AUTHOR'S NOTE:
Nakalipat na rin sa wakas sa Chapter Five. And this Chapter was dedicated to me! Haha charot!.
________________________________________________________________________
KRISTINE'S POV:
"Sana makita talaga kita Wu Chun my loves, nakkkuuuu pag nangyari yun hindi na kita pakakawalan pa, dahil akin ka lang! Akin lang! Okay?"-Sabi ko yan habang nakatingin sa magazine.
Si Arcelie na nasa tabi ko ay tahimik lang na natatawa.. Ewan ko ba dito sa babaeng to parang sira! Pinanganak ata etong naiwan ang bunganga sa loob ng tiyan ng Nanay niya. Biruin mo tumatawa ng walang sounds., tas maya maya bigla na naman siyang naging seryoso. Ang weird niya diba???. Sa totoo lang medyo nakakaramdam na ako ng takot dito sa babaeng to eh..After 1111111111 years di joke lang nakarating na rin kami sa aming pakay., pagkababa ko sa sasakyan bumungad sa akin ang isang napaka gandang malaking bahay, sa madaling salita mansion. Sa tapat nun ay may Fountain., tapos sa gilid ng mansion makikita ang napakalawak na garahe at napaka daming magagarang sasakyan ang naroon.. Pero parang pamilyar sa akin itong mansion.,
"Teka, pamilyar tong mansion sa akin eh. Saan ko na nga ba nakita to?. Ah baka dun sa napanood ko sa KrisTV o di Kaya kay Korina Sanchez sa may RatedK. Pero infearness ah, ang bongga ko kung dito ako magtatrabaho diba??"-Sabi ko yan sa sarili ko.
Si Arcelie naman ay muling natatawa ng tahimik sa likod ko.
"Kung alam mo lang kung sino ang may ari ng mansion na ito".-Sa isip ni Arcelie. "Malamang nakita mo to sa RatedK dahil minsan na kasing bumisita dito si Korina Sanchez para i feature ito, sa kasikatan ni Sir".-dagdag pa sa isip ni Arcelie.Mga eksaktong 10 am, nakapasok na kami sa loob ng mansion. Kung namangha ako sa labas, mas dumoble pa ang pagkamangha ko dahil sa sobrang ganda ng nasa loob. At dahil jan kinuha ko ang cellphone ko at nagpicture picture. Selfie dito selfie dun ang ginawa ko.,
Napatigil ako sa ginagawa ko ng makita kong dumating ang isang matandang babae na mataba pero maputi,naka uniporme siya ng pang katulong... sinalubong siya ni Arcelie ng ngiti, at bumulong naman si Arcelie sa matanda.
"Manang magkunwari po kayong hindi marunong magtagalog ah".-Bulong ni Arcelie sa Matanda.
"Ha? Bakit naman?"-Nagtatakang tanong ni Manang kay Arcelie.
"Nakikita niyo po ba yung bago nating kasama dito?"-Tanong ni Arcelie
"Alin? Yung babaeng maganda at maputi na nasa sofa? At parang timang kung magselfie ay parang wala ng bukas?"-Sabi ni Manang. Tumango tango nalang si Arcelie, at natatawang tinignan ako.
"Ehem! Ah Kristine"-Tawag sakin ni Arcelie.
"Yes po?"-Ako
"I'd like you to meet Ms. Bebeth Tamayo our Head Maid here., Ms Bebeth i'd like you to meet Ms. Kristine Macaraeg from Philippines our newest member here". Pagpapakilala samin ni Arcelie.
"Nice to meet you po ma'am".-Nakangiting inialay ko ang aking kanang kamay kay Ms. Bebeth. Inabot naman niya yung kamay ko pero nakaramdam ako ng takot dahil medyo nakasimangot ito.
"Excuse me Ma'am Arcelie, Boss is waiting for you in the Library".-Sabi yan ng isa pang katulong na parang ka edad ko lang.
Naiwan kami ni Manang Bebeth sa Sala. Medyo naiilang ako sa kanya dahil sa paraan ng pagtingin tingin niya sa akin., Iniwan na rin ako ni Manang Bebeth sa sala kaya mag isa na lang ako. Habang hinihintay ko si Arcelie ay muli akong naupo sa sofa, at para hindi ako mainip sa kakahintay sa kanya ay naglaro muna ako sa cellphone ko.
"Excuse me Kristine, our Boss is ready to meet you. Prepare yourself and follow me at the library"-Arcelie.
"Ah yes Ma'am"-AkoNang nasa library na kami. Nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod sa amin, nilapitan ito ni Arcelie at kinausap. Habang nag uusap sila ay naisipan kong mag retouch muna, pangit naman tignan kung haharap ako sa magiging boss ko kung oily ang mukha ko at buhaghag ang buhok ko diba???. Pangit na nga ako tas pangit pa ako sa mata ng boss ko, asan naman ang hustisya diba?..
Nang matapos akong mag retouch ay sakto namang nakalapit na sila Arcelie at Si Boss. Kaya naman dali dali kong isinauli sa bag yung make up kit ko at nang maisauli ko na ay inihanda ko na yung very big and beautiful smile ko para sa boss ko. Pero unti unti ay nawala yung very big at beautiful smile ko ng marealize ko kung sino yung nasa harap ko.
Weh? Di nga?
Totoo ba to?
Grabe, di kaya nananaginip lang ako?
Kinusot kusot ko ang mga mata ko para makasigurado sa nakikita ko, pero siya talaga eh.. Edi sino pa nga ba ang magiging amo ko kundi ang pinaka gwapong nilalang sa buong mundo na si....................................
WU CHUN LANG NAMAN!!!!!!!!!!
"Kristine, i'd like you to meet our Boss Mr. Wu Chun also known as Boss GKC, Sir i'd like you to meet Ms. Kristine Macaraeg your new employee from Philippines."-Nakita ko na parang natatawa si Arcelie habang ipinapakilala niya ako Kay Wu Chun este Boss pala..
Di ako makagalaw sa sobrang shock, at maya maya lang ay bigla akong nakaramdam ng panghihina at nagdilim na ang lahat., in short nawalan ako ng malay.
"Hayy super lambot naman ng kama ko, ang sarap naman humilata dito. Sa amin kasi hindi ganito ang higaan ko eh, sa banig lang ako natutulog"-And bescause of that thought ay napabalikwas ako ng bangon.
"Nasaan ako"-Sabi ko sabay tingin sa paligid ko. Tama nga ako nasa isang napakalambot na kama nga ako., nagpaikot ikot pa ang paningin ko sa paligid ng kwarto at nakita ko ang isang guy na nasa may bintana na mukhang may tinatanaw sa labas.
"Well likod palang gwapo na diba? Pano pa kaya kapag nakaharap na siya"-Bulong ko yan sa sarili ko. At naaalala ko na kung sino ang lalaking iyon., ang dahilan ng pagkahimatay ko., at bago ko pa mabanggit kung sino siya,. Ay bigla naman siyang humarap sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/59402745-288-k143303.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...