical team na lang muna siya.
Tuloy-tuloy lang ang anunsiyo ni Sir. Sa pagtatapos niyon, nakuha ko ang role ni Basilio, habang binigay kay Cielo ang character ni Crispin.
"Sa dinami-rami ng p'wedeng maging role, bakit si Sisa pa?" reklamo ni Lala habang palabas kami sa Theater Room. "Sayang ang ganda ko."
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)