CHAPTER FIFTHEEN PART TWO

15 0 0
                                    

KRISTINE'S POV:

"Mahirap ang magbuntis apo. Nung pinagbubuntis ko ang Tatay mo noon eh nahirapan talaga ako. Bakit mo naman natanong apo?"-Lola Gina.
Nagbuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tanong ni Lola Gina ko.
"Wala lang po Lola Gina na curious lang po ako kung ano yung pakiramdam kung nagbubuntis ang isang babae."-Ako.
"Ganun ba? O eto orange o kain tayo"-Lola Gina.






Ilang sandali pa ay narinig kong nag ring ang aking cellphone. Nang tignan ko iyon ay tumatawag sa akin si Arcelie. So sinagot ko iyon.
"Hello? Arcelie?"- Ako
"Hello Friendship? Naku naman buti sinagot mo na ang tawag namin."-Arcelie.
Pansin ko sa boses ni Arcelie ay parang kinakabahan siya.
"O bakit ka naman napatawag at dis oras na ng gabi?"-Ako
"Eh kanina ka pa namin tinatawagan. Bakit hindi ka namin ma contact?"-Arcelie.
"Pasensiya na. Bakit ka naman napatawag?"-Ako.
"Friendship kanina ka pa namin tinatawagan ni Mary Rose kasi gabi na. At hindi namin alam kung saan ka nagpunta. Tapos si Sir Wu Chun naman kanina ka pa hinahanap at ayun galit na galit!"-Arcelie.
"Naku? Ganun ba? okay sandali lang at uuwi na ako jan"-Ako.
"Teka? Nasaan ka ba ngayon?"-Arcelie.
"Andito ako kina Lola Gina at Bestie Liesly ko. Sige pauwi na ako jan"-Ako.






Itinago ko na ang aking cellphone sa aking pouch.







"Lola kailangan ko na pong umuwi sa mansion ngayon"-Ako.
"Ha? Eh gabi na apo. Baka wala ka ng masakyan niyan"-Lola Gina.
"Meron pa po siguro yan Lola. Wag po kayong mag alala itetext ko nalang po kayo kapag nakauwi na po ako."-Ako.
"Pero apo..."-Lola Gina
"Lola nag aalala na po sila sa akin sa Mansion. Kailangan ko na pong umuwi kasi tumawag po sa akin si Arcelie at sabi po niya eh galit na galit na po si Wu Chun my loves"-Ako
"Sige mapilit ka eh. Basta mag text ka sa amin kung nakauwi ka na ha"-Lola Gina.
"Okay po. Pakisabi nalang po kau Bestie Liesly na umuwi na po ako."-Ako
"Ingat ka apo."-Lola Gina.






Mansion:

Nakauwi ako ng maayos.

Nasa labas palang ako ay naririnig ko na ang pagsigaw ni Wu Chun my loves. Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko sa sala sina Manang Bebeth, Manang Joy, Molly, Arcelie, Mary Rose na pinapagalitan ni Wu Chun my loves.
"HINDI TALAGA NINYO ALAM KUNG SAAN SIYA NAGPUNTA? ANG DAMI DAMI NINYO DITO SA MANSION!"-Wu Chun.
Wala ni isa sa kanila ang sumagot sa galit na galit na si Wu Chun my loves. Naawa naman ako kina Manang, Molly, Arcelie at Mary Rose.
"Babe"-Pagtawag ko kay Wu Chun my loves.
Lumingon sa akin si Wu Chun my loves. Makikita sa mukha niya ang pinaghalong galit at pag aaalala. Malamang dahil sa akin yun.
"IWAN NIYO MUNA KAMING DALAWA DITO"-Sabi ni Wu Chun my loves kina Arcelie. Bukas na bukas din ay mag sosorry talaga ako sa kanila. Nang dahil sa akin ay pinagalitan sila ni Wu Chun my loves.
"IKAW! MAG USAP TAYO SA TAAS NGAYON DIN!"-Wu Chun.
Umakyat si Wu Chun my loves, papunta sa kanyang kwarto at ako naman ay sumunod sa kanya.






Pagpasok palang namin sa kwarto niya ay agad niya akong sinigaw sigawan.
"SAAN KA BA NAGPUNTA? KANINA PA KITA HINAHANAP!. "-Wu Chun.
"Sorry babe..."-Mahinahong sabi ko sa kanya.
"AYAN KA NA NAMAN EH, MAGSOSORRY KA NA NAMAN! PAGKATAPOS ANO? UULITIN MO NA NAMAN ANG PAGKAPASAWAY MO"-Sigaw niya sa akin.
"Babe sorry na."-Ako.






Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Si Wu Chun my loves ay napa upo sa gilid ng kanyang kama at ako naman ay nanatiling nakatayo lang malapit sa pinto ng kanyang kwarto.
"Saan ka nga ba kasi nagpunta?"-Mahinahong sabi niya sa akin.
  Siguro naman ito na yung tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang totoo. Kumuha muna ako ng lakas na loob para sabihin sa kanya ang katotohanan...






Ang katotohanan na ako ay nagdadalang tao at siya ang ama ng batang dinadala ko.






"Babe, ang totoo niyan kahapon dinala ako ni Rain sa hospital... habang nag soshoot kayo ni Ella ng eksena ninyo, kaya hindi na nagawang sabihin sa iyo ni Rain na dinala niya ako sa hospital. Tapos bumalik ako sa hospital kanina, para paaminin yung doctor na tumingin sa akin kahapon. Hindi kasi ako kumbinsido dun sa sinabi niya na nahilo lang ako."-Ako.
"Nagpunta ka ng hospital kasama si Rain and yet you don't have a plan para sabihin sa akin?"-Wu Chun.
"Wait lang Babe. Patapusin mo muna ako please. Sabi ko nga, binalikan ko kanina yung doctor na nag check up sa akin kahapon at ayun pina amin ko siya kung ano yung totoo. Kung may sakit ba ako o wala. Tapos inamin niya sa akin na ayun nga Buntis ako."-Pagkasabi ko nung word na 'Buntis Ako' ay parehong nagliwanag ang mukha naming dalawa. Pero agad na nabalot ng kalungkutan yung mukha ni Wu Chun my loves. Bakit kaya?.
"Talaga? You're pregnant? Im going to be a father?"-Tanong sa akin ni Wu Chun my loves. Makikita sa mukha niya na malungkot siya. Niyakap niya ako, dahil dun ay bawing bawi na siya.
"Yes Babe, i'm two weeks pregnant to be exact. Ikaw may kasalanan ka rin sa akin"-Ako.
Kumawala ako mula sa pagkakayakap sa akin ni Wu Chun my loves.
"At ano na naman ang kasalanan ko sayo?"-Nagtatakang tanong niya sa akin.

Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon