AUTHOR'S NOTE: so eto na ang umpisa ng story., sa chapter na ito niyo malalaman kung bakit at paano napunta sa Brunei ang ating bida :)
________________________________________________________________________
KRISTINE'S POINT OF VIEW:Present:
December 23, 2015Hi ako nga pala si Kristine Macaraeg. Tawag ng malalapit sa akin ay Tin, yung iba ay Tin-Tin.
Maganda- check na check as in check talaga.
Sexy-Check super check
Talented-Check.
Yan ang mga kadalasang sinasabi sa akin ng mga taong nakakakilala sa akin. At syempre hindi mawawala sa akin yung pagiging kwela at madrama ko.
Nga pala nandito ako ngayon sa Brunei. Ang lugar na matagal ko ng pinapangarap. Ito yung lugar kung saan nakilala ko yung mga taong nagpa iyak, nanakit at nagmahal sa akin ng totoo. At dito ko nakilala ng lubusan yung taong matagal ko ng gustong gusto.
7 years na akong nakatira dito.. Sa kasalukuyan po ay may asawa't anak na po ako. Bale dalawa na po ang anak ko. Isang babae at isang lalake. At makikilala niyo sila sa mga susunod na chapter. Ikukwento ko sa inyo kung bakit at paano ako pumunta dito.PAST:
July 19, 2007
"Bestiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeee"- Sigaw ng bestfriend kong si Liesly.,
Si Liesly ay kababata ko. Yung mommy niya ay ninang ko sa binyag. Anak mayaman siya. Kabaliktaran ko nga yan eh. Mayaman siya, mahirap ako. Lumaki siyang sagana sa buhay., samantalang ako salat sa buhay. Eh paano kasi iniwan lang naman ako ng mga magulang ko sa Lola ko. Pansamantala kong itinigil yung ginagawa kong paghihiwa ng carrots at hinarap siya.
"Ano ka ba naman bestie, bakit ka ba sumisigaw?. At bakit ang aga aga nambubulabog ka dito sa mansyon ko?"- pagsusungit ko sa kanya.
"Ikaw naman ang aga aga sinusungitan mo ako. Meron ka ba?"- pilosopong sagot niya sa akin.
"Oh eh bat ka nga nandito?"- ako.
"I switch on mo yung tv niyo daliiii!!!"- utos niya sa akin.
Aba at talagang inutusan pa ako ng loka. Kaysa naman makipagtalakayan pa ako sa kanya. Sinunod ko nalang yung utos niya na buksan yung tv. At nilagay sa channel 2. Pagbukas ko, sakto namang kakaumpisa lang nung palabas. At pagtingin ko sa magaling kong bestfriend, aba tignan mo nga naman ang ganda ganda na ng pagkakaupo niya sa sofa ko. (Pinasosyal ko lang po yung sofa pero ang totok niyan eh dalawang plastic chair lang talaga yun).
"Ano bang meron at talagang pinabuksan mo pa sa akin yung tv ha?"- ako.
"Ano ka ba? Hindi mo ba alam?"- siya
Nagkunot ako ng noo.
" malamang hindi ko pa talaga alam. Kaya nga tinatanong ko sayo diba?. Oh ano nga kasi talaga ang meron?".-Ako.
"Kasi ngayon na magsisimula yung bagong Asianovela sa ABS-CBN!"-sabi niya habang nagtitili sa harap ko.
Magsasalita pa sana ako pero hindi natuloy dahil nag flash na sa tv screen namin yung sinasabi ni Bestie na bagong palabas ng ABS-CBN. Ang title is Hanazakarino Kimitache, isa iyong taiwanese rom-com series.So fastforward na tayo ( sa part ng pinapanood namin.) May isang girl na nakadapa siya sa kanyang bed, well cute yung girl na iyon. Cute lang ha hindi ko sinabing maganda siya kasi ako lang ang maganda. Bwahaha., nanonood yung girl ng isang game., Natawa kami ni bestie nung natumba yung girl mula sa bed niya hanggang sa sahig, kasi nga may nakita yung girl sa tv screen niya. Pero nung nag flas din sa tv screen namin yung face ng guy, pareho kami ni Bestie na hindi makapag salita. At alam niyo ba kung bakit?..kasi, kasi, kasi, kasi
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ANG GWAPO GWAPO GWAPO AS IN GWAPO NUNG GUY NA NASA TV SCREENNN!!!!!!!. Pareho kami ni bestie na nagsisisigaw at nagtititili sa sobrang kilig. Kaya naman hindi na namin namalayan ang pagdating ng lola Gina ko na Nanay ng papa ko.. natigil kami pareho ni bestie sa pagsigaw at pagtili nang sumigaw si lola ng.........."SUNOOOOOOOOOOOOOOG. May Sunog! May Sunog! May sunog!"-Lola.
At dahil dun nagkagulo kaming tatlo sa loob ng aking little mansion, takbo dito takbo dun ang ginawa namin. Pero wala namang nangyayari at saka ko lang iyon narealize ng makita kong tumatawa ng malakas si lola. Aba nakuha pang tumawa ni lola ha!.
"Lola bat mo po ginawa yun?"-inis na sabi ko kay lola ko.
"Ginawa ko yun dahil masyado na kayong tutok jan sa tv. Kulang nalang yung mga mata niyo eh idikit na jan sa. Pinapanood niyo!. Ano ba kasi yan? At masyado kayong baliw na baliw jan?!."-Lola.
Tingin niyo galit ba ang lola ko dahil hindi namin siya napansin o galit siya dahil curious siya sa pinapanood namin ni Bestie?.
"Lola pinapanood po namin ni Bestie yung bagong Asianovela sa Abs-Cbn. Ngayon na po kasi yung umpisa nun"-Paliwanag ni Bestie.
"Ah ganun ba?. Akala ko kung ano na ang pinapanood niyo. Aba eh kung ganyan ang pinapanood ninyo dapat man lang sana isinasama ninyo ako. Hindi yung sinosolo ninyo yung tv!"-Lola. Tignan niyo tong lola ko, parang timang, ssstttt wag niyo akong isusumbong ah. Di na namin natapos yung pinapanood namin dahil saktong pag upo ni lola sa precious sofa namin eh tapos na pala yung palabas. Tapos natawa nalang kami ni bestie sa itsura ni Lola nung makita niyang tapos na yung palabas, as in sobrang disappointed talaga siya. Hahaha.Simula nung araw na nakita ko yung guy na bida sa Hana Kimi, ay hindi ko na tinigilan ang paghanga ko sa kanya, pati na rin sila Lola at Bestie.
Nalaman ko na Wu Chun pala ang Screen Name niya at Goh Kiat Chun naman ang Real Name niya. In just span of 2 months ay marami na akong nalaman tungkol sa kanya at sa pamilya niya. At napakalaking tulong talaga sa pagreresearch ko sa kanya yung laptop at pocket wifi na niregalo sakin ni Bestie. Sa Brunei pala naka based ang family niya since birth. English na may halong chinese ang descendants nila.
Galing siya sa wealthy family, ibig sabihin isa ang pamilya nila sa pinakamayayaman sa Brunei.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...