AUTHOR'S NOTE:
Malaman na kaya ni Kristine kung sino yung batang babae na nasa picture?.
____________________________________KRISTINE'S POV:
"Lin, wag ka jan. Wag kang pumunta jan."-Pinipigilan nung batang Lalake yung isang Batang Babae na pumasok sa isang lumang bahay. Pero yung batang babae hindi nagpapigil. Pumasok pa rin siya sa loob ng lumang bahay. Madilim, as in sobrang dilim. Hinanap nung batang babae yung switch ng ilaw, Yung batang lalaki naman ay sinundan sa loob ng lumang bahay yung batang babae.
"Lin, halika na alis na tayo dito. Baka hinahanap ka na ng Mommy at Daddy mo."-Hinila nung Batang Lalaki yung Batang Babae at lumabas sa lumang bahay. Paglabas nila doon ay kailangan nilang tumawid. Ngunit nasa gitna na sila ng kalsada ay hindi nila napansin na may isang kotse na mabilis ang takbo.
Pero napalingon yung batang babae sa may mabilis na tumatakbong kotse. Itinulak niya yung batang lalaki at siya ang nahagip nung kotse...
"Ssssscccccrrrrraaaaatttttccccchhhhh!!!!!"-Ganyan yung tunog ng kotse..."Kristine! Kristine! Kristine!"-Paggising sa akin ni Manang Joy.
Hingal na hingal ako ng paggising ko.
"Nananaginip ka. Sigaw ka ng sigaw eh"-Manang Joy.
"Panaginip lang po pala iyon akala ko totoo na"-Ako
"Ano ba yung panaginip mo? At parang takot na takot ka?"-Manang Joy.
Ikinuwento ko kay Manang Joy yung naging panaginip ko. At tahimik lang siyang nakikinig sa akin.
"Panaginip lang yun Kristine. Halika na sa labas baka kailangan nila Manang Bebeth yung tulong natin doon"-Manang Joy.
"Sige po Manang Joy, mauna na lang po kayo doon."-Ako.
"Sige sunod ka ha."-Manang Joy.Nandito ako ngayon sa may library, at dito ako nakatulog at yun nga napanaginipan ko yung Batang Babae na nasa picture. Paglabas ni Manang Joy, imbes na sumunod ako sa kanya ay umakyat ako sa taas doon sa may Mini Office ni Wu Chun my loves at nang makita ko yung pakay ko doon ay kinuha ko yung cellphone ko at kinunan ko yung picture.
"Sino ka bang talaga? Bakit ka pumasok sa panaginip ko? Bakit kapag nakikita ko ang picture na ito ay parang nakakaramdam ako ng kakaiba?"-Ako.
"Babe"-Tawag sa akin ni Wu Chun my loves. Dali dali kong ibinalik sa mesa yung picture frame pati yung cellphone ko ay ibinulsa ko na rin. Paglingon ko kay Wu Chun my loves, bihis na bihis ito. Fresh na fresh ang Wu Chun my loves ko. Naka gel, polo shirt, maong pants, at naka rubber shoes. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi."Anong ginagawa mo dito?"-Wu Chun my loves.
"Hinahanap kita. Akala ko kasi nandito ka kaya dito ako nagpunta. Teka? Bakit bihis na bihis ka yata? Wala ka namang shooting ngayon a."-Ako.
"Wala nga akong shooting. May pupuntahan tayong dalawa."-Wu Chun.
"Ta.....ta.....ta.....tayong dalawa?"-Nabubulol kong sabi.
"Oo may pupuntahan tayo. Magbihis ka na at hihintayin kita sa baba sa may sala."-Wu Chun."Wow!!!!!"-Sabi ko. Namangha ako sa nakita ko. Dinala ako ni Wu Chun my loves sa isang lugar na parang paradise ang dating.
"Wow, ang daming bulaklak ang gaganda!"-Ako.
"Nagustuhan mo ba?"-Wu Chun.
Humarap ako kay Wu Chun my loves.
"Oo Babe, sobra!."-Ako.
"Salamat naman at nagustuhan mo. Halika punta tayo sa banda roon"-Wu Chun.Narating namin ni Wu Chun my loves yung tinuro niya kanina. Kung namangha ako sa nakita ko nung una, mas namangha ako sa nakikita ko ngayon. Ang daming iba't ibang uri ng Bulaklak. Pumitas si Wu Chun my loves ng isang bulaklak at inilagay iyon sa aking kaliwang tenga. Naupo kami ni Wu Chun my loves sa isang Bench na nasa ilalim ng malaking puno.
"Babe, bakita mo nga pala ako dinala dito?"-Ako.
"Dinala kita dito kasi gusto ko talagang ipakita sayo tong lugar na to"-Wu Chun.
"Bakit?"-Ako.
"May ikukwento ako sa yo kaya makinig ka ha"-Wu Chun.Habang nakikinig ako sa kwento ni Wu Chun my loves. Ay biglang sumakit yung ulo ko. At may ala alang pumasok sa utak ko. Nakikita ko yung dalawang bata ulit.
"Lin, paglaki natin pakakasalan talaga kita at dito sa lugar na to ay magtatayo tayo ng dream house natin"-Sabi nung batang Lalaki.
"Talaga? Pakakasalan mo ako? Kahit na magka away mga magulang natin?"-Batang Babae.
"Oo pakakasalan kita. Promise ko yan sayo. Magpapicture tayo dito sa lugar na ito. Para may remembrance naman tayo."-Batang lalaki.
"Okay sige sige"-Batang Babae..."Babe, okay ka lang? Anong nangyari sayo?"-Nagpapanic na sabi ni Wu Chun my loves.
"W-w-wala babe, masakit lang tong ulo ko."-Ako.
"Ganun ba?. Sige uwi na tayo."-Wu Chun.
"Babe, okay lang ako. Dito lang muna tayo."-Ako
"Sure ka?."-Nakakunot noong tanong niya sa akin.
Tumango lang ako sa kanya."Bestie, diba nurse ka?"-Ako
"Oo naman Bestie. Bakit mo naman natanong?"-Bestie Liesly.
"So may alam ka tungkol sa mga ala alang bumabalik?"-Ako.
Natigilan si Bestie Liesly sa tanong ko sa kanya.
"Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, nagsisimula na siyang magtanong tungkol sa nakaraan"-Bestie Liesly..
"Bestie wala akong alam jan sa ala alang bumabalik na sinasabi mo. Puro mga drugs at mga sakit lang na tulad ng dengue yung alam ko."-Bestie Liesly.
"Ganun ba?"-Ako.
"Oo. Teka bakit naman napunta sa ala ala yung pinag uusapan natin?"-Bestie Liesly.Imbes na sagutin ko yung tanong sa akin ni Bestie Liesly ay kinuwento ko sa kanya yung nangyari sa akin kahapon nung nagpunta kami ni Wu Chun my loves sa paradise.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...