KRISTINE'S POV:
OMG!!!! Talagang si WU CHUN nga ang nakikita ko.,"Ni Hao Ma?"-Sabi niya sa akin, sabay Lakad palapit sa akin.
Oh my goodness! Nakalimutan ko kung Mandarin nga ba yung salitang Ni Hao Ma o di kaya Bruniean Langguage. Dahil dun ay sinagot ko na lamang siya ng........................................................
"Sir im sorry hindi ko maintindihan ang sinasabi mo.. maybe what you mean is, you want inihaw na baka?."-Ako. Tinignan lang ako ni Sir Wu Chun at naka kunot noo siya!. Naku! Patay! Talaga ako neto, tapos si Arcelie naman ay natatawa. Ang weird talaga ng taong to.,
"Kau baik baik saja?"- wala na akong nagawa kundi ang mapanganga sa mga pinagsasabi niya., ikaw ba naman ang makarinig ng salitang pinag aralan mo nga ang kaso nakalimutan mo naman kung ano ang ibig sabihin nito!.Buti nalang to the rescue tong si Arcelie.
"So what did he just say?"-Ako
"Sir Wu Chun is asking you if you're okay now!"-Arcelie.
Ayy grabe yun pala ang meaning nun. Feeling ko ang tanga tanga ko talaga..
"No worries Sir i am now okay. Very okay hehe."-Ako.
"Okay, eat a lot so that you will not Faint again"- Wu Chun.
Well gets ko siya pero ang di ko gets ay, anong kinalaman ng salitang 'PAINT' sa pagkain?. O baka naman PAMINTA ang ibig niyang sabihin namali lang siya ng PRONOUNCIATION. Naku maturuan nga si Sir Wu Chun ng right english.
"No Sir, i don't paint while i am eating. Because i want to focus on eating"- Wohoho ano magpaparty naman kayo mga readers! Nakapag english ako ng hindi kumukurap ang mga mata ko!.
"What!?"-Wu Chun.
Aisssh sabi na nga ba eh, paminta ang ibig niyang sabihin sa Paint!.
"No Sir, its not Paint its pepper, say Pe-pper! Okay? Repeat after me say Pe-pper"- pagtuturo ko sa kanya."What are you saying? I dont get it!?"-Wu Chun.
Lalong lumalim yung pagka kunot noo niya. Grabe bakit ganun? Bakit hindi niya maintindihan yung mga pinagsasabi ko?. Alien ba yung salitang ginamit ko?.Napatingin ako sa kinaroroonan ni Arcelie at natatawa siya. Muli kong binalik ang tingin ko kay Wu Chun. Pero ano tong nakikita ko? Nakakunot noo nga siya, at natatawa?.
"Did i say something wrong?"- ohness feeling ko bumabaha na sa buong mansion dahil sa nosebleed na talaga ako.
"Kristine ang ibig sabihin ni Sir ay kumain ka kasi para hindi ka himatayin hindi niya sinabing magpinta ka. At lalong hindi paminta, grabe ka tinama mo oa talaga ang grammar ni Sir ah".- Pagkasabi niyon ay continuous na ang tawa niya.
Hindi pa ako nakakapag move on sa pagkapahiya ko kay Sir Wu Chun nang marealize ko ang lenggwaheng ginamit ni Arcelie.
"Girl, nagtatagalog ka?"-Ako
Natigil si Arcelie sa pagtawa. Siguro narealize niya rin yun.
"Ah oo, sige na nga aaminin ko na nga, oo na nagtatagalog ako".-Arcelie.Sumingit naman sa usapan namin si Wu Chun my loves.
"You better show her the room, and tell her assigned job. I'll just go to study room"-Pagkasabi niya nun ay iniwan na kami ni Wu Chun my loves sa kwarto..
"Ikaw ha, bakit naman hindi mo sinabi sa akin na marunong ka palang magtagalog?."-Medyo inis kong sabi kay Arcelie.
"Eh kasi po nasa rules and regulations po namin iyon madam ang magsalita ng english sa una. Tinesting lang kita kanina kung hanggang saan ba ang kaya ng english mo. Parte kaya nun ng training mo."-Arcelie.
"Ganun?. Sobrang nabaha na dito sa mansion sa tindi ng nose bleed ko, tapos malalaman ko marunong ka palang magtagalog. Ikaw lang ba ang marunong magtagalog dito?"-Ako
"Well nalaman mo na rin lang na marunong akong magtagalog, sasabihin ko na sayo ang totoo, halos lahat ng mga empleyado dito ay mga pinoy, kaya hindi lang ako marunong magtagalog. Yung nakilala mo kanina na si Manang Bebeth ay isang pinay at siya ang mayordoma dito. O ano na ang nararamdaman mo ngayon? Ayos na ba?"-Arcelie.
"Ah oo ayos na ako,."-Ako
"Tara na sa baba at ipapakilala na kita sa mga kasamahan natin dito. At nang maituro ko na rin sayo kung ano ang mga dapat at di dapat gawin"-Arcelie.Maraming tao ang ipinakilala sa akin si Arcelie. Ngunit ang pinaka tumatak sa akin ay sina Manang Bebeth ang masungit na mayordoma dito sa mansion, si Molly ang pinakabatang yaya. Kamukha ni Molly yung isa sa mga dancers na napapanood sa Eat Bulaga, at si Manang Joy na napaka hyper, nang makita ako eh inakala ba naman niya na artista ako!. Well thanks to her dahil sa kanya umangat naman ang ganda ko kahit papano hehe. Pagkatapos akong ipakilala ni Arcelie sa lahat ng mga empleyado dito sa mansion ay dumeretso kami sa dulo ng sala, doon niya ako dinala. Ang kwartong iyon ay library, punong puno ng mga malalaking libro. Karamihan ay puro mga encyclopedia. Mayroon ding makikita doon na mini sala, pagkakita ko sa sofa ay agad akong umupo doon at sumunod naman sa akin si Arcelie na may dalang long white folder., ibinigay niya iyon sa akin at saka ko naman binasa yung laman nun,.
"Alam kong hindi mo pa alam kung ano ang trabaho mo dito. Ako ang inatasan ni Boss na magsabi sayo, bale ang trabaho mo ay ikaw ang magiging Personal Assistant ni Sir GKC. Lahat ng lakad niya, lahat ng mga gagawin niya ay dapat andun ka.. Etong nasa folder, lahat ng nakalagay jan ay schedule niya this month. Di bale binigyan ako ni Boss at ng kasama ko ng isang buwan para turuan ka sa dapat mong gawin."-Mahabang paliwanag ni Arcelie.
"Kailan ba ako mag ii start?"- hyper kong tanong sa sa kanya.
"Eeeeeehhhh excited siya!!"-kinikilig na sabi sakin ni Arcelie.
"Eh sino ba naman ang hindi ma eexcite kung ganun ka gwapo ang magiging amo mo diba?"-Ako.
"Sabagay sino nga ba ang hindi. Oh siya tara na matulog ka na dahil bukas maaga tayong aalis dito."-Arcelie.
"Ha? Aalis tayo bukas? San naman tayo pupunta?"-Ako.
"Basta, malalaman mo nalang bukas. Halika na."-Arcelie.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...