ELLA'S POV:
Nagawa nga ni Rain yung first move niya.
"Grabe ibang klase talaga dumiskarte tong si Rain. Akala ko puro lang pagpapacute sa stage ang kaya niyang gawin"-Selina.
"Mas bibilib ka pa kapag nagawa na niya yung second at third move niya. Sa ngayon watch and learn muna ang peg natin."-Ella.KRISTINE'S POV:
"Magaling ka palang magluto"-Rain.
"Thank you"-Ako.Dito kami ngayon sa labas ng kubo, at kasalukuyang nagmemeryenda. Kasama ko sina Rain, Bestie Liesly at Manang Joy. Nasa loob naman sina Ella, Selina, Hebe at Molly. Yung mga Fahrenheit naman nagpunta sa market kasama naman sina Manong Dante at yung iba pang mga Barangay Kagawad dito.
"Pano ka pala natutong magluto?"-Rain.
"Tinuruan lang ako ng Lola Gina ko. Dati kasi may karinderya kami, tinutulungan ko si Lola Gina ko sa pagluluto pati na rin sa pagtitinda."-Ako.
"So, mahirap lang pala kayo ganun?"-Rain.
"Oo mahirap lang kami pero masaya."-Ako.
"Eh ikaw Rain, pano ka naman na discover sa showbiz?"-Bestie Liesly.
Pasimple pang magtanong tong si Bestie ko eh halatang halata ko naman siya hahaha!.
"Paano ako nadiscover?, ah bata pa ako nun mga 10 or 11 years old. Naglalakad lang kami ni Mommy ko sa mall then may isang babae na lumapit samin at nagpakilalang member siya ng isang production team sa GTV. Sa una hindi agad naniwala si Mommy sa mga pinagsasabi nung babae, pero nalaman din namin ni Mommy na totoo pala yung mga pinagsasabi niya. I told my Mom na gusto ko talagang mag Artista then the rest is history."-RainKunwari lang na nagtanong si Bestie Liesly ko pero ang totoo alam na niya yung storyang iyon kasi nga na research na niya yan sa internet. Kung gaano ako ka fanatic kay Wu Chun my loves ko ganun din si Bestie Liesly kay Papa Rain Yummy niya!.
"Ah ganun pala."-Bestie Liesly.ELLA'S POV:
"Ano may nakuha ka bang inpormasyon sa kanya?"-Ella.
"Yeah, meron."-Rain.
"Ano naman yun?"-Tanong ko kay Rain. Magkausap na kami ngayon dito sa loob ng kubo. Dumating na kasi sina Wu Chun galing market at syempre Umepal na naman yung babaeng higad na yun (Kristine).
"Mahirap pala siya. Tumutulong lang siya dati sa karinderya ng Lola niya"-Rain.
"Karinderya? What's that?"-Maarteng sabi ni Selina.
"Karinderya, yun yung tawag sa maliliit na restaurant. Karaniwan na matatagpuan sa mga gilid ng kalsada o di kaya sa palengke."-Rain.
"Eeeeewwwww"-Ella/Selina.
"Kaya pala amoy imbornal yang babaeng yan. Yuck!"-Ella.
"Mamayang pagkatapos ng tanghalian tutulungan ko ulit sa paghuhugas yung babaeng amazona na yun. Lalambingin ko. Tignan ko lang kung hindi magselos si Wu Chun sa gagawin ko."-Rain.Pagdating ng tanghalian, nakisabay kami ulit sa hapagkainan. At eto namang si Rain inumpisahan na ang second move niya, at yun ay ang pagselosin si Wu Chun. At mukhang effective nga dahil nakikita kong binibigyan ni Wu Chun ng matatalim na tingin si Rain. At napansin ko rin yung Bestfriend ni Kristine na mukha ring higad na parang nasasaktan sa nakikita niya. Hmmm mukhang interesting ah. Dahil dun may nabuo na namang plano sa isip ko at yun ay ang pag awayin ang mag bestfriend.
Pagkatapos naming kumain, tinulungan naman ni Rain si Kristine sa paghuhugas ng mga pinagkainan. Alam kong nakatingin din sina Liesly at Wu Chun dun sa dalawa. Mukhang umaayon sa akin ang tadhana. Magandang laban to!.
KRISTINE'S POV:
Nagtataka na ako kung bakit biglang lumalayo sa akin si Bestie Liesly ko. Pag kinakausap ko naman siya tumatango lang siya at saka niya ako iiwan. Ano bang nangyayari sa kanya?. Lumapit sa akin si Rain.
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo?"-Rain.
"Si Bestie kasi, pakiramdam ko lumalayo na yung loob niya sa akin"-Malungkot na sabi ko.
"Naku, pakiramdam mo lang yun. Bakit hindi mo siya tanungin?"-Rain.
"Tinanong ko na siya kanina. Ang kaso hindi niya ako sinagot. Kaya hindi ko alam kung ano yung reason niya"-Ako.
"Edi kulitin mo. Pilitin mo siyang kausapin."-Rain.
(Nakita ni Rain na papalapit sa kanila si Wu Chun. Kaya naman si Rain niyakap niya bigla si Kristine ng mahigpit. Si Wu Chun naman hindi na nakapag pigil sa tindi ng selos niya. Sinugod niya si Rain at pinagsusuntok ito., gumanti din naman si Rain. Si Kristine naman sigaw ng sigaw. Agad na nagsilapit ang lahat, Yung mga barangay kagawad naman ang umawat sa dalawa.)
"Bakit mo ba ako sinuntok ha!"-Sigaw ni Rain.
"Nilalandi mo ang girlfriend ko kaya kita sinuntok!"-Wu Chun.
"Pwede ba tama na!. Wag na kayong mag away!."-Ako. "Babe, hindi niya ako nilalandi"-Ako.
"Eh kung hindi ka niya nilalandi, sinong naglalandi? Ikaw?!!!"-Wu Chun.
"Babe, hindi niya ako nilalandi at hindi ko rin siya nilalandi!"-Ako.
Tumalikod si Wu Chun at naglakad palayo. Sinundan ko naman siya at napunta kami sa likod ng Kubo. Naabutan ko siya roon na palakad lakad.
"Paano mo iexplain sakin yung nakita ko ha!!!"-Ramdam ko ang galit sa kanyang boses.
"Babe, yung nakita mo wala lang yun. Nagulat nga rin ako ng bigla na lang niya akong yakapin eh. Babe, maniwala ka sakin. Yung yakap niya sa akin wala lang yun"-bumubuhos na ang mga luha ko. Nilapitan ko siya at sinubukang hawakan ang kaliwang braso niya kaya lang agad siyang lumayo sa akin. Nasaktan ako sa ginawa niya.
"Mabuti pang lumayo ka muna sa akin. Baka kung ano pa ang magawa ko sayo"-Pagkasabi niyon iniwan ako ni Wu Chun at palagay ko ay bumalik siya sa loob ng kubo.
BINABASA MO ANG
Ang Artista At Ang Julalay(Magandang Alalay)
RandomIsang napakamaningning na bituin na napakahirap abutin, pero pilit na inaabot. Yan ang laging nasa isip ni Kristine. Mahirap lang si Kristine Pero may pangarap sa buhay at yun ay ang makita sa personal ang kanyang ultimate crush na si Wu Chun. Sa to...