I CARE FOR YOU PART FIVE

23 0 0
                                    

WU CHUN'S POV:
"O Ella bakit ang tagal niyo? Nilibot niyo ba buong resort?"-Calvin.
"Oo nilibot namin"-Pagsisinungaling ni Ella.
"Teka asan si Kristine? Diba kasama niyo siya na lumabas kanina? Bakit di niyo siya kasamang bumalik?"-Aaron
"Ewan, bigla na lang siya nawala eh. Di namin alam kung saan siya pumunta"-Selina.
"Pambihira naman oh, tatlo tatlo pa kayo hindi man lang niyo alam kung saan siya pumunta?"-Wu Chun.

Naiinis na talaga ako sa babaeng yun! Sakit sa ulo!. Bwisit!!!.

"Saan ba yun nagpunta?"-Bulong ko sa aking sarili. "Tara, tulungan niyo akong hanapin siya. Nasa tabi tabi lang yun".
Lumabas kami ng cafeteria at hinanap si Kristine.
"Maghiwahiwalay tayo para madali natin siyang mahanap"-Jiro.

Naiwan sa loob ng cafeteria sina Ella, Selina at Hebe.
"Hm, tignan ko lang kung mahanap pa nila yung salot na babaeng yun!"-Ella.
"Paano kung mahanap nila?"-Selina.
"At paano naman kung magsumbong siya?"-Hebe
"Subukan lang niyang magsumbong. Makikita niya kung sino ang binabangga niya. At saka as if naman na paniwalaan siya ni Wu Chun kung sakali."-Ella.

Samantala patuloy pa rin sa paghahanap sina Wu Chun kasama ang kanyang mga Co-Fahrenheit members, tumawag na rin sila ng rescue para kung sakaling may nangyari kay Kristine, mabilis nila itong matutulungan. Ilang sandali pa ay lumapit sa kanilang isang lalaki, mukhang waiter sa cafeteria na kinainan nila kanina.
"Sir, isa po ako sa mga tumulong sa paghahanap dun sa isang kasama niyo po. Alam ko na po kung nasaan siya"-Waiter.
"Talaga?, nasaan siya?"-Wu Chun
"Nasa Comfort room po siya ng Cafeteria. Sir, mukhang na lock po siya dun"-Waiter.
"Halika na!"-Natatarantang sabi ko dun sa Waiter. "Pare, nahanap na si Kristine!"-Sabi ko naman yan kay Calvin na sumisilip sa mga punong naroon. Sumunod naman ito sa amin nung waiter. Tinawagan ko na rin yung dalawa para sabihing nahanap na si Kristine.



Nakarating kami sa likod ng Cafeteria kung saan naroon yung comfort room ng para sa mga babae. At tama nga yung Waiter, nasa loob nga si Kristine at na Lock siya Dun.
"Tulong!!!, Tulungan niyo po ako!!!"-Shit! Nag sisigaw ito, at parang umiiyak pa.
Nag aalala na ako. Kaya naman dali dali akong kumilos. Tinulungan ako nila Calvin pati na rin yung Waiter na magbukas nung pinto. At nung mabuksan na namin yun. Madilim sa loob. Kinapa ko yung switch nung ilaw. at pagbukas nung ilaw, nakita namin si Kristine na nasa isang sulok, naka upo nakayakap sa kanyang mga binti at umiiyak.
Lumapit ako sa kanya.
"Kristine, andito na kami...."-Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang bigla niya akong yakapin at doon umiyak ng umiyak., tapos nawalan siya ng malay.





Hospital:
Dinala namin si Kristine dito sa hospital na pag mamay ari ni Ate Lea, ang kapatid ko.
Naghihintay kami ngayon dito sa may hallway na malapit lang sa E.R.
Saka lang ako tumayo sa kinauupuan ko ng makita kong lumabas mula sa Emergency Room ang babaeng doctor na nag check up kay Kristine.
"Doc, kamusta na po siya?"-Wu Chun
"The patient is already fine. Kailangan lang niya ng Bed Rest. Nang dahil sa pagkakakulong niya sa CR, nagkaroon siya ng Difficulty of airway breathing, pinaghalong stress at over fatigue. At for the mean time ay pwede niyo na siyang ilipat ng kwarto. So paano, mauna na ako sa inyo"-Doctor Mendez.
"Sige po Doc salamat."-Wu Chun.





"Bro, uwi na kami ah. Iwan ka na muna namin dito"-Calvin.
"Sige"-Wu Chun.
"Balik na lang kami bukas"-Aaron.
"Sige, ingat kayo sa pag uwi"-Wu Chun.
Nailipat na sa isang private room si Kristine, ako nalang ang naiwang nagbabantay sa kanya.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo? Bakit ka na lock sa CR?. Sinong gumawa nun sayo?. Alam mo, nung nalaman kong nawawala ka kanina, i was really scared. Natakot ako na baka hindi kita makita. Im sorry for that. Gusto kong malaman mo na you are so special to me. That's why i care for you"-Hinalikan ko yung noo ni Kristine at pinagmasdan ko yung mukha niya na natutulog at may mga luhang tumutulo, pinunasan ko iyon gamit ang aking kamay.






KRISTINE'S POV:
Unti unti kong minulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ay puro puting kulay. Nagpanic ako! Hindi kaya nasa langit na ako!!!!. Nagising yung diwa ko ng may marinig akong umiiyak.
"Kristine, wag mo kaming iwan! Kristine wag ka munang mamatay diba sabi mo dati masamang damo ka? Eh ang masamang damo matagal mamatay! Waaahhhh".
Si Manang Joy pala yung umiiyak, at nakayakap pa siya sa akin. Nakita ko naman sa paligid ng kwarto ko sina Manang Bebeth, Calvin, Aaron, Jiro at,Wu Chun my loves na tumatawa ng tahimik. Tingin ko ang tinatawanan nila ay si Manang Joy na umiiyak.
"Manang Joy, hindi po ako mamamatay"-Ako.
Tumigil sa pag iyak si Manang Joy at tumingin sa akin.
"Kristine!!! Buhay ka!!!!"-Niyakap ako ni Manang Joy na sobrang higpit.
"Manang Joy, buhay na buhay oo ako. Kaya lang po mamamatay po ako nang dahil sa sobrang higpit ng yakap niyo po sakin"-Ako.
"At saka hindi pa po yan pwedeng mamatay hanggat hindi sila ikinakasal ng isa rito"-Calvin.
Napuno ng tuksuhan ang loob ng kwarto ko. Feeling ko namumula na ang mukha ko.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon