MISSION #03

23.8K 649 74
                                    

MISSION #03

[JOEL:]

Tila napantig ang tenga ko noong narinig ko ang mga katagang iyon kay Jake. Ang sakit pala kapag sa'yo pinukol ang mga ganoong salita. Alam kong immuned na ako sa verbal abuse na 'yan, pero.. hindi, e. Hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan.

"Hey, hindi kami magkarelasyon. He's my brother," biglang sabat naman ni Calvin. Akma pa niyang susugurin si Jake, ngunit maagap siyang naagapan ni Cielo.

"Lipat na lang tayo sa caf, Joel. Tara na," sabi naman ni Ciara.

Hindi ko na nagawa pang magsalita noon dahil parang nanikip ang dibdib ko noong mga oras na iyon. Nakita ko pa nga noon si Justin na tila palabas na ng campus. Gusto ko siyang lapitan, pero hindi ko magawa. Hinang-hina ang mga tuhod ko. Ni hindi ko na rin napansin na nasa cafeteria na kami at naghahanap na ng pwesto.

"Salamat naman at peaceful dito," Ciara exclaimed.

"Cia, bantayan mo si Joel. Calvin, let's go. Bili na tayo ng pagkain." Si Cielo.

Nang makaalis sila, doon pa lamang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Hala, tahan na, Joel. Wala na rito si Jake. Isa pa, hayaan mo at nandito naman kami ni Cielo para bantayan ka," pagpapatahan niya sa akin.

Kahit paano ay nagpapasalamat pa rin ako sa kambal. Kasi, kung wala sila, baka kanina pa ako nanliit doon. First time kong napahiya ng ganoon dito sa school.

Ilang saglit pa ay dumating na rin sila Cielo at sabay-sabay na naming nilantakan ang mga binili nila. Nakahinga na rin ako noon nang maluwag dahil hindi naman sumunod doon si Jake. Nagpaalam na rin noon si Calvin dahil English na raw nila ngayon. Kaming tatlo naman ay naglakad-lakad saglit para maghanap ng p'wedeng i-take na TLE.

"Joel, ano bang naging TLE mo dati?" tanong ni Ciara sa akin.

"Culinary Arts ako, Ciara, dati. Gusto niyo ba 'yun?" tanong ko sa kanila.

Si Cielo naman ang nagsalita. "Wala bang Baking dito?"

"Sakto! Kaka-open lang nila ng additional TLE courses dito. Nabalitaan ko 'yun last March. Isa sa in-open nila ang Baking."

Originally kasi, kasama na ang Baking sa Culinary Arts. Ngayon yata, hiniwalay nila dahil nagrereklamo 'yung ibang estudyante na ang hilig naman talaga ay baking.

"Doon na lang tayo, okay lang ba?" tanong niya ulit.

"Cielo naman, e. Alam mo naman na wala akong kaalam-alam sa baking," pagmamaktol naman ni Ciara.

"Maganda nga 'yun, Cia. At least, magiging proud sa'yo niyan sina Mama," nakangising untag naman ni Cielo sa kapatid.

'Yun nga, nagpa-register na kami doon at sa kabutihang-palad, may available pang slots para doon sa saktong time ng TLE namin. At, since na bukas pa raw ang official start ng Baking class, napagpasyahan ko munang i-tour silang dalawa sa buong campus.

At, habang nagtu-tour kami, napapansin ko ang manaka-nakang pagsulyap na ginagawad sa akin ni Cielo. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-conscious. Ayaw ko namang mag-assume ng kung anu-ano. Duh!? Hindi naman sa nagpapaka-negatibo, pero alam ko naman na in reality, rare lang ang sitwasyon na kung saan maiin-love ang isang straight guy sa isang baklang lantad. Isa pa, natatakot din ako sa ganoon dahil nga 90% sure akong may hidden agenda 'yung mga 'yun. Okay na ako sa pa-crush crush lang.

Naiilang man ay nagtuluy-tuloy lang kami sa pag-iikot. Nang mapagod ay dumaan muna kami sa gilid ng canteen para bumili ng maiinom. Mabuti naman at walang nakakilala sa akin. After that, diretso na ulit kami sa room.

Taming Mr. HomophobeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon