ELLA'S POV:
"Oo nga at suntok lang ang ginawa sayo nung babaeng yun. Pero paano kung natuluyan ka sa ginawa niya? Magiging gwapo ka pa kaya?. Common Rain huwag ka namang maging duwag."-Ella.
Pinag isipang mabuti ni Rain yung sinasabi sa kanya nila Ella at Selina."Sige payag ako jan sa gusto niyo. Reresbakan natin yung babaeng yun"-Rain.
Napangiti ako sa ginawang pagpayag ni Rain sa mga plano para sa babaeng yun. Hmp humanda siya sa gagawin ko.KRISTINE'S POV:
Three days ng naka confine dito sa hospital si Bestie ko. Kami ni Wu Chun my loves ang naka toka na magbantay ngayon sa kanya."Babe, kamusta na pala yung pag iimbestiga ng mga pulis tungkol sa pagbaril kay Bestie?"-Ako.
"Medyo mabagal kumilos ang mga pulis sa pagimbestiga. Masyadong matalino yung bumaril sa bestie mo. But i assure you na ginagawa nila ang lahat mahuli lang yung bumaril sa kanya."-Wu Chun
"Sana nga mahuli na para naman mabigyan ng hustisya tong si Bestie."-Ako.May pumasok na isang babaeng nurse.
"Excuse me po Ma'am, Sir pinapatawag po kayo ni Doc."-Nurse.
"Babe ako nalang ang kakausap kay Doc, maiwan ka nalang dito at bantayan ang Bestie mo baka magising yan hanapin ka pa."-Wu Chun.
"Okay sige"-Ako.
Hinalikan ni Wu Chun my loves ang noo ko pagkatapos ay lumabas na siya."Bestie please gumising ka na, namimiss na kita."-Ako.
Ganito ako, lagi kong kinakausap si Bestie sa tuwing maiiwan ako para magbantay sa kanya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako,. Naalimpungatan ako nung may maramdaman akong humahawak sa kamay ko. Pagtingin ko......................................Gumagalaw yung kamay ni Bestie!!!!!!!!!!. Pagtingin ko sa mukha niya, nakamulat na yung mga mata niya. Agad kong hinawakan yung mukha niya.
"Bestie Gising ka na. Sandali lang Bestie ah, tatawag lang ako ng Doctor"-Kristine.Saktong paglabas ko ng kwarto ni Bestie ay siya namang pagdating ni Wu Chun kasama ang isang babaeng doctor.
"Oh babe bakit lumabas ka? May problema ba?"-Wu Chun
"Wala naman babe, lumabas ako kasi magtatawag sana ako ng doctor"-Ako.
"Bakit?"-Wu Chun.
"Kasi gising na si Bestie ko"-Ako.
"Ha?"-Wu Chun.
"Ang sabi ko gising na si Bestie ko"-Ako.
Pagkasabi ko nun dali dali akong pumasok sa loov ng kwarto at sumunod naman sina Wu Chun my loves at si Doctor Mendez.Chineck up ng doctor si Bestie.
"Base sa observation ko, okay na siya. Kaya lang she need one more day to stay here in the hospital, para makasiguro tayo. But for the meantime reresetahan ko muna siya ng antibiotic at mefenamic. Now kailangan ko ng bumalik sa opisina ko"-Doctor Mendez.
"Thank you po Doc"-Ako.
"Babe, tatawagan ko lang sila Daddy. Ipapa alam ko lang sa kanila na gising na ang bestie mo."-Wu Chun.
"Okay sige"-Ako.
Hinalikan ako ni Wu Chun sa labi at pagkatapos nun eh lumabas na siya ng kwarto na may hawak na cellphone na nakalagay sa tenga niya.
Lumapit ako kay Bestie.
"Bestie naku, buti naman at gising ka na :)"-Ako.
"Hmn diba sabi ko naman sayo dati na masamang damo ako kaya matagal pa ako mamamatay"-Bestie Liesly.
Hirap pang magsalita si Bestie Liesly. Pero atleast nakakapagsalita siya.
"Bestie, alam kong hinahanap niyo pa rin yung taong bumaril sa akin"-Bestie Liesly.
"Tama ka Bestie hinahanap pa nga namin"-Ako.
"Hindi ba nasabi sa inyo ni Calvin?"-Bestie.
Napakunot ang noo ko sa sinasabi ni Bestie Liesly ko.
"May nasabi siya sa amin at naireport nga namin sa mga pulis. Bakit Bestie?"-Ako.
"Buti naman at nasabi pala niya sa inyo. Pero Bestie, hinala ko na may kasabwat yung lalaking bumaril sa akin. Kasi nung nagsasayaw kami ni Calvin. May nakita kaming mga tao na nasa labas ng venue nung party mo. Bale dalawang babae sila. Pamilyar sakin yung mga mukha nila."-Bestie Liesly."Bestie, pwede mo bang ilarawan sakin kung ano ang itsura nila?"-Ako.
"Pwede, pero pwedeng sa susunod nalang Bestie? Nakakapagod pala magsalita eh."-Bestie Liesly.
"Okay sabi mo eh."-Ako.Pagdating ng hapon nagsidatingan sa hospital sina Don Lee, Senyorita Lea, Manang Bebeth, Lola Gina at Daddy ni Bestie. Maging sina Calvin, Aaron at Jiro ay pumunta rin sa hospital para makita kung ano ang kalagayan ni Bestie.
"Mabuti naman at nagising ka na Liesly alam mo bang miss na miss ka na ng isa dito"-Sabi ni Jiro sabay turo pa kay Calvin.
"Naku jiro ayan ka na naman, tigilan mo nga ako. Ang sabihin mo ikaw ang may namimiss, di mo lang nakita ng tatlong araw Si Selina eh nagkakaganyan ka na."-Calvin."Ahm, pasensya na po kayong lahat kung naistorbo po namin kayo. Kaya lang mukhang kailangan muna naming bumalik ng babe ko sa mansion. Alam niyo kailangan makapagpahinga"-Wu Chun.
"Asus ang sabihin mo bro gusto mo lang masolo si Kristine dahil hindi mo yun nagawa nung birthday niya"-Panunukso ni Aaron sa amin.
"Uuuuuyyyyy"-Sabay sabay na sabi ng lahat.Magka akbay naman kami ni Wu Chun my loves na lumabas ng hospital. Hanggang sa makarating kaming pareho sa Mansion. Napa upo kaming pareho sa Big sofa.
"Babe, magluluto ako, anong gusto mong kainin?"-Ako.
"Pwede bang ikaw nalang?"-Wu Chun.
Pinanlakihan ko lang siya ng mata.
"Mali yang iniisip mo ha. Nagi green minded ka ha"-Wu Chun
"Eh ikaw naman kasi eh."-Kinurot ko siya sa tagiliran niya.
"Babe naman jinojoke lang kita."-Wu Chun.
"So ano ngang gusto mong kainin?"-Ako.
"Chicken adobo na lang, ayaw mo kasi eh"-Wu Chun.
Kinurot ko uli siya sa tagiliran niya. Namimihasa na eh. Pero kailangan pilitin pa niya ako para bumigay haha! :).
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
CasualeIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...