MISSION #56
#IlocosEscapadePart3
[JAKE:]
Naalimpungatan na lamang ako nang may maramdaman akong kamay na humihimas sa ulo ko. Kahit hindi ako magmulat ng mata, alam kong si Joel iyon. Pero, bakit? Bakit naman niya ito gagawin, e parang ayaw nga niyang magkaroon kami ng contact sa isa't isa, e. Hindi kaya, nagbago na siya ng isip? Well, sana nga. 'Pag gano'n ang nangyari, aamin na talaga ako-- whether it's a good or a bad one. Maya-maya pa'y narinig kong kumanta siya.
You changed my life in a moment
And I'll never be the same again
You changed my life in a moment
And it's hard for me to understand
With the touch of your hand
In a moment of time
All my sorow is goneAng ganda talaga ng boses ng baklang ito kapag kumakanta. Pakiramdam ko, para talaga sa akin-- sa amin ang kantang iyon. Bakit? Masama bang mag-assume kahit minsan? Dahil doon, nakaidlip na naman ako. Bukod kasi sa kanta, nakakadagdag pa sa pagkaantok ko 'yung paghimas niya sa ulo ko. O, huwag kayong berde riyan. 'Yung nasa taas ang ibig kong sabihin, hindi 'yung nakatago. Tss.
Tuluyan na akong nagising noon nang bandang tanghali na. Isa pa, huminto ang van na sinasakyan namin.
"Tch, ang bigat ng ulo mo," mahina niyang reklamo sa akin, habang himihimas ang kanyang balikat.
Ewan ko ba, pero napangisi ako noon. "Gusto mo naman."
"Utut mo!" Inismiran niya ako pagkatapos.
Agad kaming pinababa nina Tito dahil kakain muna kami sa karinderya na nandoon. Oo nga pala, hindi ko alam kung nasaan na kami banda noong mga oras na iyon. Basta, mayroong mga tindahan ng mga bagoong dito, saka karinderya.
"Nasaan na po tayo?" tanong ko kay Tito, since katabi ko lang siya noon.
"Nasa Urdaneta, Pangasinan na tayo. Medyo malayo pa ang biyahe, kaya kailangan muna nating magtanghalian," aniya.
Sina Mama naman at Tita Alicia ang nag-order ng tanghalian namin. Pinapaalagaan sa akin ni Mama noon si Kendrick, pero nagprisinta si Tito. Napansin ko lang na parang gusto ni Tito si Kendrick. Dahil doon, tinanong ko siya.
"Tito, mukhang gusto niyo pong alagaan lagi si Kendrick, ah?"
Tipid naman siyang napangiti sa akin. "Hindi lang halata, pero mahilig talaga ako sa mga bata. Sa kampo namin, tumutulong kami sa mga batang lansangan malapit doon. Isa pa, ako ang nag-alaga kina Joel kaya hindi na ito bago sa akin."
Tila namangha naman sila, except kay Calvin. "Sana, na-expirience ko man ang 'yun, Papa."
Kahit ipakita ni Tito, alam kong nalungkot din siya sa tinurang iyon ni Calvin. Oo nga pala, sa Canada na lumaki si Calvin, kaya wala siyang idea kung paano maalagaan ng isang ama.
"Don't worry, magba-bonding tayong mga lalaki kapag nandoon na tayo," seryoso pa rin niyang pakunswelo rito. "Siyempre, kasama ka, Joel. Walang exemption."
Todo hagalpak naman doon si Calvin, pero nahinto rin nang mapansin niyang hindi naman nag-react si Joel. Maya-maya pa'y kumain na rin kami. Maraming in-order nina Mama. Pero, hindi talaga nawala ang saging. Well, mahilig si Mama sa saging, e. Aniya, pampabilis daw iyon ng metabolism. Tss, health conscious kasi. Panay naman ang kwento nila ni Tita, na animo'y hindi nagkita ng isang taon. Tss, kami namang mga naiwan kanina, tahimik lang. Hindi na rin sila kinontra ni Tito. Nang matapos at makapagpahinga na ay balik-biyahe na naman kami. This time, naisipan kong ilabas ang digicam ko na regalo ni Papa dati sa akin. Tss, isa pa ito sa ayaw kong tanggapin dati, pero wala, e. Kahit naman minsan, naiinis ako kay Papa, mayroon pa ring takot na natitira para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe
Humor[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction | Romance | Yaoi | Slice of life Cover by: CGTHREENA. Thank you ulit! :)