CHAPTER EIGHTEEN PART TWO

14 0 0
                                    

SELINA'S POV:

After naming mapanood yung News, pinatay ko na kaagad yung TV.
"Pano yan Girl, pinaghahanap ka na ng mga Pulis."-Selina.
"Wala akong paki alam kung pinaghahanap na nila ako. Ang mahalaga nakapaghiganti ako kay Kristine. Warning shot palang yun sa kanya. Kung dati inakala ng lahat na patay na siya. Pwes ngayon tototohanin ko ang inakala nilang lahat noon. Papatayin ko si Kristine!"-Ella.

Ibang iba na talaga ang ugali ni Ella. Hindi naman siya ganito kasama noon. Oo lahat ng ginagawa niya noon ay kinokonsinte ko. Pero this time ay hindi ko na kukonsintihin lahat ng mga gagawin niya. Hindi na kasi kaya ng konsensiya ko. Kahit sabihin pa na matalik ko siyang kaibigan.

Kinabukasan pinilit ako ni Ella na samahan siya pumunta sa hospital para dalawin si Wu Chun. Tinawagan ko na rin si Rain para may kasama kami. Pero si Molly hindi na talaga namin macontact. May hinala na ako sa babaeng iyon na baka bumaliktad na siya sa amin.

Narating namin ang hospital at naabutan namin na naglalambingan sina Wu Chun at Kristine. Silang dalawa lang yung nasa loob ng kwarto. Nasilip ko sa gilid ng aking mga mata ang reaction ni Ella. Nasaktan siya sa nakita niya. Tingin ko hindi na niya deserve si Wu Chun. Ella deserve to have someone better than Wu Chun.

"Hi, sorry kung naistorbo namin kayo sa paglalandian ninyong dalawa."-Ella.
Napatingin silang pareho sa direksyon namin.
"Anong ginagawa niyong tatlo rito?"-Wu Chun.
"Ano pa nga ba? Edi dinadalaw ka"-Rain.
"Ang kapal din naman ng mukha niyong pumunta rito pagkatapos ng ginawa ninyo!"-Kristine.

Sa paraan ng pagsasalita ni Kristine, i bet alam na niyang si Ella nga ang dahilan kung bakit naaksidente si Wu Chun.
"Bakit yata parang sinasabi mo na bawal kaming pumunta rito? Samantalang kami itong naunang nakilala ni Wu Chun kesa sayo!."-Ella.
"Ows talaga lang ah. Alam mo Ella ang ganda mong award. Yung award na tipong hinding hindi mo talaga makakalimutan. Best Artista panget/sinungaling award."-Mapang asar na sabi ni Kristine.
"Hmp! Ano ba yang pinagsasabi mo?"-Naiiritang sabi naman ni Ella.
Binalingan ni Kristine si Wu Chun.
"Babe, bakit hindi mo naman sinabi sa akin na bukod sa sinungaling itong ex-girlfriend mo eh TATANGA TANGA PA!"-Kristine.
Talagang inemphasize pa ni Kristine yung salitang TATANGA TANGA. Gusto kong matawa pero mamaya nalang, baka kasi mapansin ako ni Ella sabunutan pa ako nito.

Wala nang magandang nangyari sa pagpunta naming tatlo sa hospital kundi puro sagutan lang ng masasakita na salita. Kailangan ko pa ring ipakita kay Ella na nasa kanya parin ang loyalty ko kahit na ang totoo eh hindi na.
"Bwisit talaga yang si Kristine!."-Ibinagsak ni Ella ang katawan niya sa nag aabang na sofa. Ako naman ay nagtungo sa aking mini kitchen at nagprepare ng makakain. Pagbalik ko sa sala kung saan iniwan ko si Ella ay naabutan ko itong may kausap sa phone.
"Yes, kailangan mong patayin yung Kristine na yun as soon as possible!. At kapag nagawa mo yun may Bonus ka sa akin"-Ella.
Grabe, ipapapatay ni Ella si Kristine. Naku! Anong gagawin ko?. Hindi na kaya ng konsensya ko ito. Kailangan balaan ko si Kristine tungkol dito!.

At dahil hindi ako mapakali nagpasya akong magpunta ng hospital mag isa. Alam kong ka trayduran itong gagawin ko pero tingin ko ito naman ang tama.

"Selina, ano na naman ang ginagawa mo rito?!"-Galit na tanong sa akin ni Kristine.
"Kristine, Wu Chun nagpunta ako rito dahil may gusto akong ipagtapat sa inyo. Alam kong katrayduran itong gagawin ko, kaya lang hindi na tama na konsintehin pa ang mga maling ginagawa ni Ella."-Selina.
"Anong ibig mong sabihin? May balak na namang masama si Ella?"-Curious na tanong ni Wu Chun.
"I guess this is the right time that i will tell you a secret."-Selina.

Naikwento ko na ang lahat ng katotohanan sa kanila. Patawarin sana ako ni Ella sa ginawa kong pagtraydor. Para rin naman ito sa kanya eh.



KRISTINE'S POV:

Hindi pa rin ako makapaniwala mula sa mga narinig ko kay Selina. Sinabi na niya sa amin ang lahat. Yung buong katotohanan. Siya lahat ang may kagagawan ng lahat ng mga kamalasang nangyari sa buhay ko. Pati si Wu Chun my loves nagawa niyang aksidentihen. Kailangan ko siyang kontrahin sa mga gagawin niya laban sa akin.
"May pagsa demonyo talaga yang si Ella eh. Bestie ano na ngayon ang balak mo?"-Bestie Liesly.
"Kailangan kong maging mapagmatyag at maging maingat. Kailangan ko ring protektahan kayong mga taong mahal ko."-Ako.
"Bestie, kasama mo ako jan. Kakampi mo ako."-Pang aalo sa akin ni Bestie Liesly ko.






"Babe, okay ka lang ba? Anong nararamdaman mo?"-Tanong sa akin ni Wu Chun my loves.
Nakaramdam kasi ako ng pagkahilo habang tinutulungan ko siyang ayusin ang mga gamit niya sa isang malaking bag. Ngayon na kasi ang araw ng discharge ni Wu Chun my loves.
"Nahilo ako babe, pero ayos na ako."-Ako.
"Sigurado ka ha?."-Wu Chun.
"Oo babe, sigurado ako kaya wag ka ng mag alala pa jan."-Ako.
"Babe, para mas makasiguro tayo magpacheck up ka. Saka pagod ka dahil sa kakabantay sa akin."-Wu Chun






Hindi ko na mapigil si Wu Chun my loves. Pinatawag niya ang aking Doctor at chineck up na naman ako.
"Doc, kamusta po siya? Yung baby po namin kamusta?"-Wu Chun.
"Sa ngayon ay okay na si Kristine pati na ang baby ninyo. Maipapayo ko lang ay iwasan ang ma stress para hindi ka na ulit makaramdam pa ng pagkahilo. Or else makaka apekto ito sa pagbubuntis. Yun lang naman. Sige una na ako ha"-Doctor.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon